Bagsak ang balikat ko nang makarating ako sa rooftop ng Engineering Department. Dito ko naisipang pumunta dahil alam kong wala masyadong nakakakilala sa akin ditto.
Napatingin ako sa langit at pumikit unti-unti din naman ang pagtulo ng mga luha ko.
"Hindi kita maintindihan." Mahinaing sambit ko sabay hinga ng malalim at nagmulat ng mata. Laking gulat ko na lang dahil may panyo na sa harapan.
Napatingin ako kung kanino nanggaling yung panyo. "Vinz..."
"Ba't bas a tuwing nakikita kita ay palagi kang umiiyak?" mahinang tanong niya na hindi ko naman sinagot.
"Kung iiyak ka lang ng dahil kay Xander . Mas mabuti pang mag-usap muna kayo. Dahil sinasabi ko sa'yo hindi gagawa ang isang tao na pwedeng makasakit sa mahal niya nang walang rason." Sabi niya na nagpakunot ng noo ko,
"Rason?? Kung ano man yang lecheng rason nay an!! Sana naman sabihin niya sa akin! Dahil hindi ako manghuhula na kayang hulaan ang mga iniisip niya!!" singhal ko kay Vinz. Alam ko namang walang kinalaman si Vinz dito, sa kanya ko tuloy naibaling ang lahat ng inis ko na dapat Sana ay Kay Xandee
Bigla niya akong niyakap. Siguro ay naawa siya sa akin, dahil sa itsura ko ngayon. Hindi pa rin siya nagsasalita. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya. Ba't ganito kabilis??
"Di ka pa nga niya binibitawan, sinasalo na kita" mahinang sabi niya habang tumatawa. Kunot noo akong napatingin sa kanya. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.
Nakatingin lang si Vince sa akin ng seryoso, habang nakakunot pa rin ang noo kong nakatingin sa kanya. Laking gulat ko na lang ng may biglang sumuntok kay Vinz na naging dahilàan para mapasubsob siya sa lupa.
Bigla naman akong hinila ni Xander papunta sa likuran niya, na animoy pag-aari niya.
"Walanghiya ka pare!!!!!" sigaw ni Xander kay Vince.
Agad akong napatingin kay Xander, bakas sa mukha niya ang galit at pagkamuhi. Putok ang ibabang labi niya. Napaaway ba siya?
"Akala ko ba, Walang Tatalo!! Gago ka!! GIRLFRIEND KO AAGAWIN MO!!!??" dagdag pa niya at saka inambahan ng suntok si Vince.
"Pinagkatiwalaan kita pare!!"
"TAMA NA!!" pigil ko kay Xander ng susuntokin niya ulit si Vince. "Ba't ba hindi ka lumalaban?" tanong ng isip ko.
Hinawi niya ang kamay ko at masama akong tiningnan. Hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha niya ngayon.
"A-ano bang nangyayari sa'yo?" mahinang tanong ko sa kanya.
"Fuck!!" he cursed silently pero rinig na rinig ko.
"Hindi mo alam, kung bakit ako nagkakaganito? Samantalang ikaw at yang walang kwenta kong kaibigan ang dahilan!!" sigaw niya sabay turo kay Vince na pinupunasan ang gilid ng labi niya.
"A-ano?" kunot noong tanong ko.
Pinasadahanan niya ng kamay ang buhok niya bakas pa rin sa mukha niya ang pagkairita. Bigla niya akong hinila pababa sa rooftop. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse niya sa parking lot.
Isinandal niya ako sa kotse nya at biglang hinalikan. Sa gulat ko ay bahagya ko siyang naitulak.
"A-ano bang nangyayari sa'yo Xander?" this time hindi na mahinahon ang pagkakasabi ko.
He just smirked. "Sino sa amin ang mas magaling?" tanong niya
"Ano?? Hindi kita maintindihan. Ano ba yang pinagsasabi mo?" tanong ko.
"Hindi mo alam? O nagpapanggap ka lang na walang alam?" sigaw niya.
"DAAMMMNN!!!" sigaw niya sabay suntok sa bintana ng kotse niya. Nakita ko kung paano mabasag ang bintana ng kotse niya sa pamamagitan lang ng suntok niya at paano dumaloy ang sarili niyang dugo sa kamay niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ba't ba siya nagagalit ng ganito??
"Ano?? Sagutin mo ako Lex! Sino ang mas magaling humalik?? Si Vince o AKO??" madiing pagkakasabi niya at saka lang pumasok sa isip ko yung nangyari kahapon.
"Damn it LEx!!" sabay hampas niya sa kotse niya na nagpabalik sa wisyo ko.
"X-xander, L-let me explain.." utal kong sabi.
Bahagyang siyang napatawa. "Explain?? Akala ko ba hindi mo alam? Ngayon mag-eexplain ka??" sabi niya habang nakatingin sa dalawang mata ko.
"It is not what you think." Sabi ko at nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko.
"Bakit, ano bang iniisip ko?" he asked sarcastically at natameme ako sa tanong niya.
"Hindi ko ginusto yung nangyari sa amin ni Vince." Pagpapaliwanag ko.
"Hindi mo ginusto? Ba't ka nagpahalik??" pigil pa rin ang galit niya. Hindi ko siya masagot. Ba't nga ba ako nagpahalik?? Napakatanga ko naman kasi!!
"Next time na lang tayo mag-usap kapag may sagot ka na sa tanong ko." Mabilis niyang sabi saka diretsong pumasok sa loob ng kotse niya at mabilis na pinaandar Ang kotse niya paalis.
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??