Chapter 13 Pagkikita-kita

815 79 5
                                    


Aquano...

      "Mahal na Prinsipe nandito na naman tayo dalampasigan. Bakit po ba palagi tayong naglalagi dito... dito malapit sa may malalaking bato na may yungib." tanong ng aking tagasilbing sireno.

     "May gusto lang akong makita, sana magtungo siya ngayon dito sa dalampasigan para muli ko siyang makita." Tugon ko saking tagapagsilbi.

      Sa dulong ng  marahang paghampas ng alon ay nakagapang kami ng aking tagapagsilbi sa bukana ng yungib. Dahil doon ay mabilis kaming nakapagkubli upang walang makakita sa aming mga tao.

      "Yun dati po ba nating minamatyagan yun sirenong nakatira dito sa lupa?" Muling tanong ng aking tagapag silbi.

       "Hindi siya, yun nakita nating makisig na lalaki. Yun may naiibang lahi." Sagot ko habang hinahagilap ng aking paningin ang buong paligid.

      Umaasa akong makikita ko siyang muli. Dahil sa lalaking yun ay lalong sumisidhi ang kagustuhan kong magkapaa at makipag ugnayan sa mga tao. Gusto ko siyang makilala, nangangarap akong makausap siya palagi. Umiibig ata ako sa taong iyon.

      "Mahal na Prinsipe mukhang namumula ang inyong mga kaliskis at napapangiti. Mukhang umiibig ata kayo sa lalaking kasama ng sireno kamakailan." Usisa ng aking tagasilbi.

      Matapang kong sinagot ang aking tagasilbi wala akong pagtatanggi na umiibig nga ako sa makisig na lalaking taga lupa.

      "Oo, gusto ko siya kaya babalik tayo kay Deborah upang makipag kasundo sa kanya. Nakapagdesisyon na ko kapalit ng mga paa at mga binti ay pumapayag na ko sa kasunduan nakasulat sa mahiwagang papel na ito."
 
      Ipinakita ko sa kanya ang papel na naglalaman ng kasunduan namin ni Deborah.

      "Hindi Mahal na Prinsipe! Bakit po kayo may hawak na kasunduan kay Deborah? Ano pong ginawa niyo sa akin, ginamitan niyo po ba ako ng inyong kakayahan para mapasunod sa gusto ninyo. Nakakabahala po ang ginawa ninyo Mahal na Prinsipe. Kilala ng lahat sa pagiging tuso ang masamang salamangkerang iyon. Banta sa kaharian ang dambuhalang kalahating tao at kalahating pugita na iyon." Gimbal na gimbal sakin ang aking tagapag silbi.

      "Alam ko ang ginagawa ko, bago pa ko mahulog sa masamang balak ni Deborah ay uunahan ko na siya. Ako kaya ang pinakamatalino sa lahat ng bagong henerasyon ng mga sireno at sirena sa ating kaharian. Kaya huwag ka nang mangamba sa mga iniisip mo tungkol sa kasunduan at maaaring gawin sakin ni Deborah." Paniniguro ko.

      "Mahal na Prinsipe hindi po magandang kaugalian ang inaasal ninyo, hindi po ganyang ang pagsasanay sa inyo bilang tagapagmana ng trono. At bukod dun hindi po makatarungan na ipagpapalit ninyo ang mga binti at ang trono niyo dahil lamang sa lalaking may naiibang lahi."

      "Manahimik ka! Isa ka lamang hamak na tagapagsilbi. Ang lakas ng loob mo tuligsain ang mga gusto kong gawin."

      Nakaramdam ako ng galit saking tagapagsilbi dahil sa mga sinabi niyang iyon sakin. Walang karapatan ang sino mang sireno na pagsabihan ang mga nabibilang sa mga dugong bughaw tulad ko.

      "Pero Mahal na Prinsipe, magalit man kayo sakin bukod sa nag alala ako sa inyo. Mananagot po ang lahat ng sumusuway sa ipinapatupad na kautusan ng ating kaharian." Giit ng aking tagapagsilbi.

      "Ako ang tagapagmana ng kaharian ng Atlantasia, ako ang maghahari sa darating na panahon samakatuwid ang lahat ng magiging salita ko ay magiging kautusan sa buong nasasakupan ng Atlantasia."

      "Mahal na Prinsipe pakiusap po ako po ay nangangamba sa iyong gagawin, ipabasa niyo po sakin ang nilalaman ng kasunduan ninyo ni Deborah."

     Akmang hahawakan ako ng aking tagapagsilbi ngunit kaagad akong umurong nang makita ko na ang lalaking aking kinasasabikan kasama niya ang sirenong nakatira dito sa lupa.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon