GAME FOUR --- ABOUT HIM

262 12 2
                                        

Pagkatapos kong maglinis ay umuwi na ako. Masyado akong na STRESS sa araw na to!! Binuksan ko na yung gate ng bahay namin.

‘’Bakit ngayon ka lang Alexis Neverbroke? Oh great!! Si kuya nash yan (Eldest brother namin) hindi naman halatang galit siya ano? E eningles pa naman ang apelyido ko? ‘’alam mo ba kung anong oras na?’’ dagdag niya

Tiningnana ko ang relo ko ‘’oras na para kumain?’’ pabiro kong sagot

‘’Isa!’’ bilangan ba naman ako?

‘’8:00 pm na kuya’’ madali kong sabi

‘’At saan ka naman nanggaling? Sa pagkakaalam ko hanggang alas kwatro e medya lang ang klase mo!’’ tingnan mo to! Daig pa ang security guard ng eskwelahan namin!

‘’E kasi kuya, may tinapos pa kasi akong project ko’’ pagdadahilan ko

‘’sa susunod magtext ka man lang o tumawag ng hindi kami mag-alala ng husto, paano kung na rape ka doon sa labas? Tapos pinatay ka! Ayaw kong mawalan ng kapatid na maganda at sexy..’’ haahaha.. lang hiya kapatid to! Ipa-rape ba naman ako

Pero, kahit na, nagigiguilty pa rin ako.. hindi ko naman pwedeng sabihin na nagkadetention ako, baka sabihin lang niyang pasaway ako…

‘’kumain ka na ba?’’ tanong ni kuya nash sa akin.

‘’hindi pa nga po’’ tapos nag pout ako

‘’ikaw talaga bata ka.. magbihis ka na at kumain agad’’ kaya lab nan lab ko si kuya palagi niyang binubusog ang mga alaga ko sa tiyan ^_^

‘’ROGER!!’’ at nagsalute ako

So, ayun pumunta na ako sa kwarto at naghalf bath muna ako, pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para pakainin ang mga anaconda ko sa tiyan..  pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko..

I’m bulletproof nothing to lose

fire away, fire away

brick of shame, take your rain

fire away, fire away

you shoot me down but i won’t fall

i am titanium

you shoot me down but i won’t fall

i am titanium

i am titanium

‘’Hoy! Napatawag ka?’’ ang ganda ng pambungad ko. Masisisi niyo ba ako? E pagod ako..

‘’Mag facebook ka dali! Sagot ng kabilang linya

Napataas ang kilay ko ‘’HOY ANGELO DELOS REYES!! ANO NA NAMAN YAN??’’ singhal ko sa kanya

‘’basta mag facebook ka! Dali!!’’ then the call ended.. 



‘’What the.. binabaan ako?’’

Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang laptop ko at magfacebook..

‘’WHAT A FREAKING COW!! What is this?’’ paano ba naman, ang bumungad agad sa akin ay yung picture namin ni Alex kung saan nasa ibabaw niya ako.. ‘’Sinong abnormal ang nagpost nitO??

Binasa ko yung mga comment

From: angie082993: who is she? Duhhh! Malandi talaga!! I’ll hunt you!!

Teaka, ako? Malandi? Pagnakita kita baka ikaw ang huntingin ko!! Siguraduhin mo lang na makakahiram ka ng mukhang pamalit agad sa mukha mo!!

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon