Chapter 17 Paglubog ng Pag asa

683 65 8
                                    


     Lumipas muli ang isang taon at mag lalabing anim na taong gulang na si Billy. Sa kanyang pagdadalagang beki ay lalo pang mas naging kaakit-kaakit ang ka-cutean ni Billy.

     Naging mas matibay ang relasyon niya kay Miguel. Bagamat masaya ang mga Magulang nina Miguel at Billy sa kanilang relasyon dahil naging magandang halimbawa si Billy kay Miguel. Sapagkat ang dating Miguel na pala barakada at mahilig gumimik ay naging tutor pa ni Billy.

      Si Miguel ang nagtuturo kay Billy para makahabol sa lessons. Dahil  muli pang nag-accelerate si Billy ng isang taon.

        Kapwa natutulungan nila ang isa't isa. Sa pagbabago ni Miguel ay natuwa ang Papa niya. Pinadalhan siya ng pera pambili ng motor na dating pinapangarap ng binata.

      Maraming mga lalaki ang nagkakainteres kay Billy at nagtankang manligaw ngunit hindi sila nakaporma dahil sa masusing pagbabantay ni Miguel. Mahal na mahal ni Miguel si Billy  halos sambahin niya na parang isang tunay na babae. Larawan sila sa mga kabataan at kabaklaan ng isang matinong relasyon ng isang beki at straight na lalaki.

     Ngunit may isang bagay ang hindi nasasabi ni Miguel tungkol kay Billy. May posibilidad na hindi matanggap ng Papa ni Miguel ang relasyon nilang dalawa. Madalas sa tuwing magkasama ang dalawa ay napapansin nitong tila balisa si Miguel nitong mga nakaraang araw. Tinatanong naman ni Billy kung ano ang dahilan ng minsan pagka absent minded ni Miguel ngunit hindi naman sumasagot ang kanyang boyfriend. Sa halip ay mahihiga lang ito sa kanyang mga hita at hahawakan ang kamay ni Billy. Wala naman magawa si Billy kung hindi ang haplosin ang pinasadyang kinulot na buhok ni Miguel.

      Sumapit ang araw ng kaarawan ni Billy, kung kailan madalas na nagaganap ang pagkawala ng ilang kalalakihan sa dagat nitong nakaraang araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

      Sumapit ang araw ng kaarawan ni Billy, kung kailan madalas na nagaganap ang pagkawala ng ilang kalalakihan sa dagat nitong nakaraang araw. Sa takot ni Aling Anita ay hindi na muna niya pinapapunta sa laot si Mang Berto para mangisda. Nangangamba kasi sila Billy at Aling Anita na baka matulad ang padre de pamilya nila sa mga kinukuha ng dagat. Sa halip na maging malumbay si Billy ay masaya siya dahil naiintindihan niya ang pasya ng kanyang mga magulang. Wala silang magagawa kung may salot na nagaganap sa San Ildefonso.

      Katulad ng ordinaryong araw ni Billy ay nagbibilad ito ng isda para maging tuyo at daing. Sa pagkakataong ito ay kukunti na lamang ang isdang ibinibilad niya. Hindi tulad dati na marami at ibinebenta nila sa palengke sa bayan. Ito na ang uulamin nila sa loob ng isang linggo. Bahagyang nalungkot si Billy dahil sa sumunod na linggo ay hindi na nila alam kung saan sila kukuha nang makakain.

     Nakatanaw sa malayo si Billy minamasdan niya ang dagat at paglubog ng araw. nang lapitan siya ni Mang Berto upang surpresahin sa kanyang kaarawan.

     "Tatay?" sambit ni Billy na may pagkabigla.

      "Bakit parang malungkot ata ang bunso ko? May surpresa ako sayo." Masayang bungad ni Mang Berto kay Billy.

     Natuwa si Billy sa iniabot sa kanyang regalo at kahit na nakabalot yun ay madali niyang nahulaan kung ano ito.

     "Tay, Bakit nag abala pa kayo. Okay lang naman po sakin kahit di po natin i-celebrate ang birthday ko tapos heto nagregalo pa po kayo."

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon