chapter 6 Miguel

1K 93 30
                                    


Sumapit ang unang araw ng pasok sa school. Sumakay kami ni Mama ng tricycle papuntang sa kabilang barangay kung nasaan ang isang public elementary school. Kabado ako kasi siyam na taong gulang na ko na papasok sa grade 1 dala kasi ng kahirapan. Pangalawa unang beses akong papasok sa school, wala pa akong idea kung ano itsura ng eskuwelehan at ano ang ginagawa ng mga batang nakikita ko noon. Araw-araw silang nakasuot ng uniporme at yun nga papasok sa school.

"Pagka pogi naman ng batang ito." Wika ng magiging titser ko.

"May lahi din ba ang batang ito? Ang puti at napakinis ng kanyang balat. Hindi siya katulad ng mga pangkaraniwang mga bata." Dagdag pa ng titser ko.

"Ah hindi po anak ko siya. Ako po ang nanay niya." Sagot ni Nanay Anita.

"Ga...ganoon ba. Halika na Billy pasok ka na sa loob magkakaklase na tayo. " aya sakin ng aking titser.

Pansin kong parang hindi kumbinsido ang titser ko sa sinabi ni Nanay Anita.

"Billy parati kang makikinig sa mga turo ng titser mo ah. Mag-aaral kang mabuti." Bilin sakin ni Nanay na di mapigilan ang saya na mag-aaral na ko.

Pagpasok ko ay pinagtinginan ako ng mga kaklase kong mas bata sakin ng tatlong taon. Pinagtawanan nila ako kasi dahil may nakapansin na dapat nasa grade three na ko.

"Class dont laugh at him, magiging kaklase niyo siya. May karapatan ang lahat ng tao para makapag aral. Education is a continous process, believe me pagkagraduate niyo ng college may mag aaral pa rin sa inyo ng ibang kurso. Kaya may magiging classmate kayo na mas matanda sa inyo. It's not too late for Billy para makahabol sa pag-aaral okay. Kaya huwag niyo siyang pagtatawanan maliwanag ba?"

"Opo." Sabay-sabay na sagot ng mga magiging classmate ko.

Naupo ako sa likuran kung saan may bakanteng upuan. Kaagad na nag-umpisa ang aming klase. Ganito pala sa eskuwelehan ang dami kong mga bagay na natutunan. Napansin yun ng aking guro na napakabilis ko daw matuto. Ang sabi pa niya samin ni Nanay na kapag sa kalahating taon ay ganoon pa rin ang ipinamamalas kong galing sa klase ay baka ma-accelerate daw ako. Ikinatuwa yun ni Nanay Anita, sabi niya kung magpapakasipag daw ako sa pag aaral at magiging matalino baka sakaling mapasama pa ko sa mga iskolar.

Isang linggo akong hatid-sundo ni Nanay pero nun sumunod na linggo ay inihahabilin niya ko sa kumare niyang si Aling Lukring. May mga anak din kasi palang nag aaral din sa public school ang kumare ni Nanay kaya nakikisabay na ko sa kanila.

Hindi na ko nakatulong kay Nanay sa pagtitinda ng mga tuyo at daing dahil pumapasok na ko sa eskuwelehan. Tuwing araw na lang ng sabado at linggo ako nakakasama sa pagtitinda.

Masaya akong nag-aaral at sa tuwing hapon ay gumagawa ako ng takdang aralin habang binabantayan ang mga ibinibilad na daing at tuyo mula sa mga nahuling isda Tatay Berto.

Masaya na sana ako kaso napansin kong nag-iba ang pagtrato sakin ni Ate Selma. Madalas niya akong sinusungitan.

Sa tingin ko kasi dahil hindi siya masyadong iniimik ni Nanay kaya ganoon siya. Isang beses nang umuwi ako sa bahay naabutan kong kumakain si Ate Selma at si Junjun na kumakain ng fried chicken. Saktong nagugutom pa naman ako noon at sa tingin ko ay napakasarap ng fried chicken nila. Bigla tinipon ni Ate Selma ang mga kinakain nila at lumipat sila ng kuwarto para doon kumain. Balewala lang sakin yun ginawa ni Ate kung ayaw niya mamigay hindi naman din ako manghihingi. Sumalok na lang ako ng kanin at binibit ko ang bagoong na nasa maliit na garapon at doon ako kumain sa kubo kung saan kitang kita ko ang mga nakabilad na mga isda.

"Yan lang ang ulam mo?"

Napatigil ako sa pagsubo nang makiupo ang isang binatilyo na sa tinging ko'y nasa trese anyos dito sa kubo. Moreno at kulot ang buhok ng naturang binatilyo hindi naman sobrang guwapo sakto lang. Maganda ang kanyang mga mata at ang bibig, nakakakilig lang siya pag nakangiti. Tila nagsasabi na ang saya saya ng mundo kahit na ganito ang hirap ang kalagayan naming mga taga San Ildefonso.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon