Chapter 25 Ang Kasunduan

612 60 9
                                    

      Biglang bumukas ang pinto ng opisina  na pinasukan ni Ninong Kapitan. Nagtataka ako kung bakit wala naman lumalabas pero sa talas ng pakiramdam ko alam kong may mga tao sa loob. Gusto ko sanang sumilip pero naalala ko ang bilin sakin ni Ninong na huwag akong papasok sa loob.

      Bigla na lamang nag ring ang phone ko, nang sagutin ko ay nabosesan ko ang kausap ko kanina.

      "Come inside to my office." Siya ang taong bibili ng mga perlas ko.

      Pagpasok ko ng opisina nakita kong nakaupo si Ninong Kapitan sa kanan. Nakaharap sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng salamin at may katandaan na rin. Kung pagmamasdan ang suot ng lalaki naka polo ng stripe at pantalon na itim at mahabang puting coat gaya ng mga duktor, masasabi kong may mataas siyang katungkulan dito sa hospital. Kung siya ang direktor nitong hospital bakit siya nakaupo sa harap ni Ninong at sino ang nakaupo sa swivel chair na nakatalikod samin.

       Mistulang natatakot si Ninong Kapitan habang hawak ang kanyang balikat ng isang lalaki. Ang lalaki naman na sa tingin koy isang duktor ay tintingnan akong mabuti.

       "Ikaw ba ang may-ari ng mga perlas?"

        Isang boses ang bumasag sa katahimikan ng loob ng opisina.

       "O-opo ako po." Tugon ko habang nag uumpisa akong kabahan.

       Naisip kong bakit parang kontrolado nila ang ninong ko. Halata kasi sa mukha niya ang takot. Ano bang nangyayari dito.

       "Alam mo bang napakamahal ng mga pag aari mong mga perlas. Isa itong rare na klase ng Tahitian Pearls na mahirap hanapin sa ilalim ng dagat?" Ani ng lalaki.

       "Tahitian Pearls... Hindi ko po alam na malaki po ang halaga ng mga perlas na hawak ko. Matagal ko na po itong itinatago..." sagot ko.

       "Tama na!" Masungit na sabi ng lalaki na sa tingin ko ay siya yun nakaupo sa swivel chair.

         Parang pamilyar sakin ang boses ng naturang lalaki ngunit hindi ko ito matandaan.

       "Hindi ko na patatagalin ang pag- uusap na ito at ang gusto ko ay sundin mo lahat ang kagustuhan ko. Bibilhin ko ang mga perlas mo sa halagang fifty thousand pesos at libreng isasagawa ang operasyon sa nanay mo, kasama ang gamot at pagpapagaling niya." Turan ng lalaking nakaupo sa sa swivel chair na nakatalikod.

        "Po?"

        Hindi ako makapaniwala sa sinabing iyon ng lalaki. Na bukod sa bibilhin niya ang mga perlas ko at sasagutin na din niya ang pagpapagamot ng Nanay Anita ko hanggang sa tuluyan na siyang gumaling. Pero bakit sobra sobra naman ata ang inooffer saking ng lalaking ito? Nuknukan ba siya ng yaman at makapangyarihan para magawa ang lahat ng inaasam asam ko. Sino kaya ang taong ito.

        "Ibigay niyo sa kanya ang pera." Utos ng lalaki.

        May lumapit sakin isa pang lalaki para abutin sakin ang dalawang bundle ng mga pera.

        "Fifty thousand yan walang labis walang kulang. At bukas na bukas din gagawin ang operasyon ng nanay mo."

         Napatingin ako kay Ninong Kapitan na sumesenyas sakin na tanggapin na ang offer. Pero ano kaya ang kagustuhan niya na dapat kong sundin.

         "Makinig ka sasabihin ko ang kapalit nang pera at pagpapagaling ng nanay mo ay.... tuluyan mo nang kakalimutan si Jacob at kahit anong pagpupumulit ni Jacob na alamin ang totoo sa inyong dalawa ay wala kang sasabihin kundi hindi kayo magkakilala."

          Nabigla ako sa sinabing kapalit ng mga inooffer ng misteryosong lalaki sakin, sa pagkakataong ito ay kilala ko na siya. Siya ang kapatid ni Jacob. Mas ikinabigla ko ang pagpihit niya ng upuan para humarap sakin. Siya nga ang kapatid ni Jacob. Ang sinasabi ni Ninong Kapitan na Lord Sean Lucchesse. Matalim ang mga tingin niya sakin, nakakatakot. Sa muling naming paghaharap nararamdaman ko kung gaano siya sobrang makapangyarihan dito sa bayan ng aming probinsya. Tama nga ang sinabi ni Ninong Kapitan sila din ang nagmamay ari nitong hospital.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon