Chapter 40 Aquano

637 76 25
                                    


      Kasalukuyan akong nakasakay mamahaling sasakyan ng mga Lucchesse. Pinasundo ako ni Lord Sean upang ako'y kausapin.

      Kanina matapos kaming kumain nila Sir Yuri ay nilapitan ako ni Mang Roger para sabihan na nais akong makausap ni Lord Sean. Nasabi ko tuloy kay Yuri nagtataka ako bakit kailangan pang sa mansyon kami mag usap, samantalang kanina magkakasama kanina sa resort si Lord Sean, Mang Roger, Daddy ni Yuri at isa pang lalaking hindi pamilyar sakin. Isang sikreto ang ibinunyag sakin ni Yuri na hindi totoong Lord Sean ang nakita ko kanina at nakasama niyang nag Golf ng isang araw kundi isang clone. Hindi ako makapaniwala sa ipinagtapat sakin ni Yuri, totoo bang may clone? hindi ba sa movie lang yun nangyayari yun mga ganun.

        Sa takbo ng usapan namin kanina ni Yuri marahil totoo nga. Iba daw kumilos ang clone ni Lord Sean tahimik at maingat sa pagkilos kumpara sa totoong Lord Sean ay tingin pa lang ay nakakatakot at mabagsik magsalita. Napansin din niya noon sa tuwing magkasama si Lord Sean at si Jacob, si Jacob ang binabantayan ni Mang Roger at kapag ang binabantayan naman ni Mang Roger si Lord Sean ito ang clone. Dahil nga parang impostor ni Lord Sean ang clone niya kailangan bantay sarado ito ni Mang Roger para di mahalata ng iba. Tama nga, paano makapaglalaro ng golf si Lord Sean samantalang natagpuan ko siyang sugatan ng kamakailan lang. Posible ngang totoo ang sinasabi ni Yuri. Nakakalurky naman.

        Sa sobrang pag iisip ko sa sinabi sakin ni Yuri tungkol sa clone ni Lord Sean ay hindi ko namalayan na nasa mansyon na pala ako. Di ko mapigilan mapahanga sa sobrang laki ng Mansyon ng mga Lucchesse. Nakakabilib naman.
  
        "Nadito na tayo. Ihatid mo na siya sa loob Peter." Dinig kong utos ng driver sa kasama niya.

        Dali-dali akong pinagbuksan ng guwapong butler na sa tingin koy kasing edad nila Yuri at Jacob.
  
        "Dito po tayo." Iminuwestra sakin Seryosong mukha ng Butler na umakyat ako ng ilang baitang paakyat sa napakalaking pintuan.

        "Pirma muna kayo dito, Sir." Utos sakin ng isa sa mga nagbabantay na Butler sa pintuan.

        Pagkapirma ko ay may pinindot ito sa tengga at saka nagsalita na may panauhin. Pagkasabi niyang yun ay bumukas sa gitna ang malaking pinto.

       "Good evening welcome po sa tahanan ng mga Lucchesse." Bati sakin ng dalawang Butler sa loob.

        Ang bongga naman may bantay na nga sa labas ng pinto mayroon din dito sa loob. Bago ako pumasok ay tiningnan ko muna ang napakalawak na hardin. Pinahinto kami ng Butler na sinusundan ko sa tapat ng pinto. Nakita kong tinutukan ako ng camera ng cctv na nakakabit sa mataas na poste dito sa lobby ng mansyon.

       "Okay na po Sir tuloy na po kayo sa fourth floor."

       Ano yun iniscan ba muna ako bago ako pinatuloy. Gusto ko sanang ilibot ang mga mata ko sa napakagandang loob ng mansyon. Kaso nga baka nakukunan ako ng cctv, kailangan kong kumilos ng maingat baka mabengga na naman ako ni Lord Sean. Sakin napagmasdan kulay puti ang lahat ng kulay ng buong mansyon, kulay gold ang mga dekorasyon sa mga dingding, poste, muwebles na sa tingin koy napakamahal ang halaga. Sa gitna ng lobby ng mansyon ay may isang napakalaking aquarium na may lamang isdang harwana ang naroon na lumalangoy.

       Ang bongga! sobrang yaman pala ni Lord Sean at ni Jacob. Take note sasakay kami ng elevator para makatungo sa  fourth floor. Wala kaming imikan ng butler na kasama kong patungo kay Lord Sean. Pagkalabas namin ng elevator ay di ko na natandaan ang mga pinagpapasok namin mga pasilyo.

       "Peter patulong naman nakawala si Bogart." Sigaw ng babaeng maid.

       "Ha bakit di ninyo binantayan, nasaan na ba ang alaga ni Lord Sean?" Tanong ng Butler sa maid.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon