chapter 8 Ampon

980 93 25
                                    


Dumating na ang araw ng aking ika sampung kaarawan ko. Maaga pa lamang ay nagsimba kami nila Tatay, Nanay at Kuya Rigor. Masayang masaya ako dahil may kunting handaang gagawin para sa birthday ko. Samantala sinadyang umalis ni Ate Selma ngayon araw kasama ang anak niyang si Junjun. katulad pa rin dati ay balewala lang sakin yun mga pagsusungit niya. Unang una ay sinusunod ko ang laging bilin ng mga magulang kong huwag pansinin si Ate.

Habang nagluluto sila ni Nanay at Tatay ay inutusan nila akong pumunta ng baranggay. Pinadala kasi ang mga isdang lapu lapu na bibilhin ni Kapitan Tetay. Bukod dun ay may ibibigay daw na regalo sakin si Kapitan dahil isa siya sa mga ninong ko.

Binabagtas ko ang main road na daanan ng mga bumibiyahe papuntang maynila. Napahinto ako sa taong tumatawag sakin .

"Billy!"

Napalingon ako sa taong tumatawag sakin at kilala ko kung sino yun, si Chiklet.

Dali-dali akong tumawid sa kabilang ibayo kung saan nakatayo si Chiklet sa isang parlor na may katabing boutique.

"Saan ka pupunta? At para kanino yan isdang dala-dala mo?" Tanong ni Chiklet.

"Pupunta kasi ako ng barangay bibilhin ni Kapitan itong isdang dala ko. Sige mauna na ko."

"Wait lang silipin mo muna itong parlor para makilala mo si Madam I? At saka may mga pogi sa loob halika."

Napakamot na lamang ako sa ulo ng bigla na lamang pumasok si Chiklet sa loob ng parlor. Naengganyo naman akong pumasok sa loob dahil sa sinabi niyang may mga pogi sa loob nitong parlor. Unang pumasok sa utak ko si Miguel sa hindi ko malaman na dahilan. Ewan ko ba napapadalas ko na siyang naaalala sa tuwing nagbabantay ako ng mga binibilad na isda. Lagi siyang sumisiksik sa utak ko, hindi ko makalimutan yun ngiti niya at ang kulot na buhok niya. Mukhang mabaho pero hindi naman sunog lang kasi ang balat ni Miguel. :-)

"Mamshie may ipapakilala ko sayo puwede mo din gawing anak anakan at take note keri maging future Queen ng Miss Gay Tabing dagat itey!" Bungad ni Chiklet sa loob.

Nasa labas pa lamang ako ay napalingon na sakin ang mga beki na nag gugupit at manikurista sa loob. Napatayo ang isang Matabang beki na nakasuot ng salamin, kung susuriin siyang mabuti mukha siyang mapera kaya naisip kong siya ang may ari nitong parlor at kabilang boutique. Magkatabi kasi ang parlor at boutique at bukod dun parehas na kulay pink at violet ang ipinintura sa labas nito.

Ginalaw pa ng matabang beki ang suot niyang salamin para tingnan akong  mabuti.

"Come in," wika niya sabay ngiti sakin.

"Pasok ka Billy." Aya ni Chiklet.

Pagpasok ko ng parlor ay lalo pa kong pinagtinginan ng lahat mangha mangha sila ka-cutean ko.

"Ay naku bunso ang pretty pretty naman mo naman kaso jugets ka pa." Wika ng mahabang buhok na gumugupit.

"Oo nga kinesa at ma-awra ang peg ha, keri boom boom na yan after 4 years puwede na isabak sa Miss Gay." wika ng may katandaan na beki.

"True Tita Noh." Wika ng ipinagpapalagay kong amo ni Chiklet at may ari nitong salon.

Tita Noh, Tetano? Hindi ba yun ang impeksyon na nakukuha sa mga kinakalawang bakal. Nakakatawa naman ang pangalan niya.

"Ano pangalan mo bibi?" Baling sakin ng may-ari ng salon.

Sasagot na sana ako nang biglang lumabas sa kabilang silid ang dalawang poging malalaking bulas na binatilyo. Napaawang ang bibig ko nang makita ko sila.

"Billy?!" Sambit ng poging chinito sakin.

Napalingon naman ang lahat ng mga beki sa dalawang poging binatilyo galing sila sa isang kuwarto at nakabalot ang mga ulo nila ng tuwalya.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon