Chapter 53 Ang Diyos ng Karagatan

522 61 5
                                    


Sa loob ng kagubatan nagtago si Miguel kasama ang kanyang mga kamag anakan. Nagsimula ito ng may mamataan silang mga sirenong kawal na umahon sa lupa upang hanapin si Tandang Kaibe na may dalang ginintuang perlas na makakapagturo sa Tagapagligtas ng Atlantasia. Ito ay utos ni Prinsipe Aquano upang mapanatili sa kanyang kapangyarihan ang Atlantasia.

May malaking lawa sa loob ng kagubatan na nakadugtong sa dagat ng San Ildefonso. Dito panasamantalang nanirahan ang mga nag-aklas na lipi ni Miguel. Araw-gabi ay nagsasanay siya pakikipaglaban gamit ang mahiwagang baston na gaya ng mga sandata ng mga kawal sireno. Nagdaan si Miguel sa matinding pagsasanay kung paano lumaban at ipagtanggol ang sarili. Unti- unti natanggap ni Miguel ang katotohanang may lahing sirena ang ang kanyang pinang galingan.

Sa araw na ito ang tiyuhin niyang si Arguiles ang magtuturo naman kay Miguel kung paano makipaglaban sa ilalim ng tubig, sapagkat sa tubig nabubuhay ang mga sirena, kaya hindi lamang sa lupa may nagaganap na paglalaban kundi sa ilalim din ng tubig. Kapwa lumusob sa lawa ang mag tiyuhin upang magsanay.

Kinagabihan hindi pa makatulog si Miguel ng gabing iyon. Kaya bumaba siya sa ginawang duyan upang makisali sa umpukan ng mga kanyang mga lolo at lola na nakaharap sa siga ng apoy.

"O, Apo bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Tandang Kaide.

"Hindi po kasi ako makatulog 'la, kaya nagpunta po ako dito." Sagot ni Miguel sabay upo sa malaking ugat ng puno.

"May bumabagabag ba sa isipan mo Apo?" Tanong ni Tandang Kaibe na kakambal ni Tandang Kaide.

"Opo lola, madami po kong iniisip. Madami pong tanong sa isipan ko." Sagot ni Miguel.

Napatingin naman sa kanya ang ilang mga nakatatanda kabilang na ang kanyang mga Tiyuhin at mga pinsan.

"Tulad ng ano, Miguel?" Tanong ng Lolo niyang si Aurelio.

"Lolo, kung may kapangyarihan po tayo gamit ang baston na gaya sa mahiwagang Truncheon. Bakit kailangan pa po natin ang tulong ni Billy. Kilala ko po ng lubos si Billy, hindi niya kakayanin ang makipaglaban dahil noon pa man ako ang parating pumuprotekta sa kanila. Bukod doon saan po nanggaling ang lahi ng sirena?" Tanong ni Miguel.

"Apo makinig may kaugnayan ang mga katanungan mo sa iisang dahilan at misyon natin. Pinaniniwalaan noon na ang mga lahi natin mula maligno. Tayo'y itinuturing na engkanto, mahiwagang nilalang ng dagat. Maraming lahi ang pinagmulan ng mga sirena noong sinaunang panahon. Ang iba ay galing sa mga anak si Gaea ang ina ng lahat ng Titanong Diyos. Kabilang ang mapanganib na si Pontus, Proteous, anak ng Titanong Diyos na si Oceanus, mga Naiads mga mahiwagang babae na nakatira sa mga lawa at sapa. Nereids ang mga kahalintulad natin may buntot ng isda at marami pang ibang mga Diyos at Diyosa. Lahat sila ay may sakop na bahagi ng karagatan sa kailaliman."

"Ang lahi natin ay nagmula sa ng Diyos ng karagatan na si Poseidon. Si Poseidon ay ang ama ng Hari ng Atlantasia sa ngayon na si Triton. Nagwagi sa panguguna ni Zeus kasama ang mga kapatid niyang si Poseidon at Hades laban sa mga Titanong Diyos. Hinati nila ang pamamahala sa mundo na dating hawak ng mga kalahi ni Cronus, ang ama nila Zeus, Poseidon at Hades. Napunta kay Poseidon ang kalaliman ng Dagat. Ngunit sa hindi malaman na dahilan nag aklas si Poseidon laban sa kanyang kapatid na si Zeus, ang Punong Diyos ng Bundok sa Olympus. Natalo si Poseidon kaya isinumpa siya ni Zeus na magpapasakop sa kanya at hindi na tataglayin ang napakalakas ng kapangyarihan ng Dagat." Paglalahad ni Aurelio.

"Noon taglay ni Poseidon ang lakas at kapangyarihan ng karagatan. Sa isang hawi lamang niya ng makapangyarihang Truncheon nahahati ang tubig mula sa kalaliman. Sakay siya sa isang karwahe at hinihila ng kabayong dagat, kasunod niyang nagpupuri sa kanya ang kanyang mga tagasunod. Nagagawa niyang payanigin ang ibabaw ng lupa at ang ilalim ng karagatan. Hindi na minana ni Haring Triton ang ganoong kapangyarihan dahil sa sumpa, ang tanging magtataglay na lamang nun ay ang tagapagligtas ng Atlantasia." Kasunod na sabi ni Tandang Kaibe.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon