"I'm home!" nakangiting bungad ko kina Papa. Gulat na gulat naman silang napatingin sa akin.
"Akala ko mamaya ka pa uuwi." saad ni Papa sabay higop ng iniinom niyang kape.
"Nabored ako kina Gel e at tsaka tulog pa siya." sagot ko sabay upo sa tabi ni Papa at nakiinom sa kape niya. Ang paet!
"So, anong nangyare kahapon?" seryosong tanong ni Kuya Anton sa akin at napaismid na lang ako.
"May nangyari ba kahapon? anong okasyin?" nagtatakang tanong ni Kuya NAsh habang palipat-lilipat yung tingin niya sa amin dalawa ni Kuya Anton.
"O-oo nga, Kuya! May nangyare ba kahapon?" patay malisya kong tanong.
"Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo Alexis!" medyo mataas na din ang tono ng boses niya. Alam kong naiinis na siya.
"Teka nga! Ano bang ibig mong sabihin Anton?" naguguluhang tanong naman ni Kuya Andrew
"Itanong niyo diyan kay Alexis, Kuya" sagot naman ni Kuya Anton. Napakagat na lang ako sa labi ko.
"Sasabihin mo ba o ako ang magsasabi sa kanila?" Kuya left me with no choice.
Nakatingin lang sila sa akin na tila ba may utang ako sa kanila at kailangan ko itong bayaran ngayon. I sighed, sa mga oras na ito ay kailangan ko na talagang sabihin sa kanila.
"W-wala na kami ni X-Xander" utal kong pagkakasabi
"Aba't, niloko ka ba ng gagong yun?!!" galit na saad ni Kuya Nico.
"Sabihin mo niloko at PINAGPUSTAHAN pa!" dagdag pa ni Kuya Anton habang diniinan ang huling salita.
"Gago yun a!!" si Kuya Andrew
"Huwag na huwag niya talagang ipakita yung mukha niya sa akin, Manghihiram siya ng mukha sa kabayo!" galit na pagkakasabi ni Kuya Nash.
"Kuya!!" saway ko. "Hayaan niyo na yung tao" dugtong ko pa.
"Anong hayaan? Hindi pwede yun! sinaktan niya ang nag-iisang Prinsesa namin! Halos di ka nga namin padapuan ng lamok, tapos siya? sasaktan ka lang!? Lintik lang ang walang ganti!!" mahabang litanya ni Kuya Nico.
"Hayaan niyo na siya please.. and besides I'm o-okay." halos hindi ko magbigkas yung huling salitang sinabe ko.
Tinitigan lang nila ako na tila ba sinisigurado kung OKAY lang ba talaga ako.
"Pagbigyan niyo na ang kapatid niyo. Hindi na siya bata para magkaganyan kayo." laking pasasalamat ko ng magsalita si Papa.
"Thank you Papa!" sabi ko sabay akap sa kanya.
"Anytime my Princess." sabay Pat sa ulo ko.
Mabilis lumipas ang araw at Lunes na, ayaw ko pa nga sanang pumasok dahil tiyak ako na pag-uusapan na naman ako sa school nito.
Naglalakad kami nu Gel sa may hallway may mga estudyanteng pinagtitinginan kami, rinig na rinig din namin ang mga bulong-bulungan nila.
"Hiwalay na daw sila di ba?"
"Talaga? Buti naman dahil hindi talaga sila bagay ni Xander" I just rolled my eyes.
"Rinig ko hindi daw seryoso si Xander sa kanya. Pinapustahan lang daw kasi" sa mga oras na'to gusto ko ng hablutin ang mga dila nila nang saganun ay hindi na sila makapagsalita. Wala ba silang pakiramdam? bulag ba sila? hindi ba nila ako nakikita na naglalakad dito?
Biglang tumahimik ang paligid na tila ba may isang Diyos ang dumating. Napatingin din naman ako sa may bandang likod ko para tingnan kung sino iyo.
Naningkit ang mata ko ng makita ko si Xander na nasa may likuran na namin. Agada akong naglakad ng mabilis wala akong paki-alam kahit na maiwan ko pa si Gel ngayon. Alam niya naman siguro ang daan papuntang classroom di ba?
"L-Lex, sandali." tawag si Xander sa akin pero hindi ako lumingon.
Lakad-takbo ang ginawa ko para lang hindi niya ako masundan.
"Lex!" napahinto ako sa paglalakad dahil hawak-hawak na niya yung isang kamay ko na agad ko din namang binawi.
Humarap ako sa kanya, kulang na lang kumunot pati ang kilay ko dahil sa pagkunot ng noo ko.
"Ano bang problema mo ?" bulyaw ko sa kanya
Hhindi siya umimik . I"tsked"naiinis na ako.
"Magsasalita ka ba o hindi?"
Nagpalabas siya ng isang malalim na buntong hininga "Can we start over again?" napatawa ako sarcastically sa tanong niya
"Start over again? Nagpapatawa ka ba? kung oo, effective" saka ko siya tinalikuran
"I'm serious." napahinto ako agad at napatingin ulit sa kanya
"Ano na naman bang klaseng laro ito Xander? Magkano ba ipinusta mo?"I asked
He sighed " I'm dead serious Lex. I want you back. I want us to be back" nagsusumamong sabi niya.
"Anong nahithit mo? Kape?"sabay tawa ko.
"Tingin mo ganunlang kadali kalimutan lahat? dahil sa nagsorry ka na ay okay na ?" hindi siya imimik
"Palibhasa hindi mo alam kung gaano kasakit ang paglaruan!! " I smirked
"Liligawan kita " napataas ang isang kilay ko
"Ayaw ko nga "sagot ko
"Manliligaw ako sa ayaw at sa gusto mo."and he left me dumbfounded
At tinotoo nga niya ang sinabi niya na manliligaw siya sa akin. Sa tuwing may bakante siyang oras ay pinupuntahan niya ako.
"Umalis ka na nga!" pagtataboy ko kay Xander na nasa harap ko.
Andito kami ngayon sa canteen kumakain.
"Mamaya na,gusto pakitang kasama e" sabi niya habang nakapatong ang mukha niya sa kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. Tanging ang pag-iling na lang ang nagawa ko
Lumapit sa lamesa namin si Vince na may dala-dalang tray ng pagkain. I smiled at him.
"Bawal dito. Okupado na. Doon ka na lang sa iba umupo." saad ni Xander na ngayon ang nakaupo na ng maayos. Vince smirked.
"Bakit hindi na lang ikaw ang lumipat, total ikaw naman ang nag suggest"
Napatikom ng kamay si Xander batid kong nagpipigil siya ng galit niya.
"Ako ang nauna dito kasama niya and besides nililigawan ko siya. Kaya umalis ka na. Tsuuppee!" pagtataboy niya kay Vince wiht hand gestures pa.
Hindi siya pinansin ni Vince bagkus ay nilapag pa niya ang dala niyang tray ng pagkaen.
"Aba! Bingi ka ba?" kunot noong tanong niya kay Vince at kunot noo ko din siyang tiningna.
"Tumigil ka nga Xander!" saway ko sa kanya.
"Pasalamat ka at pumayag si Alex. " at ningitian niya ako. I just rolled my eyes.
Halos hindi ako maka kain ng maayos dahil sa dalawang kasama ko na ang sama makatingin sa isa't-isa. I sighed pagsuko ko sa kanila.
Tumayo ako agad at lumipat sa kabilang table pero limang segundo pa lang ang lumipas ay lumapit na naman si Xander na may pilyong ngiti sa mga labi.
Napasapo ako sa noo ko out of frustation. Magkakawrinkles ako sa dahil sa kanya.
Agad din naman akong napatingin ng pabagsak na nilapag ni Vince yung tray niya at sinabing "I'm courting her too."
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomansaNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??