Chapter 23: I''ll count from 1-10

97 5 0
                                        

Kinabukasan ay wala akong ganang bumangon sa kama. Ang bigat-bigat ng mata at katawan ko. Mabuti na lang at linggo ngayon kaya pwede akong humilata sa kama buong araw.

"Mabuti naman at gising ka na! akala ko pa naman hihintayin mo pa yung prince charming mo para halikan ka." agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na yun at nakita ko si Gel ang bestfriend kong nakanguso habang nakatingin sa akin.

"Anong oras ka ba natulog kagabi at Haggardo Bersusa ang peg mo?" tanong niya at nakiupo sa kama ko,

"Ilang balde ng luha ang naiyak mo? dagdag pa niya.

"Ano ba?? Wala ka bang planong sagutin ako? halata sa boses niya ang pagkairita.

"Pagod ako Gel" sabi ko at muling pumikit. Nagpalabas siya ng isang malalim na buntong hininga at niyakap ako.

"Labas na lang tayo." bulong niya. "Kesa magmukmok ka diyan at tubuan ng kulobot sa mukha kumain na lang tayo sa labas." dagdag pa niya.

"Libre mo?" pagbibiro ko. bigla niya akong tiningnan ng masama.

"Sige na nga!! " sabi niya.

"Kaya, ang mabuti pa ay maligo ka na at nangangamoy lupa ka na!" sabay hila niya sa akin patayo.

"OO NA!! Masyado kang isturbo ha!" pagsuko ko sa kanya at pumasok na ako sa banyo para maligo.

"Sa baba na kita hihintayin!" sigaw niya at mabilis na sinirado ang pinto ng kwarto ko.

Simple lang suot ko, nag short at fitted shirt lang pero bagay parin sa akin. and besides kakain lang naman daw kami, alangan naman at mag-gown ako.

"Akala ko nagpakalunod ka na!" biro ni Gel pagkababa ko.

"Pakyu!! Tayo na nga!" at nauna na akong lumabas

"Wow te!! ikaw manlilibre?" dinig kong sigaw niya sa loob ng bahay at nagkibitbalikat lang ako

"Dala mo pala kotse mo." tanong ko sa kanya ng makalabas na siya sa bahay.

"Hindi.. Kotse yan ng kapitbahay niyo! Naglakad lang ako papunta dito!!" she said sarcastically. I just rolled my eyes.

"Leche ka Lex!! Dahan-dahan naman!!" reklamo niya ng malakas kong sinirado ang pinto ng kotse niya. Makapang-asar lang. :)))))

"Akala ko ba, di mo kotse to?" nakataasang kilay na tanong ko.

"OHMY!! Di mo ba alam ang salitang biro Alexis Dimagiba? tsk. tsk." naiiling na sabi niya.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya ng makarating na kami sa mall.

"Ikaw na ang bahala, Libre mo naman." simpleng sagot ko.

"Sa morgue? gusto mo?" sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

"Sige, pero ikaw lang mag-isa! kainin mo yung mga patay dun!!" talagang nakakabanas ang mga banat ng babaeng to! Nauna na akong pumasok dun sa KFC, yun lang kasi ang pinakamalapit sa kinatatayuan namin.

Umupo kami malapit sa pintuan, yun lang kasi ang nakita kong bakante. Si Gel na ang nag-order total siya naman ang magbabayad.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag nagbabasakaling may text galing kay Xander. NApabuntong hininga ako ng wala man lang ni isang text galing sa kanya.

"Ganun ba talaga siya ka galit sa akin?" tanong ng isip.

Napatingin ako sa labas ng may kumatok sa glass na pader.

Napakunot ang noo ko ng makita ko si Vince sa labas habang kinakaway-kaway yung kamay niya at nakangiti. ang cute niya lang tingnan.

"Sinong kasama mo?" tanong niya ng pumasok siya sa loob at umupo sa harap ko. tinuro ko si Gel na nakapila sa counter at tumango lang siya.

"Nagka-usap na kayo?" biglang napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"I mean, ni Xander. Nagkausap na kayo?" iling lang ang sagot ko.

"E kayo?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Hindi pa. Hindi ko pa kasi siya nakikita simula kahapon."

ISang matinding katahimikan matapos niyang magsalita. Di ko naman kasi alam ang isasagot ko.

"Lex, I'm sorry." sabi niya habang nakatingin sa akin.Alam kong sincere siya dahil nakikita ko sa dalawang mata niya.

"Nang dahil sa akin ay nag-away kayo ni Xander" dugtong pa niya.

"No.. it's okay. Ako dapat ang humingi ng sorry dahil sa akin nasira ko ang pagkakaibigan niyo." mahinang sabi ko.

"Hindi mo kasalanang mahal mo siya, hindi ko rin kasalanang ikaw ang nagustuhan ko. Dahil hindi natuturuan ang puso. kusa itong tumitibok. Hindi ko na nga namamalayan na minahal na pala kita." hindi ako makapagsalita. walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Biglang tumunog yung cellphone ko at dali-dali ko naman itong binasa.

"STAY AWAY WITH THAT GUY OR I WILL CRUSH HIS FACE RIGHT NOW!" agad akong napatingin sa paligid ng mabasa ko ang message ni Xander.

Tumunog ulit ang cellphone ko.

"STAY AWAY! I'M WATCHING.." napakunot ang noo ko sa pangalawang message niya. Andito siya, "ba't hindi siya magpakita sa akin?"

Leche! Ang hirap nito!! Masyado naman kasing Rude pagpina-alis ko si Vince. "Gel, Nasaan ka na ba? Ba't ang tagal mo?"

"I'll count from one to ten." pangatlong message niya.

ONE

TWO

THREE


FOUR

FIVE

at nakahingaa ako ng maluwag ng biglang tumayo si Vince " I think I'll go ahead. kita na lang tayo sa school" sabi niya at ngumiti sa akin.

"S-sige." I smiled back.

Napabuntong hininga ako ng makalabas na si Vince. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kanina. Masyado akong kinabahan. ayokong mag rematch yung dalawa.

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon