Hawak-hawak ni Xander ang kamay ko habang tinatahak namin ang daan papalabas ng gate. Agad ko namang hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"K-kailangan ko ng bumalik, may pasok pa ako" sabi ko
"Hindi ka babalik doon Lex." nagtataka ko siyang tiningnan. Anong nahithit nito at ayaw niya akong pabalikin? Kung nag-aalala siya na baka maulit ulit yung kanina,sigurado akong hindi na. Dahil talagang lalaban na ako sa baboy na yun.
"May klase pa ako!" kunot noo kong sabi
"I already informed your Prof." simpleng sabi niya.
"Ano? Nababaliw ka na ba?" sigaw ko.
"Oo! Nababaliw na nga ako!" napahilamos siya sa kamay niya. "Kailangan mo ng umuwi bago pa may mangyaring masama sa'yo!" dugtong pa niya
Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi at kinikilos niya. May gusto ba talagang manakit sa akin? May gusto bang pumatay sa akin?
"Hindi ako uuwi." matigas kong sabi. Napasabunot siya sa buhok niya.
"Lex, will you please listen to me!?" he looked me in the eye, he is sincere
"Clap! Clap! Clap!" napatingin kami agad sa pinanggalingan ng boses at palakpak.
"What a perfect scenario!" mababakas sa boses niya ang kaplastikan
" The damsel in distress" tapos tiningnan niya ako "and her knight and shining armor." saka siya tumingin kay Xander
Agad akong itinago ni Xander sa may likod niya
"So sweet naman Xander." she smirked.
"Get lost Sam" maawtoridad na pagkakasabi ni Xander
"You want me to get lost?" bahagya siyang natawa.
"Sigurado ka ba diyan?" taas kilay niyang tanong. Xander just looked away. Hindi niya matingnan ng diretso si Sam. Aside sa mag-ex sila, ano bang connection meron sila?
Lumapit si Sam sa akin at bahagyang hinaplos ang mukha ko.
"Magkamukha nga talaga kayo, kaya pala mas pinili ka niya kesa sa akin." then she left.
Nalilito na ako. Gulong-gulo ako sa mga pinagsasabi ni Sam. Sino ang kamukha ko? May kakambal ba ako?
Hiniharap ako ni Xander sa kanya at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya.
"Don't believe her Lex. Alam kong mahirap ibigay ang trust mo sa akin. But please. Don't believe her and just believe in me." mahinahing pagkakasabi niya.
Sa mga oras na ito, sino nga ba ang dapat kong paniwalaan? Si Sam na dati kong kaibigan na ngayon ay galit na galit sa akin o itong kaharap ko na minsan ko ng ibinigay at tiwala at puso ko pero nagawa niya pa din itong sirain.
Gusto kong paniwalaan si Xander pero may part sa akin na mas gugustuhing mas paniwalaan pa si Sam. Gusto ko ding malaman kung ano ang ibig niyang sabihin.
Napagdesisyonan ko na lang ang umuwi at hindi na lang pumasok pa. Nawalan na din ako ng ganang pumasok pa. I also texted Gel na masama ang pakiramdam ko para hindi siya mag-alala pa.
Ihahatid sana ako ni Xander sa bahay pero ininsist ko na huwag na dahil sigurado akong mabubogbog siya ng mga Kuya ko dun.
Nasa may labas na ako ng gate at aakmang papasok sa loob ng may biglang humawak sa kamay ko. Isang magandang babae na may katandaan na. Mag kasing edad lang siguro sila ni Papa. May pagka morena siya, gaya ko. may mahahaba siyang pilikmata, medyo kulot din ang kanyang mahabang buhok.
"Magandang hapon sa iyo Hija, maari bang magtanong?" panimula nito. Napatayo naman ako ng tuwid.
"H-Ha? A-ano po iyonA?" sagot ko
"Dito pa rin ba nakatira si Arsenio Dimagiba?" napakunot ang noo ko. Bakit niya hinahanap ang tatay ko? May utang ba ang Papa ko sa kanya?
"Walang galang na po Maam, pero ano pong kailangan niyo kay Papa?"
Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko. Aakma niya sana akong yayakapin pero napaatras ako kaya natumba ako sa loob ng gate. Bigla din naman nagsilabasan sila Papa at Kuya Anton ng marinig ang kalabog na gawa ko.
"Anong nangyari sa'yo Alexi-" hindi na natapos ni papa ang sasabihin niya ng makita ang babae sa labas na ngayon ay umiiyak na.
"S-san-dra" utal na tawag ni Papa sa babae. para bang nakakita si Papa ng isang multo at hindi man lang ito kumukurap.
Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at ngayon ay galit na ito.
"Pumasok ka na sa loob Alexis!" pasigaw na utos ni Papa sa akin. Napatingin ako kay Kuya Anton galit din siya.
"Pumasok na sabi!!!" nagulat ako sa pagsigaw ulit ni Papa kaya sinunod ko na at agad na pumasok sa loob ng bahay. Sumunod din naman sa akin si Kuya Anton
"Sino kaya yun Kuya?" tanong ko. Nagkibitbalikat lang si Kuya at agad na umakyat sa taas.
Panay ang tingin ko sa labas. Seryosong nag-uusap sila Papa at yung babae. Gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. at Dahil isa akong dakilang tsismosa any bahagya akong lumapit sa may pinto.
"Bakit ka andito?" hindi pa din nagbabago ang ekspresyon sa mukha ni Papa.
"Gusto ko lang makita siya." nagsusumamong sabi niya.
"Simula nang umalis ka ay nawalan ka na ng karapatan na makita pa siya."
Napahagulgol yung babae "Wala akong Choice that time! Alam mo yun!" sagot niya
"You had Sandra.I Asked you to stay with us! but you chose to leave us!" at may biglang tumulong luha galing sa mga mata ni Papa. Nasasaktan siya.
"I'Im really soorry Dahil iniwan ko kayo." Sabay hawak sa mukha ni Papa "Maara pa naman tayong magsimula di ba?" Para akong nanunuod ng isang telenovela. Ramdam na ramdam ko ang emosyon.
Bigla naman akong hinila ni Kuya Anton at kailan pa siya nakababa? Hindu ko man lang narinig ang mga yabag ng paa niya pababa sa hagdan.
"Eaves dropping is a crime Lex!" seryosong saad ni Kuya na tila ba napakalaking kasalanan ang pakikinig sa mga taong nag-uusap privately.
Dinala niya ako sa kusina at pinaupo sa mesa.
"Anong narinig mo?" tanong agad ni Kuya sa akin.
"Sa pagkakaintindi ko may naudlot silang pagmamahalan." maikling sagot ko.
Napasapo sa noo niya si Kuya. "Ano pa?"
"Yun lang! kinaladkad mo na ako dito a!" sagot ko uliy
MAraming tanong na gusto kong magkaroon ng kasagutan. Mula sa sinabi ni SAm kanina hanggang sa babaeng kausap ni Papa. Malakas ang kutob ko na may tinatago silang sikreto sa akin.
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??