Chapter 63 Sa loob ng Bahay ni Tito Sean

429 43 11
                                    


"Mawalang galang po, Tandang Kaide ano po itong mga sinasabi ninyo. Hindi ko po kayo maintindihan?"

Ang dami na ngang mga bagay na nangyayaring hindi ko naiintindihan, dumating pa sila Tandang Kaide na sinasabing ako ang Prinsipe ng Atlantasia. At saka bakit ganoon nakita kong sama-sama silang lahat? sina Ninong Kapitan, si Madam I na dati kong amo, sila Ms. Pam 1, pati sila Sir Yuri, Sir Edge at ilang kapitbahay at kamag-anakan ni Miguel nandirito silang lahat.

"Nanay Anita ano pong nangyayari?" Baling ko sa aking Ina.

"Anak malabo din sakin yun mga pinag uusapan namin kanina. Sila ang mas higit na nakakaalam tungkol sayo. Alam na natin sa isa't isa na hindi ako ang tunay mong ina. Ipinasa ka sakin ng isang sirenang nag aagaw buhay noon."

Hinawakan ni Nanag Anita ang mga kamay ko nang mahigpit.

"Pakinggan mo silang mabuti Anak."garalgal pa ang tinig ni Nanay Anita habang siya'y nagsasalita.

"Mahal na Prinsipe pakinggan po ninyo ang lahat ng aming sasabihin para maintindihan niyo po ang lahat-lahat." Wika ng ipinakilalang kakambal ni Tandang Kaide.

"Labing walong taon na ang nakakaraan nang mag aklas si Prinsipe Atlas laban sa iyong Lolo na si Haring Triton. Nun panahon yun ang iyong ina na si Prinsesa Andrinna ay nandito sa lupa. Pabalik na siya sa Atlantasia upang igawad sa iyo ang pagbababas ng susunod ng tagapagmana ng trono. Ngunit base sa kanyang kuwento tumalon siya sa bangin upang iligtas ka sa kamay ng mga tao. Pinilit niyang mabuhay na noon ay nasa itlog ka pa lamang." Kuwento ng nagngangalang Kaibe.

"Nasa itlog ka pa noon nang ihabilin ka sakin ng iyong ina Billy." Dugtong ni Nanay Anita.

"Kaya kami naririto ay upang sunduin ka. Kailangan ka na ng kaharian ng Atlantasia." Sabi ni naman ni Tandang Kaide.

"Hindi... hindi ako sasama sa inyo. Isa akong tao at hindi ako sirena. Hindi ko matatanggap ang lahat ng mga sinasabi ninyong yan. Hindi ako sirena!" Mariing tutol ko.

"Subalit mahal na Prinsipe, ikaw lang ang kasagutan sa matinding suliranin na pinagdadaanan ngayon ng Atlantasia." Wika nun kakambal ni Tandang Kaide.

"Makakaalis na kayo, hindi ko kailan man tatanggapin na isa akong sirena. Umalis na kayo!" Sigaw ko.

Hindi ko na maiwasan maiyak at magalit sa kanila. Napakahirap para sakin na tanggapin na isa akong sirena at kung bakit pinabayaan ako ng tunay kong ina.

"Billy huminahon ka, at saka hindi kita tinuruan na mamuhi sa iba. Kumalma ka lang baka mapaano ka at idinadala mong sanggol." Saway sakin ni Nanay Anita.

"Hindi ako sirena...." umiiyak ako habang paulit ulit kong sinasabi na hindi ako sirena.

"Pagpasensyahan niyo na ang anak ko, saka na lang siya kausapin kapag kumalma na siya."

Parang naawa ako kay Tandang Kaide at sa kakambal niyang nasigawan ko. Nakokonseniya ako nang makita ko silang malungkot na lumabas na kuwarto. Feeling ko nawalan ako ng respeto sa kanila at never pa ko hindi nagbigay galang sa matatanda pero hindi ko mapigilan ang sakit na nadarama sa dibdib ko. Siguro dala ng pagbubuntis ko kaya hindi ko makontrol ang emosyon ko.

Muli naman ako nakatulog habang nakayakap ako kay Nanay Anita. Nagising ako nang maramdaman kong wala siya sa tabi ko. Naisipan kong hanapin si Nanay Anita. Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto kung saan ang sala bubungad. Napansin kong kanya kanya puwesto ng higaan ang mga kamag anak ni Miguel. Si Kiko ay nakahiga sa mahabang sofa, si Edge naman ay pilit na pinagkasya ang sarili sa pang isahang upo ng sofa. Sina Ms. Pam 1, Ms. Pam 2 at Ms. Pam 3 ay magkakatabing nakahiga sa sahig habang nababalot ang kanilang katawan ng kumot. Si Madam I naman ay nakahiga sa gilid malapit sa bukana ng terrace. Lahat sila ay nahihimbing ng tulog. Napakadami na namin dito sa bahay ni Tito Sean.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon