Chapter 32 Ang Muling paglalapit ng mga Puso

582 59 9
                                    

      "My Jacob Im so worried about you, Gosh kanina ka pa namin hinahanap kasama mo lang pala si Yuri." Isang magandang babae ang lumapit kay Jacob, panay yakap nito sa kanya nang makalapit ang babae samin.

       Naalala ko na siya yun Merlat na kahalikan ni Jacob nun isang araw. Di ko na matagalan yun kahalayang ginagawa ng babaeng ito kay Jacob, paano ba naman sa harapan ko pa talaga hahalikan si Jacob. Sarap pag sasampalin, pagsasaksakin kaso wala naman ako karapatan gawin yun dahil hindi ko naman pag-aari si Jacob.

       Si Jacob naman walang respond sa babaeng humahalik sa kanya, parang tulala pa rin sa nangyayari. Nakalinga pa rin siya sakin kahit inaabot ng babaeng bakla yun labi niya. Nakadama ako ng inis sa babaeng mahalay na to.

       "At saka sino yan? Sino yan kasama niyo ni Yuri." Turo sakin ng mahaderang babae.

       Tumingin muna ako sa kaliwa at kanan ko sabay turo ko sa sarili ko.

       "Ako po ba?" Tugon ko. "Nagawi lang po ako dito." Sabay irap ko sa kanya.

       Akma akong aalis nang biglang hawakan ni Yuri ang braso ko.

       "Wait, Billy saan ka pupunta?" Tanong sakin ni Yuri.

        "Hahanapin ko lang  po si Chiklet Sir Yuri at pagkatapos ay hahanapin ko na din si Nanay nag-aalala na rin po ko sa kanya."

       "Okay sige, tomorrow mo na lang kunin yun mga gamit ninyo sa staff house. Please take care." Sabi ni Yuri sakin.

       "Sige po Sir Yuri mauna na po ako."

       Bago ako tuluyan umalis ay tiningnan kong muli si Jacob. Nakatingin pa rin siya sakin habang pinipilit nang babae na makuha ang atensyon niya.

        Naglakad ako patungo sa umpukan ng mga taga samin. Siyempre di puwedeng makihalubilo ang mga taga samin sa mga guest ng resort. Ito kasing  evacuation center ay mataas na bangin, makikita rin dito ang covered court at Barangay Hall. Dito nagpupunta ang mga taga dalampasigan kapag may nagaganap na sakuna o kalamidad. Binuksan ng barangay ang ilaw kaya naman di ako mahihirapan hanapin si Chiklet at Nanay Anita. Sa paghahanap ko ay nakasalubong ko si Miguel.

      "Anong nangyari sayo?  Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"

      Halata sa tono ng boses ko na medyo inis ako sa nobyo ko.

       "Kuwan kasi Babe lobat ang phone ko kaya hindi ko nasagot tawag at text mo. Pasensya na talaga Babe."

       Nilampasan ko lang ng lakad si Miguel para ipadama ko sa kanya inis ako.

       "Babe, galit ka ba sakin?" Tanong ni Miguel.

       Hindi ko siya pinapansin bukod sa dahilang inis ako sa kanya, abala na ko sa paghahanap kay Nanay Anita dito sa evacuation.

        Nakasalubong ko ang mga baklang Arianna, Britney at Rihanna. Tinanong ko sila kung nakita ba nila ang Nanay ko dito sa Evacuation Center. Tinuro naman sakin nila Britney at Rihanna kung saan naroroon si Nanay Anita. Samantalang may napansin akong kakaiba sa tatlo halatang lasing sila, pero ang mas nakakuha ng pansin sakin ay ang paglapit lapit ni Arianna kay Miguel. Si Miguel naman ay umiiwas kay Arianna habang patuloy pa rin ang pasunod niya sakin.

      "Tumigil ka nga Arianna naalibadbaran ako sayo." Dinig kong bulyaw ni Miguel kay Arianna.

      Parang may kakaiba sa ikinikilos nilang dalawa. May sumasagi sa isip ko pero ayaw ko itong pag iisipan ko pa ng malalim. Mas gusto kong makita agad si Nanay Anita.

      Naglakad pa ko patungo sa covered court at doon ko na nga nakita ko si Nanay Anita sa malayo.  Naramdaman ko na lang na inakbayan ako ni Miguel at pagkatapos ay nagmamadaling naglakad patungo sa kinaroroonan ni Nanay Anita. Inaamo amo niya ako habang patuloy kami sa paglalakad . Naamoy kong amoy alak din si Miguel.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon