"According to the Law of Gravity, the blah blah blah" sa halos dalawang taon kong pag-aaral, ngayon lang ako inatake ng boring syndrome.
Inaantok ako >.<. Paano ba naman kasi dalawang magkasunod na gabi hindi ako makatulog ng maayos. Iniisip ko si Sam. Kung bakit siya bumalik? At ang isang tanong na hindi maalis sa isip ko ay magkakilala kaya sila ni Alexander?
Walang special na nangyari sa birthday ng kambal. Dahil pagkatapos kong ibigay yung regalo ko ay umuwi na ako. Ewan, nawala yung pagka-excite ko nung nakita ko si Sam at napalitan ito ng takot.
"KRIIINNNNGGG!!!"
Malaki ang pasasalamat kong tumunog yung bell. Hindi naman kasi ako nakikinig sa Professor namin.
"Na copy mo ba lahat ng assignment Lex?" tanong ni Gel sa akin. Biglang kumunot ang noo ko.
"Anong assignment?" Tangina! Hindi talaga ako nakikinig!
Tiningnan ni Gel yung Notebook ko. "Tangina mo Lex! Hindi ka nakikinig?" bulyaw ni Gel sa akin. Tiningnan ko yung notebook ko. Putik! Puro Doraemon lang ang nadrawing ko.
"Ano bang problema mo? You are spacing out again."
Nagpalabas ako ng isang malalim na buntong hininga bago sumagot " She's back"
"Ha? Sino?"
"S-si S-sam"
"ahhh. Bumalik na pala yung ex-bestfriend mong bruha! Then? What's new? Ano naman ngayon kung andito siya sa Pilipinas?"
"Gel, alam mo naman kung gaano siya kagalit sa akin di ba? Halos isumpa pa nga niya ako noon." malungkot kong sabi.
"Ano naman kong galit siya sayo? As if naman may powers yung wicked witch ex bestfriend mo." maarteng niyang pagkakasabi.
"Natatakot ako Gel. Natatakot sa mga gagawin niya." Hindi ko alam kung saan ko kinuha yung mga salitang sinabi ko.
"Matakot ka pag-inubos niya yung buhok mo sa kili-kili. At saka naririnig mo ba yung sarili mo? Kilabutan ka Lex! Nasaan na yung dating Alexis Dimagiba na kilala ko? " alam kong pinapagaan lang ni Gel yung pakiramdam ko.
Niyakap niya ako " huwag kang matakot. Pagsinaktan ka niya lumaban ka." I just nod.
"Thanks Gel."
"Walang anuman kaya ilibre mo na ako ng pagkain at gutom na ako" hayop talaga tong babaeng to! Napatawa na lang ako.
Naglalakad na kami papuntang cafeteria. Kahit papaano ay naibsan yung takot ko. "Sam is just part of my past. Hinding-hindi ko na siya ibabalik sa buhay ko ngayon"
Nakita namin si Vince sa loob ng cafeteria na agad namang kumaway sa amin.
"Si Vince oh! Doon na tayo" sabi ni Gel sa akin at hinatak ako papunta doon.
"Ikaw lang mag-isa?" tanong ni Gel sa kanya.
"Di ba halata?" sagot ni Vince na napatawa ako. Tiningnan lang ako ng masama ni Gel.
"Pwedeng makishare?" si Gel at biglang hinila yung upuan sa harap ni Vince. Hindi niya man lang hinintay magsalita yung tao.
"Nag-order na kayo?" tanong niya sa amin. Particularly sa akin.
"H-hinda pa. Oorder pa lang," sagot ko. Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.
"Ako na."
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??
