chapter 5 Unang pagtatagpo

1.1K 97 8
                                    

Specially dedicated to

CyrilBurgos
sasusaku15
Nard031295
psmntealeck
ReymarkGBerundoGaca
@Yokaiyke513
JoyEdmilao
LouieJayAgnes
LloYdPhen
@hca1229
SeraphChie
Cyanlinx_90
Aarrjjaayy12
enre08
MVLiban
cjedie12
GenNaruTo

"Bili na po kayo ng daing, masarap po itong paninda namin mayroon din po kaming dilis may alamang (sinok) at kung anu-ano pa." sigaw ni Billy sa gitna ng napakaraming tao sa pamilihan.

"Uminom ka na muna ng tubig anak, napapasinok ka pa sa pagtatawag ng mamimili."

Kaagad na binigyan ni Aling Anita si Billy mang maiinom na tubig.

"Bigla po kasi akong napalunok ng laway Inay, nanunuyot kasi lalamunan ko sa sobrang init ng panahon." wika ni Billy matapos uminom ng tubig.

"Sabi ko naman sayo anak huwag mo na ko samahan sa pagtitinda dito sa pamilihang bayan. Kaya ko naman magtinda mag isa nitong paninda natin." wika Aling Anita kay Billy.

"Inay eh gusto ko kasi makatulong sa inyo, Di ba po pag palagi niyo ko kasama sa pagtitinda maaga po tayo nakakauwi pag kayo lang inaabot kayo ng hapon."

"Kung sabagay tama ka, pag naubos na nating itong panindang daing gagawa na naman tayo bukas ng maititinda sa pagbabalik natin dito sa bayan."

Simula ng nagkaisip si Billy ay naging matulungin at maalalahanin na siya sa kanyang mga magulang. Mahal na mahal niya ang kanyang kinamulatang magulang at mahal na mahal din siya nila Aling Anita at Mang Berto kahit napapansin nilang may pagka malamya ito kumilos.

Ganunpaman ay hindi naging issue ito sa kanila, paano ba naman kasi hindi lamang sila ang taong kinawiwilihan si Billy kundi ang buong San Ildefonso. Unang tingin pa lang kay Billy ay kinatutuwaan na siya ng sino man makakilala siya. Napakaputi at sobrang kinis ng kutis ni Billy. Namumula ang kanyang pisngi kapag siya'y nabibilad sa araw. Nagtataka ang ilan kung bakit bukod tangi siya sa lahat na maputi at hindi umiitim. Karaniwan kasi sa mga taga San Ildefonso ay sunog ang balat sa tindi ng sikat ng araw.

"Ay ang cute mo naman bata, bata magkano itong itinitinda mong daing?" ani ng babaeng nagsisilbi sa mansyon ng mga Lucchesse.

"Singkwenta po maam, tatlong piraso isang balot. Masarap at malalaking bangus po yan kaya sulit na sulit na po sa halagang singkwenta po." sagot ni Aling Anita.

Inamoy ng ale ang isang balot ng daing na bangus na napili nito.

"Hmm ang sarap ng amoy, amoy na amoy ko yun sukang ginamit dito sa daing ninyo. Ito tatlong daan ipili niyo ko ng malalaki ah paborito kasi yan ng amo ko." ani ng tagasilbi sa mga Lucchesse.

"Billy ipili mo si Maam ng anim na balot ng daing na bangus." utos ni Aling Anita kay Billy.

"Sige po Inay."

Kaagad na kumilos si Billy upang mamili ng may malalaking bangus. Pagkatapos makapili ng anim na balot ay sinilid niya ito sa plastik.

"Anak niyo po siya?" tanong ng namimili.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon