¨Aba'y ipakilala mo naman ako sa magandang dilag na ito Andres" wika ni Nay Rosing habang nilalapag yung mga pagkain sa mesa
"Oo nga pala. Nay si Alex po" pagpapakilala ni Alexander sa akin.
"Aba'y kay ganda naman ng pangalan mo iha. Nay Rosing na lang ang itawag mo sa akin" sabi ni Nay Rosing
"Salamat po." ang tanging nasabi ko na lang
"Hala sige. Kumain na kayo. At ako ay may marami pang gagawin" paalam niya sa amin.
"pagkatapos natin dito, ipapasyal kita" sabi ni Alexander sa akin sabay ngiti
"okay" sabi ko at nagsimula na akong kumain
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam kami kay Nay Rosing dahil lalabas kami.
Hindi ko maitatangging kilala nga siya dito.
Sino ba naman ang hindi makakakilala sa mala modelo niyang postura at katawan.
Sa mala adonis niyang mukha. WALA!!
Dinala niya ako sa lugar kung saan madalas niyang puntahan.
Sa isang tuktok ng burol na kitang-kita ang kabuoan nang lugar.
May mga malalaking puno at magagandang bulaklak. Hindi ko akalaing may lugar pa lang tulad nito? Akala ko sa panaginip ko lang to makikita.
"Dito ako madalas sa tuwing pinapagalitan ako ni Nay Rosing" simula niya na napatawa ako
"Pinapagalitan ka rin pala?" tanong ko habang tumatawa at umupo doon sa may damuhan.
"Oo naman. Dahil na rin sa mga katarantaduhang ginawa ko" sagot niya at nakiupo na rin siya sa tabi ko.
"Paano kayo nagkakilala ni Vince?" ewan ko kung bakit yun ang naisipan kong itanong
"Paano kayo nagkakilala ni Gel?" tanong niya pabalik sa akin. Tiningnan ko nga ng masama
"Joke lang" sabay tawa . Bakit ang gandang pakinggan ng tawa niya? Abnormal na ata ako.
"Nagkakilala kami ni Vince,When I was 11. Magkaklase kami. Palagi siyang bully sa school at classroom namin. Siya kasi yung batang nagsusuot ng malaking salamin. " nag pause siya tapos tiningnan niya ako
"Isang araw habang inaaway siya ng mga schoolmate namin, ipinagtanngol ko siya. Nagkadetention kaming dalawa nun. Kaya mula noon naisipan ko na lang na kaibiganin siya." dagdag niya.
"Si Vince? Ay naging biktima ng bullying?" hindi makapaniwalang tanong ko. Sa gwapo ba naman ni Vince ngayon hindi mo iisiping naging biktima siya ng pangungutya.
He just nod. "High School kami nun nang binago ni Vince ang ayos niya. Doon kasi siya nagsimulang magmahal at ang masaklap pa.." bigla siyang huminto mukhang nagdadalawang isip siyang sabihin ito.
"Ang masaklap ano?" tanong ko
"Ang masaklap iisang babae lang ang nagustuhan namin" pagpapatuloy niya.
Okay... Parang ang hirap i digest ng mga naririnig ko ngayon.
"Paano kung iisang babae na naman ang mamahalin niyo?" alam kong hindi pa panahon para itanong yun.pero yun naman talaga ang nangyayari ngayon. Dahil nililigawan ako ni Vince ng patago.
Sasagot na sana siya ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad kong kinuha yung payong ko sa sling bag na dala-dala ko at binuksan iyon.
"Share na lang tayo"sabi ko sa kanya. Wala kasi siyang dalang payong.
Nakisukob siya sa akin. Hinawakan niya yung kamay kong nakahawak sa payong habang yung isang kamay niya ay sa baywang ko.
Hindi ko alam pero talagang nag-iiba ang pakiramdam ko sa tuwing dumadampi yung kamay niya sa balat ko.
Nagsimula na kaming naglakad pababa sa burol nang umihip ang malakas na hangin na naging dahilan para bumaliktad yung payong namin.
Wala na rin kaming nagawa kundi ang maligo sa ulan. Naisipan pa naming maghabulan sa gitna ng ulan, para kaming mga bata na masayang nagtatampisaw sa ulan. Hindi man lang namin ininda ang lamig.
"Huli ka!" sabi niya ng mahuli niya ako sabay hapit sa baywang ko.
"Ang daya mo! Dumaan ka sa short cut no?" sabi ko sabay hampas sa balikat niya. Nakaharap na kasi ako sa kanya.
"Yan ang tinatawag na strategy" sabi nya at lalo pa niya akong hinapit papunta sa kanya.
Tinitigan niya ako. Hanggang sa unti-unti niyang inilapit yung mukha niya sa mukha ko. Is he going to kiss me?
Nakatitig lang ako sa kanya. Nang ipinikit na niya yung mata niya ay napapikit na rin ako.
"Accccchhhuuu!!" hindi ko alam kung manghihinayang ba ako o mahihiya sa kanya. Wrong timing kasi yung pagbahing ko.
Tumawa lang siya. Samantalang ako ay parang kamatis na sa sobrang pula.
"Umuwi na nga tayo, mukhang magkakasakit ka nito" at hinila niya ako palapit sa kanya at inakbayan.
Nakauwi na kami sa bahay ni Nay Rosing at isang malutong na sermon ang nakuha namin.
"Kayo talagang mga bata kayo! Wala bang ulan sa syudad at naisipan niyong maligo sa ulan dito?"sermon ni Nay Rosing sa amin habang naghahanda ng kape
"Nay naman! Hindi na kayo nasanay sa akin. Di ba nga noong bata pa ako ganito din ako" sabi ni Alexander sabay yakap kay Nay Rosing sa likod.
I find it cute.. Ang sweet lang tingnan.
"Noon yun andres. E ngayon? Aba! Malaki ka na!! At dinamay mo pa itong nobya mo!" halos mapaso ako sa kapeng iniinom ko. >////<
"Hindi ko po boyfriend si Alexander Nay" sabi ko
"Sa ngayon. Malay mo bukas tayo na" then he grinned
Bakit ba napakasigurado niyang sasagutin ko siya?
"Ewan ko sa inyo.. Mga kabataan talaga ngayon iba na ang trip." pagsuko ni Nay Rosing at pumasok na sa kusina
"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sa kanya ng maubos ko na yung kapeng iniinom ko. Dumidilim na kasi. Lagot ako sa mga bakulaw kong kuya.
"Pagtumila na ang ulan. Uuwi na tayo"simpleng sagot niya. At humiga sa couch
"magpahinga ka muna dahil medyo mahaba-haba ang magiging biyahe natin mamaya." sabi niya habang nakapikit ang mga mata.
"Lex, gising na.." ang boses na pumukaw sa mahimbing kong tulog.
"Alis na tayo" malumanay na pagkakasabi niya
"Anong oras na ba?" tanong ko habang kinusot-kusot ko yung dalawang mata ko.
"Alas syete na ng gabi"
Halos mawalan ako ng dugo sa narinig ko. Shit!!! Lagot ako sa Kuya ko. Alam pa naman ng mga yun ang oras nang klase ko.
Nagpaalam na kami kay Nay Rosing. Ayaw pa sana kaming payagang umuwi dahil gabi na raw at delikado sa daan. Sinabi na lang namin na may klase pa ako bukas at hindi pwedeng umabsent dahil may exam kami.
"Lagot ako sa mga bakulaw kong kuya nito." nag-aalalang sabi ko nang makapasok na kami sa kotse niya.
Hinawakan niya yung kamay ko " Relax okay? You don't have to worry. Nagpaalam ako sa kanila bago kita dinala dito" sabi niya.
Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko yung sinabi niya. "THANKS" I said calmly na may guhit sa mga labi.
"Ako dapat ang magpasalamat. Thank you for this day." at hinalikan niya ako sa noo.
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??