chapter 29 Pasakit

583 61 3
                                    


    "Housekeeping."  Nakadalawang beses na ko ng pag doorbel sa pinto ng isang room dito sa luxury suite.

       Dito sa malaking building na ito naka check in ang mga VIP Guest. Lahat ng VIP amenties ay narito sa luxury suite nitong New  Paradise Resort. May five star restaurant, may bar, cinema, at may unlimeted passes tuwing gabi sa  cruise ship na pag aari ng mga Lucchesse.

       Inulit ko pa ang pag doorbell sa huling pinto dito sa fourt floor nitong luxury suite

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


       Inulit ko pa ang pag doorbell sa huling pinto dito sa fourt floor nitong luxury suite.

       "Housekeeping." Sabay muling doorbell.

       Ano ba yan kanina pa ko nagpipindot ng doorbell dito, mukhang wala naman tao dito sa loob. Pasukin ko na kaya baka lumabas yun guest. Siguro nagbi-breakfast na sa baba yun guest o kaya nasa malaking pool na. Hula ko.

     Pinihit ko na ang doorknob para pasukin ang kuwarto. Kailangan ko kasing makatapos dito sa floor na ito dahil may tatlo pang suite ang isusunod ko. Isang pang building para sa mga guest na Gold at silver priviledge holder at dalawang area na may napakaraming cottages. Yun isang area ay nakaharap sa sa tabing dagat ang mga cottages at yun isa naman ay nasa kanan nitong resort kung saan tanaw na tanaw ang baranggay namin.

       Pagpasok ko sa loob napansin kong malinis naman ang kuwarto.

       "Wawalisin ko na lang ng kunti itong kuwarto tapos papalitan ko ng bedsheet at punda ang mga kutson."

        In fairness ha, hindi salaula itong guest na nakacheck in dito kaya mabilis kong tinipon ang mga gamit na bedsheet at punda. Inilgay ko ito sa cart na itinutulak ko kanina sa pasilyo at kumuha ng mga pamalit na bedsheet at punda. Mabilis kong nalinis ang kuwarto kaya nilibot ko pa ang paningin ko sa malaking kuwarto para maghanap pa ng malilinis pa. Narinig kong may umaagos na tubig sa bathroom, inakala kong nalimutang patayin ito ng guest.  Pagtungo ko sa loob ng bathroom laking gulat ko nang masalubong ko ang lalaking naka suot lamang ng brief lang. Hindi ko mamansayan ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ang kanyang ulo ng tuwalyang pinampupunas nito. Amoy na amoy ko sa loob nga bathroom ang napakabangong samyo ng lalaking bagong paligo at amoy ng shampoo't sabon.

        

        

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon