Twenty Eight

94 5 0
                                    

Gaya ng sinabi ni Xander ay sinundo niya ako pagkatapos ng klase ko. Nakita ko siyang nakasandal sa pader habang nasa magkabilang bulsa ang dalawa niyang kamay. Naalala ko tuloy noong una ko siyang nakita hangang-hanga ako sa dating niya.

He smile at me ng makalapit na ako sa kanya.

"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya

"No. Kakadating ko lang din." tapos kinuha niya yung dala kong mga libro para siya na ang magdala.

Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti habang naglalakad. Hawak-hawak niya yung kanang kamay ko habang yung kaliwa niyang kamay ay dala yung mga libro ko.

"Ako na kasi ang magdadala ng mga libro ko." kanina ko pa siya kinukulit na ibigay na niya sa akin yung mabibigat kong libro na daladala niya para kasing nahihirapan na siya.

"Hindi ko kayang tingnan na naghihirap ang babaeng mahal ko." nakangiti niyang sabi na may kindat pa. Bigla tuloy uminit yung mukha ko.

"Pero, ikaw yung nahihirapan Xander"pagpupumilit ko.

"Di bale ng ako, huwag lang ikaw." pambobola niya at nagpabola din ako. Pasensya na mahal ko eh.

Nakarating na kami sa parking lot kung saan nakaparada yung sasakyan niya. Agad niyang inilagay sa backseat yung mga gamit ko saka niya ako pinagbuksan ng pinto sa frontseat pagtapos ay umikot na siya para pumunta sa driver seat.

"Saan tayo?" tanong ko ng makaupo na siya sa driver seat

"Kahit saan. Basta ikaw ang kasama ko." sabi niya at inistart na yung makina ng kotse niya.

nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin sa daan. Hindi ko tuloy maisip, boyfriend ko na siya pero wala ako gaanong alam sa kanya. Ang tanging alam ko lang ay may kakambal siyang sobrang ganda na nagngangalang Alexandra.

May ate siya, na may mommy siyang parang zombie, pasensya sa term yan ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Vince sa akin.

Ang dami kong hindi alam tungkol sa kanya. Hindi ko alam ang paboritong kulay, pagkain, movie, music, sports at iba pa. Hindi ko alam ang pinanggalingan ng angkan nila, kung nagmula ba sila sa lahi ni Adonis dahil sa malagreek-god nilang mukha.

"Ahhhh. Ano Xander" tawag ko sa atensyon niya. Agad din niya naman akong nilingon at ningitian.

"Ano kasi.. anong paboritomongkulay?" mabilis kong pagkakasabi, pero sa tingin ko ay hindi niya ako naintindihan.

"Hindi ko maintindihan sa sobrang bilis ng pagkakasabi mo babe." sabi niya.

"I mean, ano ang paborito mong kulay?" pag-uulit ko sa tanong ko

"Ano to slam book?" he chuckled "it's blue" sagot niya din.

"ikaw?" tanong niya sa'kin

"Blue din"

"Talaga?" di makapaniwalang tanong niya and I just nod

"sports?" tanong ko ulit

"Basketball. Halata naman di ba?" pagyayabang niya na naging dahilan ng pag-irap ko.

"Sa'yo??"

"Basketball din." bigla niyang inihinto ang sasakayan at tinitigan ako.

"Ginagaya mo ba ang mga sagot ko babe?" natatawang sagot niya.

"Feeling ka ha! Nagkataon lang na magaling ako dun! Kaya nga natalo kita di ba?" maangas na sabi ko sa kanya.

"Hindi mo kaya ako natalo. TIE lang ang score. Gusto mo ng rematch?" nakataas baba ang kilay niya

"Game!" walang pag-aatubiling tugon ko. At pinaandar na niya uli yung kotse.

Habang nasa daan kami ay patuloy pa rin ako sa pagtatanong tungkol sa kanya na sinasagot niya din naman. Atleast ngayon may alam na ako tungkol sa kanya.

Bigla kong naalala yung birthday niya. Nakita ko si Sam dun. Magkakilala kaya sila?

"Last question" masiglang pagkakasabi ko habang inaayos ko ang pag-po.

" Sigurado ka ba? Baka may follow-up pa yan." pang-aasar niya

"Wala na! Promise! Cross my heart!" tapos parang nagduhit ako ng cross sa may puso ko.

"Lahat ba ng invited nung sa birthday mo ay kilala mo?" he nodded.

"So, kilala mo si Samantha Gonzales?" biglang nawala yung ngiti sa labi niya at napalitan ng pagkunot ng kanyang noo.

"Xander, may nasabi ba akong masama?" tanong ko sa kanya. Nagpalabas siya ng isang buntong hininga "Wala... Hindi ko siya kilala" sagot niya.

Hindi niya kilala? Pero bakit ganun na lang ang pagkunot ng noo niya? Bakit nakita ko siya sa birthday niya? Gusto kong itanong ang lahat ng iyan pero mas pinili ko na lang ang manahimik baka masira pa ang araw na ito.

Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng isang basketball court. Tiningnan ko siya na may pagtataka "Anong gagawin natin dito?"

"Magdedate." nakangiting sagot niya. Bumalik na yung dating siya.

"Sa basketball court? Nagbibiro ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko at tumango lang siya.

May kinuha sa sa trunk ng kotse niya at iyon ang bola.

"Ngayon na ang rematch natin?" tanong ko ng makapasok na kami sa loob ng court.

"Ayaw mo? Pwede ding ipagpabukas na lang natin" mapang-asar niyang sabi. Ako bay niloloko niya? Wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

"Hindi man lang ako nakapagpractice. Tsk." saad ko.

"Here is the rule" pag-uumpisa niya.

"Sa tuwing makakapoints ako. You'll kiss me" sabi niya na may nakakalokong ngiti.

"Kiss lang pala! Pwede ng sa ch"

"Kiss on the lips." putol niya sa sasabihin ko. Agad din namang namula yung pisngi ko. Bloody hell! Anong nahithit ni Xander ngayon?

"Paano pag ako ang nakapoints?" tanong ko. Aba! Dapat may kondisyon din ako.

"I'll kiss you din." natatawang sabi niya. Ginagago na po talaga ako ng boyfriend ko! Juskkoo po! Win to win yun para sa kanya.

"Ayaw ko ng kiss!" biglang napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Ayaw mo sa halik ko?" biglang nagbagonyung mood niya. Mukhang mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.

"H-hindi sa ayaw ko.."

"So, ano ang gusto mong iparating?" tanong niya habang pinapaikot sa hintuturo niya yung bola.

" Dapat fair, kung may kondisyon ka dapat meron din ako.." pagdadahilan ko.

"Just named it." maawtoridad niya pagkakasabi.

"Kapag ako nakapoints sasagutin mo ang tanong ko ng may katotohanan, bawal ang magsinungaling." Gusto ko lang kasing malaman kung ano ang relasyon nila ni Sam. Basta dapat akong makapoints kahit isa lang!

"Fine" yun lang at ibinagay na niya sa akin ang bola.

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon