Chapter 47 Awit ng Sirena

646 67 9
                                    


  Author's note: Pakinggan po niyo yun media yun tinatawag kong "Awit ng Sirena" para mafeel or maimagine niyo magical moment na mangayayari sa magaganap na mga sumusunod na eksena. Lalong lalo na ang pagkakaroon muli ni Billy ng buntot ng isda at kung paano niya sasagapin si Jacob.

       Narinig ko pang muling umugong ng malakas ang cruise ship bago ako tuluyang nagdive sa tubig. Dinig na dinig ko pa ang paglagublob ng sarili ko sa tubig. Unti-unti nagbago ang aking katawan, magmula sa mga binti at mga paa ay napalitan ito ng buntot ng isda. Kasabay ng pagbabago ng aking katawan ay naramdaman ko kung paano gumalaw ang anking buntot upang makasisid sa dagat. Nilangoy ko pailalim ang dagat upang sagipin si Jacob. Sa pagsisid ko pailalim sa dagat ay unti unti naglaho ang malakas na hampas ng alon sa ibabaw ng dagat.

        Diyos ko kailangan kong mailigtas si Jacob hindi ko kakayanin kong malulunod siya. Pinagdarasal kong magising na siya mula sa pagkatulala upang maski papaanoy mailigtas niya ang sarili niya. Diyos ko po tulungan niyo akong mahanap si Jacob dito sa napakadilim na ilalim ng karagatan. Sa pagsisid ko pailalim ng dagat napansin ko din ang pag-galaw o paglangoy ng mga bagay o nilalang dito sa dagat. Ito yun mga isdang nahuhuli ng mga mangingisda sa magdamag nilang pangingisda. Namamangha ako sa namamalas kong kakayahan bilang isang sirena tila lumakas ang ang aking pakiramdam kaya naiiwasan ko ang mga nasasalubong kong iba't ibang uri ng isda.

       Sa di kalayuan ay may naramdaman pa kong kakaibang pag galaw o paglangoy dito sa ilalim ng dagat. Akala ko nun una ay si Jacob na ito na tuluyan nang nagkamalay ngunit sa lakas ng pakiramdam ko mula sa tubig dito sa dagat ay si Lord Sean pala ang nakita ko. Papaahon na siyang muli sa ibabaw ng dagat marahil ay upang sumagap muli ng hangin sapagkat mauubusan na siya ng hininga, hindi tulad ko na isang sirena ay nakakahinga ako dito sa ilalim ng dagat.

      Umiwas ako sa mga grupo ng mga naglalakihang balyena. Kakaibang ligaya ang dulot sakin sa muli kong pagiging sirena at heto. Pero hindi ako dapat magpakasiya sa nangyayari sakin ngayon kailangan kong mahanap agad dito sa ilalim ng dagat si Jacob. Segundo na lamang ang naghihintay samin at tiyak mapapahamak si Jacob kapag hindi ko siya magawang mailigtas mula sa pagkakalunod.

       Sa isang parte dito sa ilalim ng dagat napansin kong may mga magkakasamang mga Pawikan, Dugong, Pagi, Hipon, Seal, Dolphin at  iba't iba pang mga uri ng isda. Naririnig ko mula saking isip na nagkakagulo sila at tila may nais silang tungohin pailalim pa ng dagat.

       Uy mga kasama may kasabay tayong sirena. baling sakin ng isang Dolphin.

       Oo nga, Anong ginagawa mo dito Sirena? hindi ba't pinagbabawalan ang lahat ng sirena na lumabas ng kaharian ng Atlantasia? Sabi naman ng isang Dugong.

      Kaya nga, ano kaya ginagawa niya dito? Marahil siguro ay nakatakas ka sa palasyo. Sabi pa ng isang Pawikan.

        Pasensya na hindi ko alam ang pinaguusapan ninyo sapagkat hindi ako taga Atlantasia. Nandito ako para magligtas ng taong nalulunod, may nakita ba kayong tao dito sa dagat? Tanong ko sa kanila habang nakakasabay ko sila sa paglangoy.
    
         Tao ba kamo? May tao kaming sinusundan ngayon baka siya ang hinahanap mo. Sagot ng Pagi.

       Oo kani-kanina lang siya nahulog mula sa barko kailangan ko siya iligtas. Wika ko.

       Mabibigo ka na Sirena tiyak kong marami na siyang nainom na tubig. Nasawi na marahil ang taong ililigtas mo. Wika naman ng Pawikan na bigla na lamang nanguna saming lumalangoy.

       Hindi maaari kailangan ko siyang iligtas, mamatay ako kapag nawala siya sakin. Huwag ninyong sabihin yan nakikiusap ako. Pagmamakaawa ko.

(COMPLETED) The Beki Siren and The Mafia Lord Son (Boyxgay Fantasy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon