CHAPTER 25

90 6 2
                                    

Chapter 25:

Lunes ng umaga ay maaga akong nagising. Feeling ko hindi man lang ako nakatulog. Agad akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko ay dali-dali akong bumaba at lumabas ng bahay para pumasok, di na ako nag-abala pang kumain ng agahan.

Pagkarating ko sa school ay napagpasyahan ko munang umupo dun sa bench na napapasilungan ng malaking puno. Wala pang masyadong estudyante kaya tahimik ang paligid.

"Ano nga ba ang gagawin ko nextweek para magka-ayos kami?" tanong ng isip ko.

"Ang hirap naman kasing manuyo ng tao" bulalas ko.

"walang mahirap basta para sa taong mahal mo." Napatingin ako bigla sa taong nagsalita.

"Pwedeng maupo?" tanong ni Lucy sabay turo sa inuupuan kong bench and I nodded.

"alam kong hindi maganda ang simula natin" panimula niya ng makaupo sa tabi ko.

"I just want to say sorry. At gusto ko sanang maging kaibigan ka." Dagdag niya na naging dahilan sa biglaang pagtingin ko sa kanya at hindi nakaimik.

"Naiintidihan ko kung ayaw mo akong maging kaibigan. S-s-sorry sa isturbo," sabi niya at dali-daling umalis.

"Lucy!!" tawag ko sa kanya ng mga ilang metro na ang layo niya.

I smiled at her " Masaya ako kaibigan na kita." Ngumiti lang siya and waved at me. Hindi ko inaasahan na ang isang Lucy Serrano na dati ay inaaway ako ay makikipagkaibigan sa akin.

Mabilis lumipas ang oras at pumasok na ako sa first subject ko tuwing Lunes, ang P.E. agad akong pumunta sa gymn dahil dun maglalaro kami sa araw na to. Naalala ko tuloy yung araw kung paano ako niligawan ni Xander sa loob ng gymn nato.

"Ano na naman yang ningiti-ngiti mo diyan?" napa-irap ako sa tanong niyaa. Kahit kalian masyadong wrong timing ang bruhang to.

"wala" simpleng tugon ko at agad pumasok sa locker room para magbihis.

"Alam mo Lex!" para kang timang! Kusa kang ngumingiti ng walang dahilan!" bulalas niya habang nakasunod sa akin.

"E di, sabayan mo ako para dalawa na tayo!" sagot ko sa kanya habang tumatawa

"Gaga!! Ayaw ko nga! Masyado akong maganda para pagkamalang baliw!" natatawa ding sabi niya.

Pagkatapos naming magbihis ng P.E uniform ay lumabas na kami sa locker room. Hindi ko maiwasang igala ang paningin ko sa mga kaklase kong masayang naglalaro. Hindi ko tuloy lubos maisip kung ano kaya ang mga nasa loob ng puso nila. Kasi may mga tao na sadyang magaling sa pagtatago ng totong nararamdaman yun bang pagkaharap mo sila ay di mo sila makikitaan ng lungkot pero sa loob-loob nito ay wasak na wasak na pala.

Nagpalabas ako ng isang malalim na buntong hininga at saka naglakad papalapit sa court para maglaro. Napahinto ako sa paglalakda ng biglang pumito ang professor naming na nakaupo na pala sa may bandang stage.

"Everyone listen!"sigaw niya gamit ang microphone para lalong mapatuon ang atensyon naming sa kanya.

"We will be having our exam this coming Friday." Panimula niya. Samantalang di na magkamayaw ang mga kaklase ko sa pagsasalita.

"QUIET!!!!" sita niya sa mga ito.

"it is not a written exam! Hindi naman tayo naglecture sa term na to puro lang naman tayo laro." Dagdag niya na nagpakunot ng nook o.

" gagawin natin laro ang exam niyo. Kung saan ang lahat ng estudyante under ko ay maglalaban sa isang laro." Paliwanag niya.

"Anong laro ba yan sir?" tanong ng ka klase ko.

"basketball" simpleng sagot ni Sir.

"ako ang mag grugrupo sa inyo para iwas bias. Dahil pagkayo pipiliin niyo ang magagaling hindi na challenging ang laro. Ipopost ko ang groupings bukas sa bulletin board so keep in touch" si sir ulit.

Narinig ko pa nga nag pagbulong ni Gel ng "gago!" ng marinig niya ang keep in touch.

"Ganito ang mechanic. Tatlong section ang under sa akin Kayo, ang nursing at ang engineering. Since karamihan sa mga engineering ay lalaki at nadun din yung mga varsity player ay hindi sila kasali sa laro. They will be the referees and scorer." Mahabang tugon niya.

"So, nursing lang ang kalaban namin?" tanong ni Gel at tango lang ang naisagot ng Prof naming.

"Ang mananalo ay EXEMPTED na sa exam next term at may premyong matatanggap di ko muna sasabihin kung ano."

" Dapat ay galingan niyo dahil mayposibilidad na magbago ang isip ko at baka isang milyon ang ipapapremyo ko" sabi niya habang tumatawa at nagtawanan na ang mga kaklase ko.

"Sir,paano yung mga lalaki sa amin?" tanong ng isang kaklase ko.

"May lalaki ba ditto?? Kasi sa napapansin ko bakla ang meron kayo." Aba! Below the belt na yung biro niya ha..

"sorry for that class, I mean Maglalaro din sila kasama niyo. Mix ang groupings. Meron din naman kasing mga lalaki sa nursing pero kagaya din sa inyo ay pili din." Paliwanag niya.

"Any questions?" at mabilis din kaming sumagot na wala.

"Okay. You may now go to your next class." Sabi niya at agad nagsi-alisan ang mga kaklase ko papuntang locker room para magbihis.

Sandali pa muna akong nanatiling nakatayo sa harap ng basketball ring at napatitig dito. Nadako ang tingin ko ng may Makita akong bola at kinuha ko yun. Nagdribble ako ng ilang Segundo at nag shoot habang nasa three-point row.

Naalala ko tuloy yung paglalaban naming ng basketball ni Xander kung saan ko unang nalaman ang pangalan niya.

Yung paraan ng paghawak niya sa bola. Mga swabeng galaw sa tuwing magdridrible at dakdak sa bola. Sobrang galing niya.

Muli kong kinuha ang bola at naglay-up at sabay ng pagbagsak ng bola sa sahig ay siya ring pagkarinig ko ng palalpak.

"Ngayon ko lang napagtanto kung bakit nahulog sa'yo ang kaibigan ko." Sabi niya ng mabaling ang atensyon ko sa kanya.a

"Would you mind playing with me?" taas kilay'ng tanong niya na nagpakunot ng nook o.

"I'm......... not interested" sabi ko at agad tumalikod sa kanya para umalis narinig ko pa nga ang pagsipol niya na hindi ko na pinansin.a

"Sa susunod na pagkikita natin ay makikipaglaro ka na sa akin. NOT IN A GAME BUT IN SOME OTHER WAYS'" sigaw niya na nagpatindig ng balahibo ko.

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon