chapter 65 Underground Secret Laboratory

422 44 4
                                    


Malamig ang paligid, sobrang dilim at wala kang maririnig na kahit ano sa daanan o lagusan binabagtas ni Billy kasama ang iba pa. Kahit may ilan sa kanila ang may dalang phone na ginagamit bilang flashligh ay hindi sapat ito para mag-bigay liwanag sa kanilang dinadaanan. Tanging mga boses lamang ng mga beki ang maririnig sa paligid. Tinig nila Ms. Pam 2 at Ms. Pam 3 na nagrereklamo sa dilim. Dahil dito ay sinaway sila ng mga Butler na nauuna sa grupo nila.

"Hoy mga bakla puwede bang huwag kayong maingay!" Sita ng isang butler.

"Ang olay naman ni Kuya eh ang dilim-dilim nga baka mamaya may something dito sa nilalakaran natin." Bulong ni Ms. Pam 1 na di magawang sungitan ang butler na nanita sa kanila.

"True baka nga dito sa nilalakaran natin may mga gumagapang na anek anek. Much better mag ingay para mabulabog ang kung anong masasalubong natin."sang-ayon ni Madam I na ingat na ingat sa paglalakad. Humahawak pa siya sa dingding upang magabayan ang kanyang nilalakaran.

"Ano bang lugar ito mga Ginoo?" Tanong ni Prinsesa Andrinna na katulad din ng iba ay maingat na naglalakad sa dilim.

Kasama ni Andrinna si Ms. Anna at si Aling Anita na inaalalayan ng dalawang sirenong kawal sa paglalakad. Nakasunod sila sa mga maiingay at nagkukulitan si Ms. Pam 2, Ms. Pam 3 at Madam I.

"Nasa ialim tayo ng bahay. Ito ang daan patungo sa Secret laboratory na pag-aari ni Lord Sean." Sagot ng matikas na lalaking isa sa mga nagbabantay ng bahay.

"Secret labaratory? Laboratoryo ng ano? Ng droga? My gosh ipinababawal sa buong bansa. Hindi ko alam na involve pala si Sir Sean sa pag mamanufacture ng droga." Sambit ni Kapitan Tetay.

Dahil doon ay napatigil ang lahat sa paglalakad at kanya kanya sila nagpahayag ng opinyon tungkol dito.

"Mali kayo ng inaakala. Isa itong facility kung saan itinatago ni Lord Sean ang mga ibinebenta niyang nga ilegal na hinhuling lamang dagat. Kaya umayos kayo at itikom ninyo ang mga bibig niyo kung gusto niyo pang mabuhay." Wika ng naturang bantay ng bahay.

"Pero Sir kung ganoon naman pala eh bakit niyo kami dinala sa kontrabandong pag-aari ni Sir Sean?" Tanong ni Ms. Pam 1.

"Nakita mo naman nangyari di ba? Napalibutan na ang buong bahay ng mga mistulang zombie at wala na tayong madadaanan palabas. Wala na tayong choice kundi daanan ang sikretong lugar na ito." Sagot ng bantay ng bahay.

"Ms. Pam tama ang sinabi niya. Wala na tayong mapagpipilian para mailigtas pa ang buhay natin kailangan natin makatakas sa mga alagad ni Aquano." Paluwanag ni Yuri.

"Nauunawaan ko na kung ganoon may iba pa ba tayong lalabasan sa laboratoryong sinasabi ninyo?" Tanong ni Ms. Pam 1.

"Mayroon may dalawang paraan para makalabas sa facility, una ay babagtasin natin ang dagat at pangalawa may isang tunnel na ang labas ay kabilang barangay." Sagot naman ng bantay na kasama nila Billy, Yuri at Jacob.

Sila ni Billy ang nasa hulihan sapagkat sila ang huling pumasok sa sikretong pintuan sa basement.

Sa gitna ng usapan ng lahat ay nanahimik si Ms. Pam 3 at Edge dahil may ginagawa silang milagro sa gitna ng dilim. Bahagya silang nakahiwalay sa kanilang grupo upang hindi sila mapansin ng ibang kasamahan. Samantala tahimik din si Billy, nakakaramdam siya ng kunting pananakit ng kanyang tiyan. Sapo sapo niya ang tiyan niya habang nakahinto sila. Kinakabahan si Billy dahil palagay niya ay ano mang oras ay malapit na siyang manganak. Nang magpatuloy na sila sa paglalakad ay napahawak siya sa braso ng kung sino.

"Jacob..." sambit ni Billy na unti unti nang namimilipit sa sakit.

"Ako to Billy, bakit?" Sagot ni Yuri.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon