Chapter Six : Pain

149 4 0
                                    

"Wake up sleepy head." Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang boses na yun. Nakaramdam muli ako ng takot ng makita kong nakangisi sa akin ang demonyo. Paano sya napunta dito?!

"Surprise?!" Hindi ako makasagot. Paano? Lumingon ako sa paligid ko at nakita kong hawak na ng dalawang lalaki si Sab habang ang babae naman na may ari ng bahay ay nakayuko lamang sa isang tabi.

"Let's go! Boys itali sya. Siguraduhing hindi na sya makakatakas ulit. At pag nakatakas yan ulit isa isa ko kayong papatayin!" Utos nya sa mga tauhan nya. Itinali ako ng mga tauhan nya at kinaladkad ako palabas. Nilingon ko ang babaeng may ari ng bahay at nakatingin lamang sya sa amin. May bakas ng guilt ang mga mata nito. She mouthed 'sorry' pero wala ng magagawa iyon. Umiyak lang ako ng umiyak. Lahat ng effort namin ni kuya ay nasayang. Ang tanga ko. Si Sab ay nakatulala na lang. Paano na to? Unti unti na kong nawawalan ng pag asa. Dito na siguro matatapos ang lahat.

"Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang pagtakas mo Daien. Paulit ulit kitang parurusahan hanggang sa madala ka." Nakangising saad ni Ron habang titig na titig sakin.

"Do what you want Contreras! I don't care!" Gusto ko syang patayin sa bugbog pero I know for a fact na hindi ko kaya. Hindi ako katulad nya na walang puso. Ipagpapasa-Diyos ko nalang sya.

Hindi nagtagal ay naibalik na nya kami kung saan nya kami ikinulong. Napaiyak ako ng makita ko ang kalagayan ni kuya. Nakahandusay siya sa sahig at duguan. Halos hindi na siya makilala.

"Hayop ka talaga Roniel! Wala kang puso!" Lumapit ako sakanya. Pinagsasampal ko ang muka nya. Wala akong pakielam kahit saktan nya pa ko. Una, pinaglaruan nya ko lalo na ang puso ko. Pangalawa, binababoy at sinaktan nya ang best friend ko. Tapos ngayon ay ito. Halos patayin na nya ang kuya ko sa bugbog. Siya na ata ang pinaka walang pusong tao na nakilala ko. Hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan ng galit nya sa daddy ko pero para sakin hindi sapat na dahilan yun para gawin nya samin ang ganitong bagay.

Patuloy ko lang siyang sinasampal ng itulak nya ko, dahilan para mapaupo ako sa sahig. Nakaramdam ako ng kaunting sakit sa bandang balakang pero hindi ko ininda iyon bagkus ay agad akong tumayo at sinipa siya sa kanyang pagkalalaki.

"Aaaahhhh!" Halata ang sakit na naramdaman nya sa ginawa ko. Napangisi ako.

"Kulang pa yan sa mga ginawa mong hayup ka!" Tumayo siya at inilang hakbang ako. Sinampal nya ako dahilan para magdugo ang ibabang labi ko. Sasampalin nya pa sana ako ng may pumigil sa kamay nya. Nilingon ko kung kaninong kamay ang may hawak sa kamay ni Ron at nakita ko ang kuya ko. Kanina lang ay natutulog siya sa sahig. Pero ngayon ay nandito na siya sa harap namin. Madilim ang muka ni kuya Daniel habang hawak hawak ang kamay ni Ron. Kahit halata ang panghihina niya dahil sa mga natamong sugat ay buong lakas niyang napigilan si Ron.

"Let go of my hand Saavedra!" Ungos ni Ron pero hindi nagpatinag si kuya Daniel bagkus ay hinila niya ito paharap sakanya at saka sinapak sa muka. Napahiga si Ron pero agad din siyang tumayo. Akmang lalapit ang mga tauhan niya ng pigilan niya ang mga ito.

"No boys. Ako ng bahala dito. May mas maganda akong plano para makaganti sakanya. Hawakan niyo at itali si Daien. Ganun din ang gawin niyo sa gagong ito." Agad ay sumunod ang mga ito. Nakaramdam ako ng takot. Tinignan ko si Sab na kanina pa pala nakaupo sa isa sa mga upuan at doon ay nakatali. Sunod kong tinignan si kuya. Itinatali na rin siya ng mga tauhan ni Ron. Panaka naka ay pumipiglas siya pero nakakatanggap lang siya ng suntok galing sa mga ito. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Kung ano man ang balak ni Ron ay sigurado akong ikakasasakit ng loob ni kuya. Ron is smart. He knows for a fact na hindi niya matitinag si kuya sa pamamagitan ng pagbugbog lamang. Kaya dadaanin niya ito sa pananakit sa kalooban ni kuya.

Pagkatapos akong itali ng mga tauhan ni Ron ay kinaladkad nila ako palapit sa boss nilang demonyo. Agad akong nginisihan ni Ron at tsaka lumingon kay kuya.

Angel's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon