Chapter 68 Ang sikreto ng Underground Laboratory

442 36 6
                                    

"Magaling Mahal na Prinsipe ganyan nga ang pag gamit ng mahiwagang baston." Turan kay Billy ng isa sa mga Lolo ni Miguel.

Matagumpay na natutunan ni Billy kung paano patamaan ng mapamuksang liwanag ang mga drum bilang target. Sa loob loob ni Billy ay may saya siyang nadarama sa mga bagong natutunan niya sa pag eensayo niya sa pakikipaglaban. Naka focus ang atensiyon sa mga turo at mga dapat tandaan sa pakikipaglaban bilang isang sirena.

"Lolo Aurelio puwede po bang Billy na lang po ang itawag niyo sakin. Naiilang po kasi ako pag tinatawag niya kong mahal na prinsipe. Alam niyo naman po ba di ba na pa-girl ako kaya wit niyo na ko tawaging prinsipe po."

Nagkatinginan naman ang mga tiyuhin ni Miguel at ng mga sirenong taga sunod ni Ms. Ana dahil sa kahilingan na yun ni Billy.

"Mahal na Prinsipe hindi po maaring ganun lamang ang itatawag namin sa inyo. Paglapastangan po yun sa inyong karangalan bilang maharlikang angkan ng Atlantasia." Paliwanag ng isang sirenong kawal.

"Totoo po ang sinabi niya Kamahalan may karampatang parusa po ang hindi pagbibigay galang po sa inyo." Sang-ayon ng pinsan ni Miguel na nagsasanay rin sa pag gamit ng mahiwagang baston.

"Award naman pero kung ganun...." napatigil si Billy upang sandaling mag-isip. "Alam ko na mas bet ko yun Kamahalan na lang ang itawag niyo sakin kaysa sa Mahal na Prinsipe. Mas bongga yun." Sabi ni Billy.

"Kung yan po ang gusto ninyo Kamahalan pero kapag kinakailangan po naming kayong tawagin Prinsipe, wala po kayong magagawa lalo na't kung kaharap namin si Prinsesa Andrinna. Tatawagin pa din pa namin kayong prinsipe." Sagot naman ng lolo ni Miguel na si Aurelio.

"Ayan madali naman pala kayong kausap, alam niyo naman siguro nararamdaman ko po di ba. Okay na sakin yun Kamahalan kung tayo-tayp lang naman ang nag-uusap. Naninibago po ako, kung dati ay pangkaraniwan beki lamang po ko sa lugar natin tapos ngayon isa na kong sireno. Hindi ko po kayang mag-adjust." Wika ni Billy na may halong kunting biro sa mga ka-nayon niya.

"Naku Billy este Kamahalan, ikaw na ikaw pa rin ang Billy na pinaka cute sa barangay natin." Masayang sabi ng lalaking pinsan ni Miguel.

"Tama na po muna ang kuwentuhan. Kamahalan dapat niyo naman po matutunan kung paano asintahin ng magkakasunod sunod ang tatlong drum na yun. Sa labanan po kasi Kamahalan hindi maiiwasang may makakalaban kayong tatlo o mahigit pa. Kailangan ng ibayong bilis kapag nalagay kayo sa sitwasyon napapalibutan kayo ng kalaban. Kailangan mahasa ang bilis ng inyong pag-iisip at tamang pagdedesisyon kung nasa panganib kayo at wala kayong kasama."

Pinutol na ni Mang Aurelio ang usapan dahil marami pang ituturo kay Billy. Nasa punto pa lamang sila ng pag atake at hindi pa na ituturo sa kanya ang tamang depensa. Gayundin ang pakikipaglaban sa ilalim ng tubig habang lumalangoy.

"Obserbahan po ninyo ng mabuti ang gagawin ni Bernard." Muling sabi ni Mang Aurelio.

Kaagad na pumuwesto ang lalaking tinawag ni Mang Aurelio na si Bernard. Siya ang pinaka matatanda sa magpipinsan. Bihasa na ang may katangkaran at may matipunong pangangatawan na si Bernard, sapagkat binatilyo pa lamang ito ay tinuruan na siya ng mga lolo at tiyuhin ni Miguel. Siya ang hahalili sa kay Mang Aurelio pag sumapit na sa katandaan ang lider ng mga rebeldeng sireno. Pinatamaan ni Bernard ng mapamuksang liwanag ng magkakasunod-sunod na tatlong drum.

 Pinatamaan ni Bernard ng mapamuksang liwanag ng magkakasunod-sunod na tatlong drum

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon