Special Episode

374 31 1
                                    


Kilig Moments muna bago ang maganap ang sagupaan ng mga sirena.

Warning you may read some hot scenes in this chapter. Not suitable for minor readers.

==================================

Alas kuwatro na ng hapon, oras na ng toka kay Billy para maghousekeeping. Humugot muna malalim na hininga si Billy bago itulak ang cart papasok sa elevator. Habang pataas ang elevator sa ikaapat na palapag ng luxury suites nitong resort. Paulit-ulit na nagdadasal si Billy na huwag sana niyang matiyempuhan ang apat na magkakaibigan. Gusto niyang mapayapa at maayos niyang malilinis ang mga kuwarto.

"Sana nasa baba silang lahat para walang mang-aabala sa trabaho ko." Wika ni Billy habang mag-isa siya sa loob ng elevator.

Todo iwas kasi siya sa pambubully sa kanya nila Kiko at Edge at pang-aakit sa kanya ni Yuri.

Pagbukas ng elevator ay kaagad na itinulak ni Billy ang malaking cart na punong puno ng mga bagong ipapalit na kutson, comforter, kumot. Mas mataas pa nga sa kanya ang gabundok na patong-patong na laman ng cart. Yun nga lang nang mailabas na niya ang cart sa elevator. May isang comforter ang nalaglag sa sa sahig ng elevator dali-dali niyang iniharang ang binti sa magsasarang pintuan ng elevator.

Alam niyang bahagya siyang masasaktan sa gagawin niyang yun kaya napapikit na lamang siya. Laking pagtataka niya nang hindi nagsara ang pintuan ng elevator.

Pagdilat niya napatingin siya sa gilid ng elevator. Isang kamay ng lalaki pala ang pumihit ng elevator. Hinagod pa niya ng kanyang tingin ang braso ng lalaking tumulong sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala niya kung sino ang lalaking yun. Si Jacob.

"Ane ginagawe mu?" Tanong sa kanya ni Jacob.

Parang nakuryente pa ang katawan ni Billy nang iayos niya ang sarili niya sa harapan ni Jacob.

Kaba, hiya, taranta, kilig ang nadarama ni Billy sa mga oras na yun habang nagpapalitan sila ng tingin ni Jacob.

"Anu pa tinotunganga mu? Get that." Singhal ni Jacob kay Billy sabay turo ng comforter na nasa sahig ng elevator.

Natulala ng ilang saglit si Billy habang pinagmamasdan ang kagwapuhan ng Afam. Nagdudumali itong dinampot ang comforter sa elevator. Hindi siya makatingin ng diretso kay Jacob habang nagpapasalamat. Parang nanigas ang batok, leeg at katawan ni Billy habang hirap siyang itinutulak ang cart. Alam niya at kahit hindi lingunin si Jacob mula sa elevator sigurado siyang pinagmamasdan siya ni Jacob. Nako-concious siya kapag may tumitingin sa kanya.

Pero hindi mapigilan ni Billy ang mapatingin kay Jacob. Nalingunan niyang dumudutdot ang Afam sa phone at hindi pa nga pumapasok sa elevator. Nagsisisi siyang lumingon siya dahil muli na naman nagtama ang mga mata nila. Sinimangutan siya ni Jacob.

"Napaka suplado talaga ng lalaking 'to. Pasalamat ka Sir Jacob kahit nuknukan ka ng sungit, pakbet pa rin kita as in pak na pak at bet na bet pa rin kita kita kahit na ang sungit-sungit mo." Bulong niya sa kanyang sarili.

"lagi na lang may sumpong siguro pinagalitan na naman ni Lord Sean kaya nagsusungit." Bulong ni Billy

"Hay ang bigat sana pala hindi ko dinala lahat ng pamalit para mga guest. Hindi ko kayang itulak to."

"Ay Diyos ko po! S-sir Jacob???"

Nagulantang si Billy nang makulong siya pagitan ng cart at katawan ni Jacob. Hindi kasi niya namalayan na nilapitan siya ni Jacob para tulungan magtulak ng Cart. Dahil doon ay magkadakit na magkadikit ang likurang bahagi ni Billy at harapan ni Jacob.

"Push!" Utos ni Jacob kay Billy.

Para silang magkayakap sa ayos nilang dalawa.

"Push sabe ku." Muling sabi ni Jacob kay Billy.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon