Chapter 45 Mga Tagpo

523 56 5
                                    


Miguel...

   
        Galing sa bahay ng kanyang lola Kaide nagmamadaling pumasok si Miguel sa kanilang bahay upang itanong kung may katotohanan ang nalaman niya tungkol sa lihim ng kanyang pamilya at kamag-anakan.

       "Anak naibigay mo na ba yun mga groceries sa lola mo? Parang natagalan ka ata, halika na ihatid mo na ko sa bayan." Wika ng Mama ni Miguel sa binatang dating boyfriend ni Billy.

      Nakatayo lang ang binatang si Miguel sa harap ng kanyang ina. Hindi mawari ang itsura nito dahil sa mga narinig na usapan ng magkambal na si Tandang Kaide at Kaibe na matandang salamangkera ng Kaharian ng Atlantasia. Napansin iyon ng kanyang ang kanyang pananahimik banaag sa mukha ni Miguel na may gumugulo sa kanyang isipan.

       "Anak, May problema ka ba hanggang ngayon pa rin ba hindi mo matanggap na wala na kayo ni Billy?" Usisa ng Ina ni Miguel.

       "Mama magtapat kayo sakin sabihin ninyong hindi totoo ang mga narinig ko kay Lola Kaide. Sabihin ninyo na hindi totoong may lahi tayo ng mga sirena, na hindi totoo ang mga sirena." Garagal pa ang boses ni Miguel nang tanungin niya ang kanyang Ina.

       "Anak maupo ka muna dito sa tabi ko."
   
       Pagkaupo naman ng Ina ni Miguel sa malambot na sofa ay dahan-dahan din naupo ang dating nobyo ni Billy.

      "Sa palagay ko panahon na para malaman mo ang pinaggalingan ng angkan natin. Totoong may lahi tayo ng mga sirena. Ako, ang Papa mo, si Lola Kaide mo at ilang mga kamag-anak natin ay may lahing sirena."

       Biglang napatayo si Miguel sa pag amin sa kanya ng kanyang ina. Hindi niya matanggap na may lahi silang sirena.

      "Hindi totoo yan! Hindi puwedeng mangyari yun. Hindi ako maligno, wala tayong lahing sirena. Alam ninyong itinuturing ng mga taga satin na salot ang mga sirena. Hindi ko matatanggap yan mga sinasabi ninyo."

       Pinahid pa ni Miguel ng braso niya ang pumatak na luha sa kanyang kanang mata.

       "Ayaw kong tanggapin yan katotohanan sa pamilya natin." Wika pang muli ni Miguel.

    
      "Ako din apo. Iwinaksi ko at ng sampo ng ating mga kamag anakan na hindi na tayo mga sirena mula noon tumira kami dito sa lupa. Kinalimutan na namin ang mapait na buhay natin sa sa ilalim ng dagat. Pero ganoon pa man apo hindi natin basta-basta maikakaila na tayo ang mga sirena. Ito ang ugat ng lahi ng ating angkan. At kahit na matagal na tayong tahimik na nahihirahan dito sa lupa mananatili pa rin sating buhay na tayo ay mga sirena."  Bungad ni Tandang Kaide sa loob ng bahay ng mag ina.

      "Walang masama sa pagiging sirena, Apo. Mas nakakaangat pa tayo kaysa sa mga tao. Sila sa lupa lang sila maaring tumira ngunit tayong mga sirena kaya nating mabuhay sa magkabilang mundo - dito sa lupa at sa ilalim ng tubig." Patuloy pa ni Tandang Kaide.

       "Huwag muna na natin siyang pilitin na tanggapin ang tunay na katauhan nating lahat. May panahon para lubusang niyang matatanggap ang katotohanan. Pakiusap Apo, ilihim mo lang ang bagay na ito upang hindi tayo manganganib sa kamay ng mga tao." Singit ni Kaibe, ang kakambal ni Tandang Kaide.

       Samandaling natahimik ang lahat ng nasa loob ng bahay. Nilapitan si Miguel ng kanyang ina at pinaupo sa sofa upang huminahon.

       "Alam mo ba itong kuwintas natin na may palawit na kabibe, ito ang dahilan kung bakit anyong tao dito sa lupa. Naalala mo noon na kabilin bilinan sayo ng Papa mo na kahit kailan ay huwag mong huhubarin ang iyong kuwintas."

         Hinawakan ng Ina ni Miguel ang suot niyang kuwintas na may palawit na maliit na kabibe at pagkatapos ay ipinakita din ng kanyang ina na may suot din itong kuwintas. Ipinakita din ni Tandang Kaide at Kaibe ang kanilang mga suot na kuwintas.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon