Isang linggo na ang lumipas mula ng sinagip ni Alexander ang buhay ko. Isang linggo na rin ang lumipas ng mag confess si Vince sa akin, at hanngang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nililigawan niya ako SECRETLY!
Gaya na lang ng pinapadalhan niya ako ng mga bulaklak sa classroom namin.
Sa tuwing bubuksan ko yung locker ko ay may nahuhulog na letter.
Inaamin ko na kinikilig ako, pero kahit kiligin man ako sa mga pinag-gagawa niya ay hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Dahil alam ko kung sino ang nilalaman ng puso ko.
Sa tuwing sasabihin ko kay Vince na itigil na niya yung panliligaw sa akin ang tanging maririnig ko lang galing sa kanya ay “Titigil lang ako pagsinabi mo na sa kanya yung nararamdaman mo.”
Nagpalabas ako ng isang malalim ng buntong hininga..
“Problema mo?” tanong ni Gel sa akin.
“W-wala.. may naalala lang” sa tuwing naiisip ko si Vince ay natutulala na lang ako. Hindi naman sa may gusto ako sa kanya. Nagiguilty lang ako. Mahal niya ako samantalang hindi ko man lang masuklian ang pagmamahal niya.
“Nagkita na ba kayo ng Prince Charming mo?” I just shook my head. Isang linggo ko nang hindi nakikita si Alexander
“NAsaan na kaya yung Prince mo?” habang nag-aact na parang may hinahanap
Muntikan na akong mahulog sa kina-uupuan ko ng magvibrate ang cellphone ko.
Isang unknown number
“Labas ka muna. Andito ako sa parking lot.. “ –ALEXANDER-
Halos lumabas na yung puso ko sa pangalang nabasa ko.
“Gel, labas lang ako saglit.” Paalam ko sa kaibigan kong busy sa katatalak
“Saan ka naman pupunta? Malapit nang dumating yung Prof.natin” saad niya.
Tiningnan ko yung wrist watch ko 9:45 pa. 10 magsisimula ang class namin.
“Alam ko. Babalik din ako agad” at tumayo na ako at naglakad palabas.
Malayo pa lang ako ay tanaw ko na siyang nakasandal sa Red Porsche niya. Nakatanaw siya sa malayo mukhang malalim ang iniisip niya.
Malapit na ako sa kanya ng bigla siyang napatingin sa gawi ko. I don’t know why but my heart skips a beat.
"K-kumusta?" tanong ko ng malapit na ako sa kanya.
"okay lang. Medyo masakit pa rin yung sugat ko." sagot niya.
"Wala ka bang pasok ngayon?" I look like a concern girlfriend here. Concern naman talaga ako sa kanya kaso hindi niya ako girlfriend.
"Go out and date with me" biglaang sabi niya.
Sa gulat ko ay hindi ko man lang namamalayang nandito na pala ako sa loob ng kotse niya.
"Gusto kong ipakilala ka sa mundo ko" sabi niya ng makapasok sa kotse niya at pinaandar ito.
"What? Alexander naman! Hindi pa ako ready na makilala ang parents mo! And besides nanliligaw ka pa lang! Ba't parang ang bilis mo yata?" diret-diretso kong pagkakasabi. MY GAWD!!!! Meet the parents agad?
"Hey! Pwede ba hinay-hinay lang" he chuckled.
"Anong hinay-hinay? Like Hello!! Mga magulang mo yung haharapin ko!" sigaw ko sa kanya.
"Sino ba ang maysabi na ipapakilala kita sa mga magulang ko? Ang sinasabi ko ay ipapakilala kita sa mundo ko hindi sa mga magulang ko" pagpapaliwanag niya.

BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
Storie d'amoreNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??