CHAPTER 24: I want him back

93 5 0
                                    

" Nasaan na yung kasama mo?" tanong ni Gel habang nilalapag yung inorder niya.

"Umalis na." Simpleng sagot ko at saka ininom yung strawberry krushers na inorder niya.

"Ang bilis naman!" Saad niya

"Malay ko! Baka may pupuntahang important." Tiningnan niya lang ako na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

"Hoy Angelo! Huwag na huwag mo akong titingnan ng ganyan!" Sabay subo ko ng pagkain. Nagkibitbalikat lang siya at nag-umpisa na ring kumain.

"Anong nangyari sa inyo ni Alex?" Tanong niya na nagpatigil sa pagnguya ko. Hindi agad ako nakasagot.

"May bestfriend nga ako, di niya naman sinasabi ang mga pangyayari sa buhay niya." Pagpaparinig niya

"Nabigla na lang ako ng pagpunta ko sa bahay niyo, aba!! Emote ang peg mo??"

Napa-inom ako ng tubig at bumuntong hininga.

"Nag-away kami" mahinang usal ko at nanlaki naman ang mata niya.

"At ako ang may kasalanan" nakayukong dugtong ko.

"Anoooooo??????" Sigaw niya na naging dahilan para mabaling ang lahat ng tingin sa amin.

"Ano ang dahilan?" Sasabihin ko ba?

"May nakita siyang picture na magkasama kami ni Vince."

"Yun Lang?? Nagalit na siya?ABa!!" Di makapaniwalang sabi niya.

"D-di lang magkasama. H-hinalikan ako ni Vince dun sa picture." Mahinang sagot ko. Nasapo naman ni Gel ang noo niya ng marinig niya ito.

"At ikaw naman si tanga, ay nagpahalik?" Diretsong tanong niya na napatango ako.

"Aba! May karapatan talaga siyang magalit! Bestfriend niya, hinalikan ang girlfriend niya? Leche ka!!!" Hindi ko batid kung galit ba si Gel.

"Anong gagawin ko Gel?" Tanong ko.

"Ano nga ba ang tamang gawin, Alexis?" Mataray na tanong niya.

"I-i don't know. Ayaw niya naman kasi akong kausapin." Malungkot na pagkakasabi ko.

"Hay nakuu!! Tanga ka na! Bobo pa!" Kahit kailan walang preno ang bibig nito.

"Kung ayaw ka niyang kausapin, suyuin mo! Pag di ka pinansin, suyuin mo! Sa panahon ngayon di na uso si maria Clara! Dahil ang uso ngayon ay si Magdalena!" Kaya ayun binatukan ko na! Seryoso akong nakikinig sa kanya tapos lalagyan niya ng Biro.

"Array!!! Ikaw naman, di mabiro!!" reklamo niya Sabay himas sa part sa up niya

"Pero seryoso ako. Ikaw na ang gumawa ng paraan para magkaayos kayo." Dagdag pa niya.

"Bahala na nga." Nasabi ko na lang at nagpatuloy sa pagkain

Pagkatapos naming kumain ay naisipan ni Gel ang magshopping. Mayaman daw siya ngayon. Ang dami niyang binili samantalang ako, maski isa WALA!  Wala ako sa mood para mamili.

"Oh ito!!" sabay abot niya sa dalawang paper bag.

"anong, gagawin ko dito?" kunot ang noong tanong ko.

"Kung gusto mo kainin mo!! Ganyan ba talaga pag broken hearted nagiging slow?" pagbibiro niya.

Gabi na ng makauwi ako sa bahay at mabuti na lang at di na nagtanong ang mga Kuya ko. Agad akong umakyat sa kwarto at humiga sa kama.

"Pero seryoso ako. Ikaw na ang gumawa ng paraan para magkaayos kayo." 

"Pero seryoso ako. Ikaw na ang gumawa ng paraan para magkaayos kayo." paulit-ulit na naririnig ko sa isip ko. And with that nakapagdesisyon na ako.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at agad tinawagan si Gel na agad niya ring sinagot.

"anong kailangan mo?" Kahit sa telepono bruha pa rin.

"I need your help."

"Saan?" sabay hikab.

"I really want him back." Dalawang minutong katahimikan.

"Gel?" Tawag ko sa kanya. At nailayo ko na lang ang cellphone ko sa biglaang pagsigaw niya.

Narinig ko pa nga ang natatarantang Kuya niya na dali-daling umakyat sa kwarto niya na nagtatanong kung may sunog ba.

"Walang sunog Kuya. Kaya umalis ka na!" baling niya sa Kuya niya.

"Game ako diyan! So kailan?" excited na tanong niya.

"hmmmm. Bukas?" 

"Annooo? Bukas? ano ka si Darna?? Leche ka Lex! Ngayon ka pa nga nakapagdesisyon, tapos bukas agad-agad? Di ba uso sayo ang salitang PLANO?" walang prenong sagot niya.

"Eh sa gusto ko bukas. Ayaw kong magtagal ang away namin." Sabi ko.

"Gusto mo talaga bukas?" Tanong niya

"Oo"

"O sige! Pero di kita tutulungan! Juskkoo po! Alexis Dimagiba, di ka si Darna at lalong di ako si Wonderwoman! Wala tayong super powers para magic-kin ang lahat!" Mahabang litanya niya.

"so kailan?"

"Next week! And besides tapos na ang lahat ng exams nun. Sabagay may punto siya.

"Sige . Next week." Pagsang-ayon ko. "Bye" And I ended the call.

Next week, sana ay magkaayos na tayo Xander at di ko namalayang nakatulog na ako.

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon