chapter 54 Ang Gabing Nakalimutan

536 61 10
                                    


     "Mabilis dakpin niyo yun babaeng yun! Ano pang tinutunga tunganga niyo kumilos na kayo." Utos ni Victoria sa mga butler na nagbabantay sa kanya.

     "Ma'am napakaraming tao baka may makakita at makarinig sa inyo." Saway ng isang butler na may mataas na posisyon.

      "I don't care kung sinong mga Poncio Pilatong makakarinig sakin, ang importante ay madakip niyo ang babaeng yun. Hindi maaaring magkita sila ni Sean hinding hindi ako makakapayag." Nakakairitang sabi ng kinikilalang Lady V ng Mafia ng West American Syndicate.

       "Inutusan ko na po ang mga tauhan ninyo Ma'am Victoria." Sagot ng kanyang tagapagbantay.

       "Patay o buhay kailangan mahuli ninyo ang babaeng iyon." Galit na galit na sabi ng may bahay ni Sean.

       "Akin na nga yan pamaypay yan na nga lang ang trabaho mo wala ka pa rin silbi." Pagka agaw ni Victoria ng malaking pamaypay sa kanyang utusan ay itinulak niya ang kaawa awang babae.

      "Napakainit talaga sa lugar na ito, hindi ko maintindihan si Sean kung bakit nagtitiyaga siya dito sa mahirap na probinsya." Singhal niya.

       Sa kagustuhan ni Victoria na madakip ang babae ay nakalimutan na nitong pinatutungo siya sa enteblado ni Lord Sean. Sa sobrang tagal ng kanyang paghihintay ay.....

       "Ma'am parating po si Lord Sean." Wika ng kanyang tagapagbantay.

       "Ano? Madali umakto kayong parang walang nangyayari. Sabihan mo ang naghahanap na huwag munang lalapit sakin para mag-ulat. Ayaw konv malaman ni Lord Sean na nasa paligid lamang si Andrinna." Tarantang sabi ni Victoria.

      "Masusunod po." Sagot ng tagapagbantay.

      "Victoria, Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba sinabihan ng mga tauhan ko na pumunta sa enteblado at nais kang makita ng Gobernador at ilang mga negosyante dito sa San Ildefonso." Sita ni Lord Sean kay Victoria.

      "A..... Oo ka...so na.... nalaglag ang mamahaling bracelet ko kaya pinapahanap ko sa mga tauhan natin." Alibi ni Victoria.

      Napalingon si Lord Sean sa isang bahagi ng kumpolan ng mga taong bahagyang nagkakagulo at tila may inuusyuso ang ilan.

      "Kaya pala mula roon nakikita ko kayong mukhang nagkakagulo kayo dito. Wala ka nang ginawa kundi abalahin sa walang kuwentang bagay ang mga tauhan natin. Hindi mo tuloy nakausap ang gobernador ng bayang ito."

      Halata sa tono ng boses ni Lord Sean ang bahagyang pagkainis kay Victoria, kaya ang ginawa ng guwapong lider ng mafia ay nagtungo na sa sasakyan para makaalis na. Habol habol naman siya ni Victoria na halos matisod ito sa suot nitong high heels.

       Pagpasok sa sasakyan ng mag asawa ay hindi kinikibo ni Lord Sean si Victoria kahit na naong gawing paglalambing sa kanya nito.

        "Puwede bang tigilan mo ko Victoria sa ginawa mo kanina pinahiya mo ko sa mga kausap ko. Alam kong mababa ang pagtingin mo sa mga taga San Ildefonso kaya hindi mo ginusto na puntahan ako sa stage." Galit na sabi ni Lord Sean.

       "Huwag ka nang magalit Sean, hindi totoo yan. Alam mo naman kung gaano kita kamahal di ba. Ang totoo nanakit lang talaga ang legs ko kaya hindi ko kinaya ang maglakad pa papuntang stage." Pagsisinungaling ni Victoria.

       "Kaya huwag ka na magalit please, sige ganito na lang para hindi na mag init ang ulo mo. Magpapahanda ako ng dinner mamaya para sa Gobernador at sa mga gusto mong mga bisita o kaya magtravel tayo sa Carribean. Alam ko matagal mo nang gusto mag Carribean Cruise di ba?" Panahon na para magbakasyon tayo." Muli pang sabi ni Victoria sabay pisil sa kung anu anong parte ng katawan ni Lord Sean mapa hita, bisig at balikat.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon