SURPRISE
"Alexis, Andito na yung boyfriend mo!" tawag ni Kuya Andrew sa akin sa baba. Andito ako sa kwarto ko at inaayusan kong mag-isa ang sarili ko.
Simula nung binago ni Gel yung look ko natuto na din akong mag-ayos mag-isa.
"Andiyan na Kuya!" sagot ko pabalik sa kanya at dalidaling kinuha yung pouch ko at bumaba na. Naabotan ko pa nga si Kuya Anton na masamang nakatingin kay Alexander.
"Kuya!" saway ko kay Kuya Anton
"What? Did I do somethin'?" patay malisya nyang sabi
"Whatever Antonio!" I rolled my eyes.
"Let's go?" aya ko kay Alexander na nakaupo sa sofa.
Kahit naisin ko mang magtagal sa bahay ay hindi pwede. Baka mapatay pa sa titig ni Kuya Anton si Xander.
"Are you okay?" tanong ko agad sa kanya pagkalabas namin.
Nagpalabas muna siya ng isang malalim na buntong hininga bago sumagot "I'm okay" at hinawakan nya ang kamay ko.
"Let's go." sabi nya at naglakad na kami patungo sa kotse nyang nakaparada sa labas ng bahay namin.
Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi ko mahanap ang dila ko.
Masyado akong preoccupied dahil kay Vinz. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Alexander yung nangyari kanina.
Ipagpalagay nating nasabi ko sa kanya ang tungkol dun, sigurado akong malaking gulo iyon.
And the worst scenario na nakikita ko ay ang pagkasira ng pagkakaibigan nila na pinaka ayaw kong mangyari.
Kung hindi ko sasabihin sa kanya atleast walang gulong magaganap. Wala naman sigurong nakakita sa amin di ba??
"Are you okay? Ba't parang ang lalim ng iniisip mo? Masama ba ang pakiramdam mo?" may pag-aalala sa tono ng boses niya.
Inaamin ko, nagiguilty ako. Sino ba namang matinong babae ang magpapahalik sa bestfriend ng boyfriend mo.
"O-oo, what I mean is I'm okay" tipid kong sagot.
"Malayo pa ba tayo?" pag-iiba ko ng topic.
"Malapit na." simpleng sagot niya sabay hawak sa kamay kong nakapatong sa hita ko.
"I love you" sabi ko na ikinabigla niya pero agad din itong napalitan ng ngiti.
" I love you more mahal ko." sabi niya ng nakatingin sa akin.
Mga ilang minuto ang lumipas ay nakarating na din kami. Huminto siya sa isang kulay blue na gate, kung saan di mo makita kung ano ang nasa loob sa sobrang taas.
Bumosena si Alexander at biglang bumukas ang gate at siya ring paglabas ng isang matandang lalaki na nakasuot ng unipormeng pang gwardiya.
"Welcome back po Sir." saad ng guard na ikinalito ko.
"Ngayon lang kasi ako bumalik dito. Simula nung nag high school ako I was living on my own sa condo ko." paliwanag niya.
"Bahay niyo to?" tanong ko and he chuckled.
"Let's go."
Bumaba na kami sa kotse niya at naglakad papasok sa loob ng bahay nila. Biglang nagsilinya at nagsiyuko yung mga katulong nila at sabay-sabay nila kaming binati.
hindi ko alam kung ilan ang katulong nila. Masyado kasi ako lutang dahil sa ganda ng bahay nila. Ito yung uri ng bahay na nakikita ko lang sa isang international movie kung saan nakatira ang isang Prinsepe.
Maayos ang pagkakadesinyo ng loob mukhang pinag-isipang mabuti. Meron din itong mga mamahalng nuwebles na halatang inimport sa ibang bansa.
Napaisip tuloy ako, sobrang layo ng agwat namin ni Xander. Kun baga Langit siya, lupa ako. Panget siya, Baluga ako. Hahah
Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit sa dinami-daming babae sa mundo at ako pa ang niligawan niya.
Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na magkakaboyfriend ako ng katulad niya.
Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko maging sa pag-akyat namin sa hagdan. I guess papunta ito sa rooftop ng bahay nila.
Napatingin ako sa kanya. He is smiling genuinely, yung ngiting ngayon ko lang nakita.
Hindi ko itatangging lubog na ako. Lubog na lubog na sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung makakaya ko pa bang umahon sa oras na mawala siya.
Nakarating na kami sa taas. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng view kung saan kitang-kitang ang kabuuan ng syudad. I can't stop my tears from falling ng makita ko ang mesang pinapalibutan ng mga kandila na nakahugis puso.
"Shall we?" aya niya sa akin. Sa oras na nagsimula na kaming maglakad sa red carpet ay siya ring pagplay ng music. Its a piano music.
" Thank you" I mouthed ng makarating na kami sa table.
"My pleasure" at ipinaggaya niya ako ng upuan.
Lumapit yung waiter na may dalang pagkain at nilagay na niya sa mesa yung pagkaing dala niya.
Wala akong masabi. Hindi ko maipaliwang ang nararamdaman ko.
He prepared all of these just for me. Ngayon ko lang na realized kaya pala hindi niya ako nahatid kanina dahil para dito.
May isang lalaki ang lumapit sa akin at nagbigay ng isang malaking teddy bear na may dala-dalang bulaklak. Hindi ko tuloy mapigilan ang di mapaluha ulit.
Mas lalo lang akong nagiguilty. Wala akong ibang ginawa kundi ang pag-isipan siya ng masama. Nabigla ako ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Bali naka squat siya ng konti. Hindi ko man lang namalayan na tumayo na pala siya.
"What's wrong?" tanong niya sa akin. Umiling lang ako.
"May nagawa ba akong masama?" hindi Xander wala kang ginawang masama. You really made me feel special.
"N-No" sabi ko sa paghikbi ko "I am just happy." pinunasan niya yung luha ko sa pamamagitan ng kamay niya.
"Huwag ka nang umiyak mahal ko di bagay sa'yo." he joked. I just hugged him and whispered "I love you Mahal ko."
"I'm glad that you liked it. I love you too Mahal ko for infinity and beyond" then he kissed my forehead.
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??