Chapter 33 Ang Pagtataksil

660 72 8
                                    


      "Good job Billy!"

      "Good job Billy!"

      "Good job Billy!"

      Bawat makasalubong kong nagtatrabaho sa resort ay sinasabihan ako ng good job, mapa taga office, maintenance at staff ng New Paradise Resort. Lahat sila ay nakangiti sakin na sinusuklian ko naman din ng ngiti. Biglang sikat ako dito sa resort dahil sa nagawa kong pagliligtas kay Sir Edge kaninang umaga. Biglang kalat kasi ang balita tungkol sakim kaya heto maraming bumabati sakin. 

       "Naku Mars baka magka award ka na niyan ng best employee of the month." Sabi ni Chiklet sakin.

       Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabing yun ni Chiklet. Kasalukuyan na kaming magtutungo sa staff house para makapag lunch break.

       "Mars baka may makarinig naman sayo niyan baka sabihan nag eexpect ako ng kabayaran sa ginawa kong pagtulong. Kahit sino naman gagawin yun sa isang taong nangangailangan ng tulong. Nagkataon lang na nangyari sakin yun at kay Sir Edge."

       "Naku Billy napaka humble mo talaga kaya natutuwa silang lahat sayo eh, pero kung sakin nangyari yun. Hay naku baka natulalay lang ako sa mga oras na yun." Tugon naman sakin ni Chiklet sabay paypay niya sa kanyang sarili.

        "Basta Chiklet ginawa ko lang yun dapat na sagipin si Sir Edge kahit napakasama pa ng ugali nun."

        "Grabe sobrang init talaga buti na lang makakapagrefresh na tayong breaktime natin." Ani Chiklet.

        Wala sa isip kong dinukot ang phone ko sa bulsa para icheck si Miguel kong anong ginagawa niya ngayon. Tinext ko siya kung anong ginagawa niya, sumagot naman siya na magbibreak na din kaya tinawagan ko siya.

       "Hello nasa canteen ka na ba? Anong kakainin mo?" Tanong ko.

       "Uy tinawagan mo talaga ko Babe, ayieh namiss mo ko nuh." Sabi niya sa kabilang linya.

       "Ewan ko sayo, naisipan ko lang na tawagan ka kasi mag eexpyr na itong unli ko." Pagsusungit ko.

       "Galit ka pa rin ba Billy Babe, huwag ka na magalit miss na miss na nga kita eh."

       "Ano ngang ginagawa mo ngayon kulit mo."

       "Ito nakatambay sa canteen hinihintay ko pa yun tropa para sabay sabay na kaming kakain. Eh ikaw breaktime mo na ba, kumain ka ng marami ah para mabawi mo pagod sa pagtratrabaho mo. Alam mo naman ayaw kong napapagod ka sa trabaho mo."

       Ramdam ko sa tinig ni Miguel mula sa kabilang linya ang sinseridad. Kaya yun pagsusungit ko sa kanya ay napawi na.

       "Weh totoo ba yan puro naman tropa yan inaatupag mo."

       "Hindi ah, loves na loves kita Billy alam mo yan hindi tayo magtatagal kung hindi kita love. Kaya huwag ka na magtampo sakin babawi ako promise. Sa bahay ka naman matulog miss na kitang katabi sa pagtulog eh."

      "O sige na, malapit na kami ni Chiklet makarating sa staff house. Kakain na din kami."

      "Kumain ka ng marami ah huwag kang magpapagutom O nga pala Billy Babe mag oovertime ka ba kayo mamaya?" 

       "Hindi ko pa alam eh biglaan naman kasi yun nakaraan baka wala  hindi ko sigurado." Sagot ko naman.

       "Basta Babe text mo ko agad ah sasaglit kasi kami ni Randy sa kabilang barangay may dance contest kasi manunuod kami. Alam mo na miss ko na din magsayaw eh. Papayagan mo ba ko."

        Napatagal ang pagsagot ko sa pagpapaalam ni Miguel, para kasing kinabahan ako bigla nang magpaalam siya sakin. Naalala ko tuloy yun nanyari nung nakaraan, hindi ko pa nga natiyak yun totoong dahilan kaya hindi niya kami nasundo ni Chiklet. Naalala ko din yun palitan nila ng tingin ng baklang Arianna kaya tuloy gumapang ang kaba ko sa buong katawan. Ayaw ko talagang isipin na may namamagitan sa kanila. Napansin yun ni Chiklet napatingin siya sakin ng matagal at  parang binuhol buhol ang manipis niyang kilay.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon