Chapter 26: Would you mind if I date you?

79 4 0
                                        

Dahil maagang natapos ang P.E class namin ay naisipan ko munang lumabas sa campus para kumain ng turo-turo. Agad akong nagpunta doon sa mga nakalinyang stall kung saan may panindang kwek-kwek, tokneneng, fishball at buko juice. Nakakamiss din ang mga pagkaing gaya nito.

"Kuya, isang kwek-kwek, tatlong fishball at apat na tokneneng tapos isang buko juice na rin." sabi ko kay kuyang nagtittinda, agad niya naman itong niluto. Ilang minuto lang akong naghintay at naluto na ang order ko.



"Ito na ang order mo miss." sabi niya sabay bigay sa order ko.





"salamat. Magkano lahat?" nakangiting tanong ko.



"Singkwenta pesos lang lahat" agad kong kinuha ang purse sa bag ko at kumuha ng isang daan, susuklian niya pa sana ako pero sinabi kong keep the change. Mabait ako ngayon kaya huwag kayong magulo.



Naupo ako dun sa isang bench na parihaba habang may nakaupong lalaki naman sa katabing nakatalikod din na bench.



"Sobrang taas naman ni Kuya." comment ng isip ko ng maka-upo ako. bali nakatalikod pa rin ako sa kanya..

Tahimik lang akong kumakain habang pasimpleng tinitingnan ang lalaking nasa likuran kong tahimik ding kumakain ng burger. "Ano kayang height niya?"





"Kuya anong height mo??" I asked out of the blue. OO na ako na ang Feeling close!!

Napatingin siya sa akin at biglang kumunot ang noo niya. May masama ba sa sinabi ko? Gaga ka Lex! Malamang hindi ka niya kilala so normal lang na magtaka siya.



"Isturbo" biglang sabi niya at saka naglakad palayo at ganun na lang ang pagkapahiya ko ng makita ko kung ano ang totoong height niya. sobrang liit niya. Katawan lang ang mataas sa kanya.

Gusto kong maglaho at magpakain sa lupa. Kaya pala ganun na lang ang pagkunot ng noo niya ng tanungin ko ang height niya.

Napabuntong hininga ako dahil sa hiya. Guston kong sabihing "KUYA PATAWAD!!!" pero baka bigwasan niya lang ako, Mahirap na.



Matapos kong kumain at ipahiya ang sarili ko ay agad na akong bumalik sa loob ng campus dahil limang minuto na akong late. Mabuti na lang at late din ang Professor namin.



"saan ka galing?" tanong agad ni Gel pagkaupo ko.



"sa labas kumain: simpleng sagot ko.





"Ang daya mo! Di mo ako sinama!" nakangusong sabi niya.





"Malay ko bang gutom ka?" I said while getting my things out in my bag. She just rolled her eyes.





"Good morning Class!!" masiglang bati ng Filipino teacher namin na daig pa ang batang may ADHD sa sobrang kahyperan.





Nagsipuan din naman ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Nagdiscuss lang yung Prof. namin panay ang talak niya sa harapan habang panay din ang pag-iisip ko kung paano kami magkakabati ni Xander.







"Okay next week na yung recital ha!" sabi ng Professor namin sa harap kaya napabaling ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko na talaga nasundan ang mga pinagsasabi niya.





"Di ka nakikinig ano?" bintang ni Gel ng makita ang nakakunot kong noo.





"Magkagrupo tayo. Kailangan nating gumawa ng banda at pumili ng kanta para sa recital nextweek." sabi niya na lalong nagpakunot ng noo ko.





"Leche ka Lex! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Saan na naman ba napadpad yang utak mo?" halata sa boses niya ang pagkakairita pero mahina lang yun para di mahalata ng Professor naming nasa harapan.





"pwede namang ipaliwanag mo sa kin ng malinis di ba? di ba?" pagdidiin ko sa huling salita



"Okay, siguraduhin mong makikinig ka, kundi bibigwasan kita!" sabi niya sabay ayos ng upo.





"Dahil ayaw ni Ms. Caingles ang gumawa ng test paper para sa term na to ay naisipan niya na lang ang magpabattle of the band." mahinang panimula niya.



"so, tayo-tayo lang? Eh di, nagmukha tayong gago!" kunot noong sabi ko.



"Leche! patapusin mo ko pwede?" note the sarcasm.



"sinabi ko bang tayo lang? Kasali yung ibang section at ibang kursong under niya."

"Kaya, huwag kang lutang diyan at makinig ka! Daig mo pa ang nakaEcstasy. High na high ganun?" sabi niya sa akin at saka binalik ang atensyon sa professor naming nasa harapan na patuloy pa rin sa pag-exxplain about dun sa recital.





"Parecital-recital ang sabihin mo tinatamad siyang gumawa ng exam." pabulong kong sabi na narinig ni Gel kaya sinamaan niya ako ng tingin na inirapan ko nalang.





Biglang tumunog ang bell bilang hudyat na break time na. Agad kong iniligpit ang mga gamit ko at sabay kaming lumabas ni Gel sa room papuntang canteen.



Naupo kami doon sa pinakasulok na table kung saan di kami makakaagaw ng atensyon. Agad na napakunot ang noo ko ng biglang nagsigawan ang mga babae sa loob ng canteen na animo'y naghyhystirecal. Napatingin ako kung saan nakatingin ang mga babaeng daig pa ang nagkaepileptic. Tuluyang nalaglag ang panga ko ng makita kong si Xander iyon ay may kasamang babae. Nakapulupot ang mga kamay ng babae sa braso niya habang nasa baywang naman ng babae ang kamay niya.





Biglang nangilid ang luha ko at nagbabadyang tumulo anumang oras. "Fuck! not now please! " bulonàg ko sa sarili. Hinawakan ni Gel ang dalawa kong kamay na nakapatong sa lamesa.





"Lex, Are you okay?" iling lang ang naging tugon ko. "Paano ako magiging okay, kung sa kabila ng lahat ng pag-iisip ko para magkaayos kami ay gumagawa na siya ng paraan para sirain at wasakin ang puso ko.?"





Agad kong pinunasan ang mumunting butil ng luhang lumandas sa pisngi ko at nagpalabas ng buntong hininga. Bigla ulit umingay ang canteen dahil sa pagpasok ng isang tao. Hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino iyon.

Napatingala ako ng may biglang magsalita sa harapan ko. "WOULD YOU MIND IF I DATE YOU?" napatulala ako at hindi nakapagsalita agad. Hindi ko na nagawang gantihan ang malalawak niyang ngiti sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi pa nagproprocess sa utak ko yung mga sinabi niya.



At ngayon ay nasa amin na ang lahat ng atensyon. Tiningnan ko si Xander na matalim ang tingin sa amin. Nagtiim bagang siya at napakuyom ng kamay nahalatang nagpipigil ng galit. I know he's jealous.






"Hey, WOULD YOU MIND IF I DATE YOU?" tanong ulit ni Vince sa akin habang hinahawakan ang magkabila kong pisngi para mapatingin ako sa kanya. at hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari dahil nakita ko na lang si Vince na nakahandusay sa tabi at putok ang labi.










PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon