"I'm courting her too." halos mabulunan ako sa kinakain kong baked mac dahil sa sinabi ni Vince. Bakas sa boses nito ang pagkaseryoso.
Napakunot naman ang noo ni Xander dahil sa narinig nito. Tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kaibigan.
"Hindi mo siya pwedeng ligawan!" sabat ni Xander. napatingin naman ako bigla sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"A-ako lang ang pwedeng manligaw sa kanya." dagdag pa nito
Napatawa ng bahagya si Vince na tila ba may narinig ito na isang biro.
"Hindi mo siya pag-aar." casual na pagkakasabi ni Vince
Nagtiim ang bagang ni Xander sa narinig. Galit siya. Napapikit na lang at nagpalabas ng isanf malalim na hininga. Alam kong sa mga oras na ito ay pwede silang magsuntukan sa harapan ko.
"Tumigil na nga kayo. Hindi ako nagpapaligaw ng kahit na sino!" putol ko sa kanila
Nabaling ang tingin ni Xander sa akin. Bahagya niyang inilapit ang mukha niya mukha ko kaya napaatras ako ng konti. "Di ba sabi ko sayo, LILIGAWAN KITA SA AYAW AT SA GUSTO MO." seryosong sabi ni Xander at diniinan ang mga huling salita. Tanging pag-iling na lang ang nagawa ni Vince.
Tiningnan ko ang relos ko at laking pasasalamat ko dahil mag-aala una na, may excuse ako para umexit sa harap ng dalawang ito. Tumayo na ako at kinuha na ang mga librong nasa ibabaw ng lamesa nang biglang itong hawakan ng dalawa.
"Ako na ang magdadala." sabay nilang pagkakasabi
Napapikit ako out of frustation. Tiningnan ko silang dalawa ng masama the death glare look "Tumigil na nga kayo. Kaya kong dalhin ang mga libro ko!!" inis na sabi ko at nilagpasan ko na silang dalawa. Tataas ang alterprasyon ko sa dalawang to.
Papunta na ako sa next class ko pero nakasunod pa din ang dalawa sa akin. Sinusundan ba nila ako? Kampante silang naglalakad tila ba isa silang bisita.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanila "Sinusundan niyo ba ako?" kunot noo kong tanong
Napangiti si Vince sa tanong ko "Magkatabi lang tayo ng classroom Lex. Ngayon mo lang nalaman?" para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa iya. "MAsyado ka kasing Feelingera!" nasabi ko sa sa sarili.
Nakarating na ako sa room at umupo na sa tabi ni Gel. Laking gulat ko na lang pati mga kaklase ko ng biglang pumasok din si Xander at umupo doon sa bandang likuran ko.
"Mag shift na lang kaya ako ng kurso?" mapang-asar niyang tanong sa akin habang nakatukod yung chin niya sa braso niyang nakapatong sa may likod ng upuan niya.
Agad din naman akong napaharap sa kanya kaya muntikan ko na siyang mahalikan. Inilayo ko agad ang mukha ko sa mukha niya kasi feeling ko namumula ako. Napangisi siya sa ginawa ko.
"Sayang!" nanghihinayang na pagkakasabi niya. Sarap niyang kaladkarin sa labas.
"P-pumunta ka na nga sa k-klase m-mo" naiilang na pagkakasabi ko
"Dito na muna ako." tipid niyang sagot
Magsasalita pa sana ako pero pumasok na ang Prof.namin at nagsimula ng magdiscuss.
Malapit ng matapos yung klase namin pero hindi pa din sinisita ng Prof.namin itong si Alexander the Great na harap-harapang natutulog sa klase. Gusto ko siyang batuhin ng nilukot na papel pero naisip ko ding huwag na lang.
Bakit pa kasi andito tong gagong to? Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa lessons dahil panay ang tingin ko sa kanya nadidistract ako sa hilik niya.
Siniko ko si Gel para makuha ang atensyon niya. Seryoso kasi siya sa pagkopya sa mga nakasulat sa white board.
"Ano?" mahinang sabi niya at itinuro ko si Xander.
"Gagawin ko diyan?" pabulong na tanong niya
"Gisingin mo. Nadidistract ako." sagot ko. Kumunot ang noo niya pero agad din naman itong napalitan ng mapipilyang ngiti.
"Bahala ka diyan!" saka niya itinuon ulit ang atensyon sa harap.
"Okay Class, Dismiss!" sabi ng Prof namin. Agad din naman nagsitayuan at nagsialisan ang mga kaklase ko.
"Di mo siya gigisingin?" tanong ni Gel sa akin habang nakatingin kay Xander na mahimbing ang pagkakatulog.
"Hayaan mo na yan. " simpleng sagot ko at umalis na kami
"Saan tayo?" tanong agad ni Gel pagkalabas namin sa room. May free time kasi kaming isang oras bago ang next subject namin.
"Ikaw? Saan mo gusto?" sagot ko sa kanya at napaismid lang siya
"Ako ang nagtanong LEx, kaya huwag mo akong sasagutin ng tanong." komento niya
"Wala naman talaga akong maisip na pwede nating puntahan Gel." pagpapaliwanag ko.
"Library na lang tayo?" suhestiyon ni Gel at nag-agree naman ako.
Papasok na kami sa Library nang may biglag ng humigit sa kamay ko ng pagkalakas-lakas. Isinandal niya ako sa may pader. Napaungol ako sa sakit dahil sa lakas ng pagkakasandal niya.
Napatingin ako sa taong naghigit sa akin na kaharap ko ngayon. Naningkit bigla ang mga mata ko. I remember her. Siya yung nagbanta sa akin na layuan ko na si Xander. Siya yung Palaging handa sa tuwing may birthday at pista.
"I already told you to get away from Xander!!!" galit na saad niya.
"I already did." simpleng sagot ko.
Hinawakan niya ang buhok ko, sabunot in short. Napahawak naman ako agad sa kamay niyang nasa ulo ko. Peste ang sakit! Sinubukan siyang awatin ni Gel pero masaydong malaki ang baboy na ito kaya sa isang tulak niya lang sa kaibigan ko ay napatumba na ito.
"You already did?" Ginagawa mo ba akong tanga?" sabi niya malapit sa mukha ko naamoy ko po ang hininga niyang amoy paminta.
"L-let me go, please.." pagmamakaawa ko sa kanya. Sobrang sakit na ng ulo ko. Feeling ko makakalbo na ako nito.
"Kung sumunod ka sana sa sinabi ko sayo hindi sana ganito!!" saba hila ng malaks sa buhok ko. Gusto ko nga umiyak sa sobrang sakit pero pinipigilan ko lang dahil ayokong magmukhang weak sa baboy na ito.
"Hindi ko kasalana kung panay sunod niya sa akin." sagot ko at napatawa lang siya sa sobrang lakas.
"Feel-" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil may nagsalita bigla sa likuran niya.
"Get your fucking hands off her, you little cunt!" mababatid mo sa boses niya ang galit.
Nataranta naman agad si Baboy at binitawan niya ako. "X-Xander" mahinang tawag nito. Biglang nawala ang bangis nito.
Hinigit ako agad ni Xander papunta sa kanya. Hinawakan niya bigla yung mukha ko "Sinaktan ka ba niya? saan ang masakit?" nag-aalalang tanong niyaa.
"I'm o-okay" sabay lunok sa nagbabara kong laway.
Napansin niya ang pamumula ng wrist ko. Naningkit agad ang mata niya at hinarap ang baboy na ngayon ay biik na.
"How dare you to hurt her!!!" aakma niyang susuntukin yung baboy pero pinigilan ko. Hindi tama ang manuntok ng babae.
Sinipa ni Xander ang pader at muling bumalinh sa babae "I'll fucking kill you, sa oras na galawin mo pa siya!" pagbabanta niya.
"Handa kang pumatay dahil lang sa babaeng yan?" di makapaniwalang tanong ng babae.
How ironic is it? Tinatanong niya si Xander ng tanong na nararapat din sa kanya. Nakakaya niyang manakit ng tao para lang kay Xander.
Napasmirked si Xander "She means the World to me, Ganun siya ka importante." seryoso niyang sabi at umalis siya na kaladkad ako.
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??