Chapter Twenty Three : Angel's Wish / Izaac's POV

126 4 2
                                    

I was signing some documents when Josh enter my office. He looks upset.

"What brings you here Josh?" I asked.

"Alam ko na ang totoo Izaac." Sagot niya. Tinitigan ko naman siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Angel. Hindi mo siya totoong fiance. Ginagamit mo lang siya para mag higanti sa Houston's, tama ako diba?" Sabi niya. Nakakuyom ang kamao niya at malalim ang mga paghinga niya. "Paano mo nagawang gamitin ang isang inosenteng babae Izaac?!!" Sigaw ni Josh sa akin. Nanatili akong kalmado.

"Gusto niya rin mag higanti kaya tinulungan ko siya." Sagot ko. Inilang hakbang ako ni Josh at kinuwelyuhan.

"Wala kang ibang tinutulungan kundi ang sarili mo! Kung totoong gusto mo siyang tulungan, hindi sa ganitong paraan! Pwede kang mag sumbong sa pulis o kaya naman ay sa akin! Sundalo ako, Izaac!" Ngumisi ako . Tinanggal ko ang kamay niya sa kwelyo ko.

"Pulis?! May magagawa ba ang mga pulpol na pulis sa ginawa ng Houston's kay Beatrice?! Alam mong magbubulag-bulagan lang sila Josh!" Galit na rin ako sa pagkakataon na iyon. "Bakit ka ba nanggagalaiti dyan?! Ano bang pakeelam mo ha?!" Tanong ko pa.

"I like Angel." Matipid niyang sagot. Bigla ay nakaramdam ako nang sobrang pagkagalit. Ano bang pinapalabas ni Josh?

"Too bad Valdez. She's mine." I smirked. Umiling siya at ngumisi.

"No, Izaac. Walang nag mamay-ari sa kanya." Sagot nito.

"Talaga? Sa akin siya Josh. Sa bahay ko siya nakatira, nasa puder ko pati ang kuya niya. Mga doctor ko ang gumagamot kay Daniel. Kaya akin siya. Malaki ang utang na loob sa akin ni Angel kaya naman hindi niya magagawang umalis sa puder ko. Habang buhay niyang babayaran ang utang na loob na iyon. She will be my slave for the rest of her life."

"Ganun ba iyon?" Napatingin kami ni Josh sa babaeng nag salita. Si Angel ay nasa pintuan ng opisina ko at umiiyak. "Ganun ba iyon ha Zac?!! Ganun lang ba ang tingin mo sa akin?!! Slave?!! Bagay lang ba ako na ginagamit mo para makaganti ha?!! Wala kang pinag kaiba sa kanila Zac! Wala!!" Umiiyak na lumabas si Angel ng pintuan. Agad naman siyang sinundan ni Josh. Napaupo ako sa recliner ko. Naihilamos ko ang kamay ko sa buhok ko. Galit siya sa akin. Umiiyak siya dahil nasaktan siya sa mga sinabi ko. Ang tanga ko! Hindi ko dapat siya sinaktan dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako.

Oo, napapasaya ako ni Angel. Yung mga simpleng ngiti niya ay nakakapag pangiti din sa akin. Natutuwa ako sa twing yuyuko siya dahil nahihiya siyang kausap ako. Yung kilos niya pag siya si 'Daien' at hindi si 'Angel'. Gustong gusto ko pag tinatawag niya ko ng 'Zac'. Hindi niya alam pero pag tulog na siya sa gabi ay palagi ko siyang pinupuntahan sa kwarto niya at tinititigan siya.

Hindi ko alam kung bakit ako ganito sa kanya. Sa totoo lang ay kaya ko talagang mag higanti sa mga Houston's kahit ako lang mag isa. Pero nang malaman ko ang ginawa sa kanya ng mga hayup na iyon ay hindi ako nag dalawang isip na tulungan siya. Bonus nalang siguro na parehas lang kami ng gustong gantihan.

Kung nahuhulog na ako kay Angel ay hindi ko ito pipigilan. Hahayaan kong mag umapaw ang nararamdaman ko hanggang sa suklian na niya ito. Angel, no I mean Daien is a wonderful person. Sa ilang buwan niyang pagtira sa bahay ko ay nakikita ko kung sino ba talaga siya. Alam kong nahihiya lang siya na ipakita ang totoong siya pero hindi niya alam na nailalabas na pala niya iyon. Mapagmahal na tao si Daien. The way he looks her brother tells it all. I just wish that Daien will be truly happy after we get our revenge.

Tumayo ako at agad na lumabas ng opisina ko. Pinacancel ko ang lahat ng appointment ko. Pumunta ako ng parking lot at sumakay ng kotse ko. Dumiretso ako ng bahay para puntahan si Angel. Hihingi ako ng tawad sa mga nasabi ko.

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon