Thirty One: The Truth

77 3 0
                                    

Tinanggal ko ang kamay ni Xander na nakahawak sa akin. He looked at me na may pagtataka. Hindi ako umimik at diretsong lumabas ng Gym. Suminyas ako sa referee ng substition agad din namang nagwhistle ang referee at si Gel ang pumalit sa akin sa laro.

"Babe" tawag ni Xander sa akin ng makalabas na ako. Hindi ko alam na sumunod pala siya.

Tiningnan ko lang siya ng masama. He owe me an explanation. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling tungkol kay Sam? I asked him twice but he lied.

"B-babe" aakma niya akong hahawakan pero inilayo ko ang sarili ko. He sighed sa ginawa ko.

"I-I'm S-sorry" panimula niya. I looked away

"S-sam is my E-ex" utal na dugtong niya. Napakagat ako sa ibabang parte ng labi ko. Sa dinamidaming babae na pwede niyang maging ex-girlfriend bakit ang ex-bestfriend ko pa?

"Why did you lie?" seryosong tanong ko. Hindi siya umimik bagkus nagpalabas lang siya ng isang buntong hininga.

"Why did you lie?" tanong ko ulit sa kanya ng hindi niya ako sinagot medyo tumaas na din ang boses ko.

"Because I don't wanna hurt you" diretsong sagot niya na nagpakunot ng noo ko.

"Hurt me?" I asked while looking at him and he looked away

"I'm really sor" hindi na natapos ni Xander ang sasabihin niya ng biglang may sumuntok sa kanya na naging dahilan kung bakit siya napsubsob sa lupa. 

Bigla akong napatingin sa lalaking sumuntok kay Xander. Si Vince na kunot na kunot ang noo na tila ba sasabog na sobrang pula na ng mukha niya. He was furious! Ngayon ko lang siya nakita ng ganito.

"I give up Alex, just for you!" galit na sigaw niya. I know sa mga oras nato ay nakakakuha na kami ng atensyon ng ibang estudyante. 

"I gave her up because of you!!" sigaw niya ulit.

"Then malalaman kong pinagpustahan niyo lang siya! F*** you!!" at saka niya sinuntok ulit si Xander.

Kasabay ngpagsuntok ni Vince ay siya ring pagtulo ng mga luha ko. Tama ba ang narinig ko? Pinagpustahan nila ako? He didn't court me because he love me but for the sake of his stupid game! Bigla akong nanghina, tila ba hinigop ng hangin ang lahat ng lakas na meron ako. I was too dumb to believed na magugustuhan niya ang isang gaya ko. Isa akong tanga na nahulog sa bitag niyang pinagplanohang maigi. I'm helpless. Helpless dahil hindi ko na alam kung makalabas pa ba ako sa pagkakahulog ko.

"Totoo ba?" tanong ko sabay punas sa luha ko. bakas sa boses ko ang panginginig. 

Bahagya siyang dumura ng dugo at pinunasan ang gilid ng labi niya.

"Totoo ba?!!" sigaw ko. Tiningnan niya ako. Mababakas sa mukha niya ang guilt. Hindi ko na alam kung ano na ang itsura ko ngayon. Basta ang alam ko nasasaktan ako ng sobra. Ayaw pang tumigil ng mga pesteng luha ko.

Lalapitan niya sana ako pero agad akong umatras " Don't" naluluhang pigil ko sa kanya

"I'm sorry Lex" mahinang bigkas niya. Gusto kong sabihin sa kanya na "Ano pang magagawa ng sorry mo? Gawa bang gamutin ng sorry mo ang puso kong winasak mo?" pero hindi ko magawa.

"I didn't mean to hurt you." pagkasabing-pagkasabi niya nun ay siya ring pagdapo ng kamay ko sa mukha niya. I slapped him. bahagya itong namula. 

"You didn't mean to hurt me?" galit na pagkakasabi ko habang umiiyak.

"Ano to gaguhan? " Hinawakan niya yung kamay ko na agaran ko din namang binawi.

"May nagawa ba akong masama sayo?" I asked him hindi pa din tumitigil sa pag-agos ang luha ko.

"May nakalagay ba na karatola sa ulo ko na pwede niyo akong paglaruan?" Umiling siya bilang sagot

"Then Why??!!" pinaghahampas ko siya gamit ang mga kamay ko. Wala akong  ibang tanong kundi Bakit? Bakit ako pa?

Sinubukan niya akong yakapin pero nagpumiglas ako. "Don't touch me!" galit ko siyang tiningnan

"I don't want to see you again. We're done." ako na ang tumapos kahit na alam kong laro lang to para sa kanya. Ito lang ang alam kong paraan na magpapagaan ng loob ko kahit konti lang. Dahil sa oras na to gusto ko ng sumabog at maglaho. And before I leave I slapped him hard sabay sabing "PUTANGINA MO!" At umalis na ako ng hindi siya nililingon.

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni papa sa akin noon. "Kahit na sino pwede kang saktan, traydorin. Kaya huwag kang magtitiwala agad. Kahit na nga sarili mo pwede ka pa ding ipahamak dahil sa mga maling desisyong nagagawa mo. Kaya before you trust someone, isipin mo muna Kung dapat ba siyang pagkatiwalaan"

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon