Chapter 50 Nasaan Si Billy?

579 63 0
                                    


Yuri Pov....

        Pinaiikot ko saking daliri ang mamahaling mechanical pen na iniregalo sakin ni Papa. Kasama ko si Edge dito sa office ko, kasalukuyan siyang umiinom ng kape habang ako nama'y nakatitig sa xerox copy ng medical records ni Billy. Pinag aaralan kong mabuti ang kalagayan niya, although things was difficult for us, Hindi pa rin nawawala ang pagmamahal at concern ko for Billy. Im still trying to convince Papa na huwag nang ituloy ang fix marriage ko. I really love Billy kaya nalulungkot ako sa mga nangyayari samin.

       Matapos kong basahin ang medical records niya may na-analyze ako.If Billy is on his first semester of pregnancy kailangan ko malamang lahat ng activities niya sa nakalipas. Ilang araw na lang mag 3 months na yun dinadala niya. Ilang beses na rin siyang umaabsent at unti unti ng lumalaki ang kanyang tiyan that makes more worrid. No one should know about his pregnancy kung hindi pagkakaguluhan siya ng mga tao. What more also made me interest is sino ang nakabuntis sa kanya. Sino yun pangahas na walang kuwentang lalaki yun na punot dulo ng problemang kinakaharap ni Billy.

      "Bro seryosong seryoso ka masiyado kay Billy ah? Loosen up Yuri baka mabaliw ka sa kakaisip niyan." Edge said sabay higop niya ng kape.

      "You know how Billy is important to me kaya nag aaalala ako sa kanya ng sobra. I hate this feeling na parang may pagkukulang ako para sa kanya. Parang napabayaan ko siya at hindi ko nabantayan kaya may hindi magandang nangyari sa kanya." Paliwanag ko.

      "Yuri we cannot control everything, what will happen will be happened. Nariyan na yan at hindi mo na mababawi pa because its already done. It's clueless puzzle if gusto mong hanapin pa yun lalaking nakabuntis kay Billy." Ani Edge.

      "Hindi ako basta-basta na ganoon na lang ang mangyayari kay Billy. Habang siya nahihirapan sa problema niya samantalang yun lalaking nakabuntis sa kanya masarap ang buhay. Kawawa naman si Billy kaya aalamin ko kung sino yun lalaking yun. And I'm doing it right now."

Knocking on the door

    
       "Come in." Wika ko.

       Pagkabukas ng pinto ay pumasok ang taong hinahangad kong makausap ng sarilinan,  ang bestfriend ni Billy na si Chicklet.

        "Good morning po. Sir ipinatawag niyo daw po ako." Bungad samin ni Chiklet.

       Naramdamang kong parang niniyerbiyos si Chiklet dahil pormal itong humarap samin ni Edge unlike dati na may kakulitan.

        "Just relax Chiklet may itatanong lang ako sayo tungkol kay Billy." Wika ko.

        "Sige po Sir, ano pong itatanong po ninyo sakin tungkol kay Billy."

        "May napansin ka bang kakaiba kay Billy ngayon, well we all know that magbestfriend kayong dalawa. As his bestfriend i hope sasagutin mo lahat ng itatanong ko sayo." Pahayag ko. I look up straight on his eyes para maramdaman seryoso ang pag uusapan namin. In this way totoong sagot ang makukuha ko kay Chiklet. May pakiramdam din kasi ako noon pa na may itinatago sakin si Billy matagal na.

        "Ano po Sir.... nitong mga nakaraan buwan lagi siyang malungkutin, lagi po masama pakiramdam, lagi pong tulala o kaya nag iisip ng malalim ganoon po. Yun po ang napapansin ko sa kanya kapag tinatanong ko naman kung bakit siya nagkakaganoon hindi naman po niya ako sinasagot." Sagot ni Chiklet.

        "Ano kaya sa tingin mo ang dahilan?" Straight to the point kong tanong.

        "Dahilan po? Hindi ko po alam Sir kung bakit po siya nagkakaganun. Yun nga po wala po siyang sinasabi sakin o shini-share na problema. Maski yun pagiging tahimik niya o pagbabago ng ugali niya napansin ko po yun nang magpunta kami sa Maynila nun nag exam po siya ng entrance exam."paglalahad ni Chiklet.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon