Chapter 39 Chinito o Afam?

611 66 14
                                    


Clone of Sean Pov...

         MLSC1- Mafia Lord Sean Clone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


         MLSC1- Mafia Lord Sean Clone

     Ako si MLSC1 ang clone ng lider ng Luchesse Clan Mafia na si Lord Sean, Ang aking Origin. Origin ang tawag sa taong pinanggalingan ng tulad kong isang clone. Ako ang ka una-unahang clone ng isang bilyonaryo dito sa Pilipinas. Sa tulong ng milyong-milyong pera at mga siyentipiko ay nabuo ako mula sa secret laboratory sa Japan.

      Wala kaming pagkakaiba sa Origin kong si Lord Sean, dahil nagmula sa kanya ang genes at hormonoes na aking pinagmulan. Magmula sa kakisigan, magandang tindig ng pangangatawan, boses at lahat ng sukat ng aming mga katawan ay magkaparehang magkapareha maliban lamang saming pag iisip. Wala naman espesyal na dahilan kung bakit ako nilikha kundi ang iisang bagay, ang maging substitute o proxy kay Lord Sean sa tuwing siya ay nasa business trip o nasa laboratoryo ng kanyang mga scientist.

        Pagpasok namin ni Mr. Henry at Mr. Roger ay ipinihit ko sa ang aking thumb sa digital finger print scanner. Kusang gumalaw ang loob ng mga kagamitan ng opisina. Magmula sa elegant and classic motive ng opisina ay naging state of the art ang loob nito. Lumabas mula sa malapad ba dinding ang malaking digital screen kung saan makikita ang lahat ng cctv ng Mansyon ng mga Luchesse at kalawakan ng New Paradise Resort. Maski ang mga drone na pinatatakbo ng Intelligence group ng Security Personnel ng Pamilyang Lucchesse ay naka connect dito sa office, ang tinatawag namin Domain.

       Inilapag sa desk ko ang tablet na main controller nitong Office Command Domain ni Mr. Henry, ang kanang kamay ni Lord Sean sa lahat ng mga underground business at mga illegal na panghuhuli niya ng mga endangered aquatic species sa ilalim ng dagat.  Sinagot ko ang tawag ni Lord Sean na kasalukuyang nagpapagaling mula sa tinamong sugat sa balikat.

       "Kamusta ang lagay ng resort?" Bungad samin ng aking Origin.

       "Mabuti naman Lord Sean naidaos na namin ang Grand Opening Golf Course dito sa resort. Mas makakaakit na tayo ng more investors kapag magsimula ang mga negotiator natin alukin ng stocks sa kumpanya ang mayayaman natin guest." sagot ko.

       "Good job, priority natin ang mga foreigners at mga pulitiko dito sa Pinas. We will succeed kapag lalo pang lumaki ang Lucchesses Empire Corporation pati ang mafia." Wika ni Lord Sean.

      Nakikita namin siya sa screen na nakasuot lang ng bathrobe habang umiinom ng tsaa. May bandage pa rin ang kanyang balikat mula sa tinamo niyang bala sa engkuwentro sa kalabang sindikato.

      "Lord Sean, malapit na po ang board meeting kailangan po ay makadalo kayo. Papunta na po diyan si Doctor Tamashi para kayo'y gamutin." Pag aalala ni Mr. Roger, ang pinakamatandang butler sa Security Team ng Pamilyang Lucchesse.

      "Salamat pero mas gusto kong papuntahin mo dito si Billy para bigyan niya ako muli ng panlunas sa sugat ko. Mas mainam ang pinapatak niya saking likido noon ako'y kanyang tinulungan. May kakaiba talaga sa batang yun na hindi ko matuklusan. Noon una ay mayroon siyang mga rare black pearls, itong huli naman ay may halamang gamot o hindi ko sigurado kung anong klaseng gamot ang inilagay niya sakin. Maaaring malaking tuklas ito sa larangan ng Science at medicine ang hawak niyang gamot. Pagkakakitaan natin ito ng malaki."

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon