Chapter 22 Ang Muling Pagkikita

719 63 6
                                    

Billy Pov

      Galit na galit sakin ang mga kliyente ni Madam I. Alas tres na ng hapon nang ako'y makarating sa resort. Puro pang aalipusta ang inabot ko sa mukhang yayamanin na matandang babae. Hinahamak naman ang pagkatao ko at ang boutique ni Madam I ng debutant na kesyo wala daw kaming kuwenta at palpak ang serbisyo. Bagamat nanghihingi ako ng tawad pero kailangan ko din ipagtanggol ang sarili ko at ang boutique ni Madam I. Wala silang tigil sa kakatalak sakin.

        "Hindi mo ba alam that you had cause so much trouble to us! Four pm ang occassion at stress na stress kaming lahat dahil sayo." Sigaw ng guwapong lalaki sakin.

       Halos duruin ako mukha nito sa sobrang galit. Naiintindihan ko ang sitwasyon nila, paano mo nga sasalubungin ang okasyon kung sirang sira na ang araw mo.
  
       "Pero Sir sinasabi ko nga po sa inyo na ginawa ko po ang paraan para maihatid sa inyo ang suit. Wala po kong masakyan kaya natagalan po ko sa paghatid ng isusuot ninyong suit.Wala po samin ang pagkukulang ilang beses po kayo tinatawagan ng amo ko dahil naiwan ninyo yun suit nang kunin po ninyo yun gown. Pero hindi po kayo sumasagot sa mga tawag namin." Giit ko.

        "Aba napakabastos pala ng batang ito, walang modo!" Wika ng mala donya ang bihis ng matandang babae.

       Naalala ko ang matandang siya sa mismo ang kumuha ng gown. Sa sobrang kasungitan niya noon at kung anu anong reklamo sa itsura ng boutique namin at yun ang dahilan kung bakit niya nakalimutan ang suit. Magaganda ang mga nagagawang gown, suit at barong ni Madam I at kahit na hindi sosyalin ang boutique namin ay wala naman kinalaman yun sa pagtatahi namin ng mga tela.

      "Pinalaki po ko ng Nanay ko na gumalang at  mangatwiran ng tama. Nasa katwiran po ko kayo po ang may kasalanan kaya po nangyayari ito. Naghina na ko ng pasensya pero sa totoo lang kayo po talagaay kasalanan." Giit ko.

       "Dont you dare talk to my Grand's like that."  Saad ng guwapong lalaki.

       Nakita kong akmang hahampasin ako ng kamay ng escort. Naiharang ko ang braso ko pero sa tingin ko'y huli na. Siguradong masasaktan ako ng sobra kapag tinamaan ako ng malaki niyang braso at kamay.

      "Enough Bro! May point naman siya,  ginawa naman nila ang lahat para ipaalala sa inyo yun suit."

      Nang imulat ko ang mga mata kita kong hawak hawak ni Yuri ang braso nun lalaking galit-galit.

      "Yuri...." sambit ko nang makilala ko siya.

      "Yuri don't tell me kinakampihan mo pa yan walang silbi na yan." Singhal ng lalaki.

      "No its not like that Edge, Tayo ang may pagkukulang dapat kinuha na lang natin o pinakuha sa mga staff nitong hotel yun suit kanina. Its almost 30 minutes left sa tingin mo may sense pa ba na mag aksaya tayo ng oras sa kakasisi sa kanya or should we instead na kumilos na para magprepare na para sa occasion." Paliwanag ni Yuri.

      Mangiyak ngiyak na ko kanina mabuti na lamang at namagitan samin si Yuri kung hindi nasaktan na ko ng tuluyan. His my savior at lagi na lang niya ko ipinagtatanggol sa mga gustong manakit sakin. Naalala ko tuloy yun binubully ako ng sira ulong si Kiko noon. Nandoon din siya para iligtas ako.

       "Halika na Apo na iistress na talaga ko gusto ko nang magpunta sa event hall. Icheck mo na sa chambermaid kung natuyo na yun isusuot mong black suit." Wika nang matapobreng matanda.

       Malakas na binawi ng guwapong lalaki ang braso niyang hawak ni Yuri. At kahit na malayo na nilakaran nito ay lumingon pa rin sakin ang escort ng debutant, matalim na matalim pa rin ang tingin niya sakin. Sumunod na rin ang lokaret na debutant na maganda nga napaka pangit naman ng ugali.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon