Chapter Four : The Plan

147 3 0
                                    

Simula nung kinuha nila si Sab kahapon ay hindi pa nila ito binabalik sa kwarto na pinaglalagyan namin ni kuya. Hindi ko maiwasang hindi mag alala. Alam kong may masama na silang ginawa sa best friend ko. Pero sana kayanin nya lahat yun.

Kinalagan na kami ng mga tauhan ni Ron pero ganun pa man wala parin kaming maisip ni kuya na way para makatakas. Bukod kasi sa mahina pa si kuya ay talaga namang bantay sarado ang buong lugar.

Kasalukuyan kong pinupunasan ng panyo ko ang mga sugat ni kuya sa mukha ng bumukas ang pinto. Halos mawala ako sa ulirat ng makita ko si Sab na bitbit ng dalawang lalaki. Hinang hina ito at maraming sugat sa iba't ibang parte ng katawan. Ang lalong nakapag pahabag sa amin ni kuya ay ang damit na suot nya. Sira sira ito at halos lumabas na ang buong katawan. Napansin kong may mga dugo din ito. Ang best friend ko. Anong ginawa nila sakanya.

''Mga hayop kayo! Anong ginawa nyo sakanya?!" Pahugulgol kong sigaw sa mga demonyong may dala kay Sab. Ibinagsak nila ang katawan ni Sab malapit saamin atsaka tumawa ng nakakaasar.

"Nasiyahan kami sa kaibigan mo miss. Sana payagan din kami ni boss pag ikaw na.'' Tumatawang saad ng isa sakanila habang palabas ng pinto. Agad kong nilapitan si Sab at inilagay ang ulo nya sa hita ko.

"Sab. Bes. Okay ka lang ba? Gumising ka dyan. Anong ginawa nila sayo?" Tinatapik ko ng mahina ang pisngi nya. Hindi rin nagtagal ay nagmulat ito ng mata.

"D-Daien." Yun lang ang nasambit nya at bigla ay humagulgol na ito sa hita ko. Niyakap ko sya at hinimas ang likod para kahit paano ay pakalmahin sya. Lumapit na rin si kuya kahit pa nahihirapan syang gumalaw at hinawakan ang kamay ni Sab.

"Shh. Tahan na bes makakaalis din tayo dito. Ano bang ginawa nila sayo Sab?"

"T-they raped me Daien. Binaboy nila ko. Matitiis ko ang mga pananakit nila pero ang pangbababoy nila hindi." Naramdaman ko ang sakit at hirap na pinagdaanan nya base palang sa mga narinig ko.

"Hayop na Ron yon! Sisiguraduhing kong pagbabayaran nya lahat ng to" Nakakuyom ang mga kamao ni kuya ng sinabi nya ito. "Wag kang mag alala Sab pagbabayarin nya lahat to! Makakaalis tayo dito." Dagdag pa ni kuya habang hinihimas nya ang likod ni Sab.

"Sige na Sab magpahinga ka muna. Iisip kami ni kuya ng paraan para makaalis tayo dito." Tumango lang sya at pumikit na. Nang maramdaman kong mahimbing na ang pagkakatulog ni Sab ay binalingan ko na si kuya.

"Kuya what should we do? Dapat matapos na to." Tanong ko sakanya.

"Kailangan na talagang matapos neto baby. Dahil kutob ko ay ikaw na ang isusunod ni Ron. At hinding hindi ako papayag na mangyari yun. Papatayin muna nila ako." Nakakatakot mang isipin pero malaki ang posibilidad na ganun nga ang mangyari. Ako nalang ang hindi pa nasasaktan ni Ron saming tatlo. Kaya siguradong sa susunod nyang pag pasok sa kwartong ito ay ako na ang babalingan nya.

"May naisip na ko baby. Makinig kang mabuti." Tango lamang ang sinagot ko. "Magtatago ako sa likod ng pinto pag may pumasok. Hindi nila agad ako mapapansin dahil siguradong sayo nila itutuon ang pansin nila. Pipilitin kong makaagaw ng armas sa kahit na sino sa kanila. At pag nagawa ko yun ay kuhanin mo na agad ang makukuha kong armas gawin mo iyong proteksyon at tumakas na kayo. Humingi agad kayo ng tulong."

"Pero paano ka kuya? Hindi kita pwedeng iwan dito!" Agad kong sagot sakanya. Hindi sya pwedeng maiwan dito baka patayin sya ni Ron.

"Kaya nga hihingi kayo ng tulong diba? I'll be fine baby. Diba superhero si kuya? Pag nakahanap ako ng magandang tyempo ay tatakas din ako agad. Susunod agad ako sainyo. Sigurado kaseng kailangang gamitin ni kuya ang super powers nya sa mga villains dito eh." Nakangiting saad ni kuya.

"But-"

"No buts Daien. Kaya ko yun! Don't worry about me." Tinap nya ang ulo ko pagtapos nya sabihin yun.

"O-okay." I sighed in defeat.

"Good girl. Kaya be ready ha. Sabihan mo na rin si Sab para mahanda nya yung sarili nya. I love you baby." Hinalikan nya ang noo ko.

"I love you too kuya. Please promise me that you'll be alright." Sana magwork yung plano ni kuya. Pero kailangan ko ding gawin ang part ko para maging successful ang lahat ng ito. Lalo na at buhay namin lalo na ni kuya ang nakataya dito. 'Please Lord guide us.'

"Teka lang kuya gigisingin ko lang si Sab para masabi ko sakanya ang plano natin."

"Okay. Tatry ko ding maghanap ng kahit anong pede nating panlaban or kahit pamalo man lang sakanila dito." Tumayo na si kuya at naghanap hanap na ng pwede naming gamitin habang ako naman ay lumapit na kay Sab para gisingin ito.

"Pst. Bes wake up. I have something to tell you." Hindi naman ako nahirapang gisingin sya dahil ilang tapik ko lang sakanya ay nagmulat na sya ng mata.

"How are you? May masakit pa ba sayo." Tanong ko ng makaupo na sya sa tabi ko. Iling lang ang isinagot nya sakin. Kahit alam kong nagsisinungaling sya ay hinayaan ko nalang muna. Sa ngayon ay kailangan ko munang masabi sakanya ang plano namin ni kuya.

"Sab, may plano na kami ni kuya." Tila nagliwanag ang mukha nya at bigla na lamang ngumiti ulit.

"Really?! What is it?" Excited na tanong nya.

"Okay listen carefully bes." Tango lang ang isinagot nya sakin at nakinig na sya ng mabuti. Ipinaliwanag ko sakanyang mabuti ang lahat ng balak namin ni kuya. Pero tulad ko ay nag aalala din sya sa pwedeng mangyari kay kuya Daniel if ever na hindi kami makahingi ng tulong agad.

Inihanda na namin ang sarili namin para sa pagpasok ng kung sinuman sa kwartong pinaglagyan samin. Wala na isa saamin ang natulog. Nakahanap si kuya ng kahoy na pwedeng ipamalo sa papasok sa pinto. Makapal ito at mahaba. Sapat na muna yun habang wala pa kaming kahit anong hawak.

Ngayon ay handa na kami at naghihintay na lamang ng papasok sa pinto. I hope this plan will work.

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon