Chapter 1 16 years ago

2.2K 128 10
                                    


    Nangangalit ang mga matatalim na kidlat sa kalangitan. Sa sobrang dami ng kidlat takot na takot ang mga taga San Ildefonso lalong lalo na ang mga nakatira sa dalampasigan.

     Humahampas ang malalakas na hangin, halos tangayin ang mga bubong na yari sa mga yero ngunit ang karamihan ang materyales ay galing lamang sa a,nahaw at niyog.

     "Natatakot ako Ina may paparating ata na malakas na  bagyo." wika ng dalagang si Selma.

     "Oo nga Ate Selma, Tay kailangan na nating lumikas." sambit ni Rigor habang isinasalba ang umaandap andap na sindi ng gasera.

     "Hindi ito isang malakas na bagyo."  tulala ang mukha ng ale na nasa edad na singkuwentay uno.

     "Ganitong ganito din noon anim na taong gulang pa lang ako. Ang sabi ng mga matatanda kapag nagngangalit ang langit at ang karagatan, ay may nalalapit na maipapanganak na anak ng dagat."

    "Ano po yun Inay?"

    "Anak ng dagat, isang sirena. Isang  anak ng Diyos ng Karagatan." patuloy ng Ale.

     "Anita wala pa tayo sa mundo, nagpasalin saling kuwento lang iyan ng mga kanunuan natin dito sa San Ildefonso"  wika ni Mang Berto.

     "Ina, Ama ano ba yan mga sinasabi ninyo." Tanong ni Selma.

     "Totoo ang sinasabi ko, Alam mo yan Berto. Hindi ba may masama kang alala sa dagat noong binatilyo ka pa." Paalala ni Aling Anita sa kanyang asawa.

      Lalong nahintakutan ang  magkapatid na sila Selma at Rigor sa tinatakbo ng usapan ng kanilang mga magulang.

     "Eeeeeeeehhh!!!! Tili ng dalagang si Selma na takot na takot.

    Isang mabilis na liwanag ang bigla na lamang gumapang sa mga  kabahayang malapit sa dalampasigan.

    "Saklolo nasusunog ang bahay namin!" Isang nakakalulunos na tinig ang sumisigaw para humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

     "Boses ni Nimfa yun! Nasusunog ata ang bahay nila."

      Sa gitna ng pagkabahala nila lalong dumadagundong ang kalangitan. Nagdulo iyong ng lalong pagtindi ng takot sa pamilya ni Mang Berto.

     "Dito lamang kayo huwag kayong lalabas, tutulungan ko lang sila Nimfa at Kanor."  Mahigpit na bilin ni Mang Berto sa mag-iina bago siya lumabas ng bahay.

Samantala sa Atlantasia...

  
     "Mahal na Haring Triton kailangan na po makita ng inyong anak na prinsesa. Kailangan pong pagkapanganak niya ngayon gabi ay mabasbasan ninyo agad ang kanyang supling. Ang supling na susunod sa trono na maghahari sa Atlantasia." Ani ng pinaka mataas na Eunuko ng kaharian.

      "Pinahahanap ko na aking anak sa mga magigiting na kawal ng kaharian."  panatag na loob na sabi ng Hari ngunit ang ikinikilos niya ay may bakas ng pangamba.

      Pabalik balik itong lumalangoy malapit sa napakagarang trono na  napalalamutian ng malalaking perlas at makukulay na korales.

      "Nangagamba po ako na baka hindi umabot sa itinakdang oras ang pagbabasbas."

      "Alam ko Eunuko Haviar na bago matapos ang seremonya sa kalangitan at ng dagat ay kailangan mabasbasan ang aking apo." Wika ni Haring Triton.

      "Na siyang magmamana ng inyong trono dahil kung hindi...."

      "Hindi magkakatotoo ang iniisip mo, hindi gagawin ng kapatid kong si Atlas na agawin sakin ang trono." Kontra ng hari sa inaalalang pag-aaklas laban sa trono ng Atlantasia.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon