chapter 20 Heto na

708 71 17
                                    


     "Heto na Madam I, nakabili na po ng mga sinulid sa bayan at nakuha ko na din po yun mga butones  sa supplier ninyo. Bungad ko pagkapasok ko sa loob ng boutique.

      Abalang abala si Madam I at ng mga mananahi niyang gumagawa ng bolga na gown. Napatitig ako sa kulay naghahalong pink na mapusyaw na violet na gown. Napahanga ako kay Madam I kasi napakaganda ng gown.  magmula kasi sa parte ng katawan nito na tinupi tuping tela, parang totoong mga gumapang ang mga bulaklak sa bandang baywang ng gown at nagtuloy sa likuran na backless.

       "Maganda ba Billy?" Tanong sakin ni  Madam I habang masusi niyang tinatahi ang laylayan ng gown.

      "Sobra pong ganda. Ang galing niyo po manahi ng gown." Nakakamangha kasi kung pag mamasdan mabuti ang mga daliri ni Madam I para kasi siyang baboy na na nananahi. Hihihihi.  Puwede pa lang manahi ang baboy tatlo lang naman kasi ang daliri ng baboy. Ang sama ko naman sa amo ko.








       "Hoy Billy, pangiti ngiti ka diyan sabi ko pakiabot yun mga butones at gagawin ko na rin itong suit." Ani Madam I.

       "Ay sorry po ito na po." Dinukot ko sa plastic na dala ko ang isang pakete ng plastic na punong puno ng bitones. "Ito po Madam I. Yan po ba yun isusuot ng escort ng mag de-debut?"

      "Oo Billy, ito nga. Alam mo ba na malaki ang ibinayad satin ng nagpagawa ng gown at suit na to. Maski yun tela galing pang abroad. Pakibigyan nga ko ng isang butones."

      Pagkaabot ko ng isang butones ay ikinabit na ito ni Madam I sa dulo ng manggas.

       "Yun nagpagawa po ba niyan yun dumating dito nang nakaraan linggo, yun parang donya na may kasamang magandang babae?" Tanong ko.

       "Korak sila nga, ang chika sakin malapit na kaibigan daw ng mga Lucchesse. Kaya sa bagong resort ng mga Lucchesse gaganapin ang debut."

       "Yayamanin po pala kasi kaibigan ng mga Lucchesse. Kaya po pala inaabot po tayo ng gabi sa pag gawa nitong gown at suit na to."saad ko.

       "Yesterday!!!  kailangan husayan dahil mga VIP ang mga kliyente pero ginagalingan ko naman talaga ang pagtahi ng mga damit Billy. Yan ang sikreto ko kung bakit nirerefer ako sa iba dahil binobonggahan ko talaga ang pag gawa ko ng mga damit."

       "Oo nga po pala Madam I magpapa reserve na naman po ba tayo ng pagkain para mamayang hapunan sa karendirya ni Mang Temio? Malapit na po kasing mag ala sais baka maubusan po tayo ng panindang ulam." Paalala ko kay Madam I.

       "Ay naku buti napaalala mo sakin, teka puntahan mo si Chiklet pakuha muna ng pera sa benta ng salon. Nandoon kasi yun pera ko sa kotse."

       "Sige po pupunta na po ko sa kabila, ako na po bahala sa mga gusto ninyong ulam."

        "Billy kahit anong gulay sakin."

        "Ako din."

        Pahabol ng mga mananahi bago ako tuluyang lumabas ng boutique. Pagkalipat ko naman sa parlor ay humingi ako ng pera kay Chiklet na nakatoka ngayon na magkahera sa parlor. Kaagad akong umalis pagkakuha ko ng pera dahil baka magkaubusan na ng ulam sa karenderia ni Mang Temio.

        Habang naglalakad ako sa gilid ng highway dahil sa sumunod na kanto pa ang karenderia. Pagdaan ko sa tapat ng isang gasoline station napatingin ako saglit sa isang lalaking bumaba mula sa itim na van. Artistahin kung pumorma ang lalaking cutie cutie, napaka kinis ng kaniyang mukha kahit moreno ay shining shimiring ang kanyang kutis sa kinis. Ang guwapo naman niya sabi ko sa sarili ko. Nang tingnan ko ang umbok niya ay napasabi na lamang ako nang check na check daks si kuya.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon