GAME ONE--- FIRST MEETING

521 14 7
                                    

I'm bulletproof, nothing to losefire away, fire awayricochet, you take your aimfire away, fire awayyou shoot me down, but I won't fallI am titaniumyou shoot me down, but I won't fallI am titanium

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Kinuha ko yun sa ilalim ng unan ko at sinagot.

"hello" mahinang sabi ko. Halatang ka gigising ko lang.

"hoy babae ka! Alam mo ba kung anong oras na?" napatingin ako sa orasang nakasabit sa kwarto ko..

O_O "HOLY COW!!!" agad kong tinapon ang cellphone sa kama, sayang naman kung sa bintana, baka masira at dali-daling pumunta ng banyo.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang malaki kong t-shirt at maluwang na short na hanggang tuhod. HINDI PO AKO LESBIAN!!  nagkataon lang na i love loose shirts!!! Isinuot ko na rin ang salamin ko, sa totoo lang hindi naman talaga masyadong sira tong mata ko, sadyang hindi ako sanay pag wala ang salamin ko.

Tinali ko na lang ang buhok ko mukhang may palarong pangkalikasan ang magaganap ngayon. Kinuha ko na rin ang heels ko, este rubber shoes pala. I Hate HEELS! I wonder, why do girls love heels?? Samantalang ako? Halos isumpa ko ang bagay na yun.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako.

"you're late? " pangiti-ngiting sabi ni papa habang umiinom ng kape.

"Pa, ba't hindi nyo ako ginising?" tanong ko habang binubuksan ko ang refrigerator at kinuha yung freshmilk.

"mahimbing kasi ang tulog mo kaya hindi na ako nag-abalang gisingin ka." wow na tats naman ako sa ako sa papa ko.

"Pa, alis na ako" sabi ko pagkatapos kong inumin ang gatas na hinanda ko.

"pero, hindi ka pa kumakain anak!"

"sa school na lang po ako kakain pa. I really have to go"

"mag-iingat ka anak!" pahabol niya..

"Si papa talaga.."

Oo nga pala, hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko. I'm Alexis Dimagiba 17 years of age. Alex for short ^____^. Ang bansot ba ng apelyido ko? Kahit ako ay naiirita sa apelyido ko, pero kahit balibaliktarin ko man ang mundo hinding-hindi pa rin mawawala ang mabansot kong apelyido. Lima kaming magkakapatid, si Kuya Nash ang pinaka matanda isa na siyang guro, si Kuya Andrew naman ay accountant sa isang bangko, si Kuya Nico naman ay isang I.T , at si Kuya Anton isang graduating college student engineering ang kurso niya.

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon