Chapter 19 Paalam Tatay Berto

668 66 6
                                    

  
     Patuloy pa ko sa paghakbang papalapit sa bahay namin. Sa bawat paghakbang ko ay nakatuon sakin ang mga mata ng aking mga kapitbahay.

      "Saan siya nanggaling?"

      "Akala ko kasama siya sa mga nalunod sa pagoda."

       "Oo nga eh, bakit ngayon lang siya dumating?"

       "Alam kaya niyang patay na ang Tatay Berto?"

        Umaagos na ang mga luha saking pisngi habang naririnig ko ang mga sinasabi sakin ng mga taga rito samin. Pakiramdam koy sasabog ang dibdib ko sa pagkamatay ng tatay ko. Gusto ko siyang makita, gusto ko siya mayakap ng mahigpit. Balewala na sakin makita ako ng mga kapitbahay ko sa kaawa awa kong kalagayan. Para akong basang sisiw dahil sa kakaahin ko lang kani kanina lang sa dagat.

       Nilampasan ko ang mga taong nagsusugal sa gilid gilid ng bahay namin. Alam kong napatingin sila sakin dahil napahinto sila sa pagsusugal.

       Pagpasok ko sa hamba ng pintuan namin. Naroroon lahat ang mga taong malapit saming pamilya sila Mang Cardo at mga kasamahan ni Tatay sa pangingisda sa laot. Sila Aling Tasing, Aling Nena na mga matatalik na kaibigan ni Nanay Anita. Naroroon din si ang mga kaibigan at kakilala ko. Magkakasama ang mga tropa ni Miguel kausap si Kuya Rigor at ang mga kabaklaan dito samin.

        "Billy?" Sambit ni Miguel nang makita niya ako.

        Tiningnan ko lang si Miguel at pagkatapos nun ay napahagulgol ako nang makita ko si Nanay Anita kasama si Kapitan Tetay na pinagmamasdan ang puting kabaong ni Tatay. Rinig na rinig ko ang buong paghihinagpis ni Nanay. Halos madurog ang puso sa mga iyak ni Nanay Anita. Wala na nga ang pinakamamahal kong Tatay Berto.

        "Tatay!"

        Patakbo akong lumapit sa kabaong ni Tatay. Hindi ko mapigilan umiyak at lumuha dahil narito na ko sa harapan ng Tatay Berto ko na walang buhay at hindi ko na makakasama kahit kailan.

       Tiningnan ako nila Nanay Anita at Kapitan Tetay na pawang mugto ang mga mata.

        "Bakit ngayon ka lang Billy? Wala na ang Tatay Berto mo." Wika ni Nanay habang umiiyak.

       "Tatay Berto bakit niyo po ko iniwan?" Muling sambit ko habang niyayakap ko ang kabaong ni Tatay Berto.

        "Bakit ngayon ka lang Billy? Bakit ngayon ka lang?" Bakas sa tinig ni Nanay Anita na may dinaramdam siyang tampo at galit sakin.

        "Anong ginagawa mo, ang lakas ng loob mong magpakita ka samin hindi ka na nahiya." Galit na galit sabi ni Ate Selma.

        Akma niya akong susugurin ngunit napigilan siya ni Kuya Rigor at mga tropa ni Miguel. Si Miguel naman ang humarang sa harapan ko para maproteksyunan ako.

      "Ang kapal ng mukha mong ampon ka magpakita pa dito samin. Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si Tatay." Mariing sabi ni Ate Selma habang patuloy siyang nagpupumiglas na hawak hawak nila Kuya Rigor.

       "Ate Selma mahal na mahal ko si Tatay walang may gusto na lumubog ang pagoda." Sagot ko kay Ate Selma.

      "Kung hindi ka sumakay sa pagoda at sinundan ni Tatay. Hindi sana mapapahamak si Tatay, wala sana siya ngayon dito sa kabaong. Buhay pa sana siya, sana ikaw na lang sana ang namatay."

       "Hindi ko ginusto na mawala si Tatay, Oo sana ako na lang ang namatay ay hindi si Tatay."

       "Magsitigil kayo, hindi niyo na iginalang ang Tatay Berto. Wala na kayong respeto sa tatay ninyo! Berto.... Berto.."

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon