"Mag ingat ka Zac ha." Bilin ko kay Izaac bago ako sumakay ng kotse. Dahil sa gusto naming mapadali ang pagtapos ng paghihiganti namin ay napagkasunduan naming mag hiwalay ng gagawin. Siya ay pupunta sa lugar kung saan pinaghihinalaang nagtatago si George at ako naman ay pupunta sa salon ni Correen dahil napag alaman kong may appointment ngayon doon si Chelsea.
Habang nagdadrive ako ay abot abot ang kaba ng dibdib ko. Ngayon lang kasi ako magsosolo ng gawain. Hindi ako sigurado kung magagawa ko ba yun nang maayos. Nang makarating ako ng mall ay pinark ko lang ang kotse at agad na nagdiretso sa loob ng mall. Habang naglalakad ay natanaw ko si Ron na naglalakad patungo sa tinatahak kong daan. Iiwas na sana ako pero agad niya akong nakita. Dapat ay naisip kong nandito din siya dahil magpapasalon ang girlfriend niya.
"Hey Angel." Tawag niya sakin. Kumaway ako at ngumiti bilang sagot. Agad siyang lumapit sakin. "Anong ginagawa mo dito? Nakakatuwa naman, nakita kita dito. Sakto nabobored pa naman ako." Saad niya ng makalapit siya sa akin.
"Ahm, may bibilin lang ako para kay Zac." Sagot ko. Tumango naman siya. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Kahit alam ko namang sinamahan niya si Chelsea dito ay nagpanggap parin akong walang alam.
"Nag iikot ikot lang." Pagsisinungaling niya. "Tara samahan na kita. Ano bang bibilin mo?"
"Ay. Wag na. Nakakahiya naman sayo." Pagtanggi ko. "Sige ha una na ko." Lalakad na sana ako palayo nang hawakan niya ang kanang braso ko. Agad ko siyang nilingon. "What?" May halong inis ang boses ko.
"I insist. Sasamahan na kita." Pagpupumilit niya. Napailing nalang ako.
"Tss. Fine." Agad kong nilabas ang phone ko para magtext kay Izaac.
'Zac change of plans.' Text ko kay Izaac. Alam kong mag aalala siya pero kailangan kong masabi sakanya na hindi ako matutuloy sa balak ko kay Chelsea dahil sa asungot na to. Ilang sandali lang ay nagvibrate na agad ang phone ko sign na may nagtext. Hindi nga ako nagkamali ng akala. Si Izaac nga ang nagtext.
'Why? What happened Angel?' Naiimagine kong nakakunot ang noo ni Izaac habang tinatype ang text na yan kaya naman bahagya akong napangiti. Habang nagtatype ako ng reply ko ay biglang tumawag si Izaac.
"Excuse me." Pagpapaalam ko kay Ron, tumango naman siya. "Izaac?"
"What happened Angel? May masama bang nangyari? Are you okay?" Sunod sunod na tanong ni Izaac. Natawa naman ako ng bahagya.
"No silly. Ahm. I'm with Roniel." Sagot ko.
"What? Why?" Tanong niya ulit.
"I bumped into him. Ayun inaya niya ko mag ikot-ikot. You know." I answered.
"Ahh. I see. So how about your plan about Chelsea Scott?"
"Next time nalang siguro. Alam mo na." Tila nagets naman agad ni Izaac ang sinabi ko.
"Okay, take care my Angel. I love you."
"I will. I love you more."
"No Angel. I love you more than you love me."
"No Zac, i love you most."
"Ehem." Napatingin ako sa likuran ko ng may tumikhim. "Ahm paalala ko lang. I'm here." Saad ni Ron. Sumenyas ako na saglit at tumango naman siya.
"Zac, I need to go. Naiinip na ata tong kasama ko." Paalam ko kay Izaac.
"Tss. Istorbo. Okay. Mag ingat ka ha Angel? Magpapakasal pa tayo. Mahal na mahal kita."
"Mas mahal na mahal kita Izaac Sandoval. See you later." I ended the call. Hinarap ko si Ron na medyo nakasimangot. "Let's go?" Pag aaya ko.
"At last. Akala ko hindi na kayo matatapos sa pagpapalitan ng mga sweet nothings niyo e." Anas niya. Tinignan ko naman siya nang masama. "Just kidding." He added. Naglakad lakad kami sa loob nang mall. Ang totoo ay hindi ko alam kung ano bang hinahanap ko. Wala akong maisip na bilhin kay Izaac since lahat naman ay meron na siya. Bakit ba kasi yun ang naisip kong palusot dito kay Ron nahihirapan tuloy ako ngayon. "Ano nga bang bibilin mo?" Tanong ni Ron. Marahil ay napansin niya na kanina pa paikot ikot.
BINABASA MO ANG
Angel's Revenge
RomanceDaien Angelica Saavedra has the perfect life. But one day something happen. She got abducted, beat, abused, raped and tried to be killed. Her brother is in coma Her best friend found dead Her parents is not in their house and nowhere to be found. Sh...