CHAPTER 19

103 6 3
                                    

Dahil finollow mo ako. I dedicate this chapter to you babe. hahahahah :))) SALAMAT


Walang paglalagyan ang kasiyahan ko ngayong gabi. I never expected na magprepare ng ganito si Alexander. Napatitig ako ng bahagya sa kanya at napangiti. Hindi ko inaasahang ganito siya ka sweet. Sobrang swerte ko at siya ang naging kauna-unahang boyfriend ko.

Bigla niyang pinunasan ang bibig nya gamit ang table napkin "C.R lang ako" paalam nya sa akin at agad naman akong tumango

Mga ilang oras ang nakalipas ay hindi pa rin nakakabalik si Xander. Nagsimula na akong kabahan.

"Hindi kaya, iniwan na niya ako dito?" biglang pumasok sa isip ko.

"Hindi! Hindi nya magagawa sa akin yun!" pagpapakalma ko sa sarili ko.

Habang balisa akong naghihintay sa kanya ay biglang namatay ang mga kandilang nagsisilbing ilaw, ngayon ko lang namalayan na electric candles ang mga yun.

Biglang may nag play na music pero hindi ko alam kung saan nanggaling

Biglang may spotlight na tumapat sa akin na naging dahilan para mapapikit ako ng konti.

Kung may taong dapat na mahalin

ay walang iba kung 'di ikaw

Wala 'di bang makakapigil pa sa akin

Nagitla ako ng marinig kong si Xander ang kumakanta, hinanap ko ang pinanggalingan ng boses nya pero hindi ko malaman kung nasaan.

Binuhay mong muli ang takbo

At tibok ng puso sa'yong pagmamahal

Ang buhay ko'y muling nag-iba

Napuno ng saya (Napuno ng saya)

Napalingon ako sa taas at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Andun si Xander nakasakay sa hot air balloon habang kumakanta.

Sa Lahat 'di maari, 'di maaring iwan

Wala ng makakapigil kahit na bagyo man

Paano kung ikaw na mismo kusang lilisan?

Paano ba?

May mga petals ng bulaklak ang unti-unting nahuhulog sa taas

Kung mawalay ka sa buhay ko

Kung pag-ibig mo'y maglaho

Paano na kaya ang mundo?

Kung sa oras 'di ka makita

Kung ika'y napakalayo na

May buhay pa kaya 'tong puso?

Hindi ko naman mapigilan ang hindi maiyak. Paano ko hindi mamahalin ang isang tulad niya kung ganito ang ginagawa niya. I really love this man.

Yan lang ang maaari natin,sadyang matatanggap

Habang ako'y may buhay

Mahal na Mahal kita

Higit pa sa iniisip mo

Bumaba siya sa Hot air balloon gamit ang hagdan na hango sa lubid

Lumapit siya sa akin at binigay ang isang bouquet ng bulaklak na binigay ng waiter pagkakababa niya sa hot air balloon.

Bigla ko siyang niyakap dahil parang sasabog na ang puso ko sa sobrang saya.

"Hindi mo ba nagustuhan?" mahinang tanong niya na parang bulong na rin. Umiiyak na napailing ako.


"Hindi ko nagustuhan, dahil gustong-gusto ko Xander." patuloy pa rin sa pagdaloy ng luha ko. Ito ata ang tinatawag na tears of joy.

Ipinagdikit niya ang noo at ilong namin at saka ngumiti habang nakapikit.

"Mahal na Mahal kita higit pa sa iniisip mo." bulong niya.

"Laking pasasalamat ko at nakilala kita. Hindi man maganda ang unang pagkikita natin pero kahit ganun minahal mo pa rin ako."


Hindi ko mahanap ang sasabihin ko.

sobrang lakas pa rin ng kabog nang puso ko.

Hindi ko alam kong ano ang nagawa ko at binigyan ako ng Diyos nang isang perpektong lalaki. Lalaking mahal na mahal ako.

"Mahal na mahal din kita" and kissed him on the lips na bahagyang ikinabigla niya.

Pinunasan niya ang butil ng luha sa mukha ko at pinagmasdan ang kabuuan nito.

"Namamaga na ang mga mata mo, sobra ata ang pagpapaiyak ko sayo. Malalagot ako sa mga Kuya mo nito." pagbibiro niya

"Ikaw kasi, ang dami mong surpresa! Hindi man lang ako nakapaghanda." natatawang sabi ko.

Mag-aalas dose na ng hating gabi kami nakauwi. Hinatid ako ni Xander sa bahay. Malayo pa lang kami ay tanaw ko na ang mga kuya kong nag-aantay sa labas ng gate habang nakatingin sa'min.

"Thank you" sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Sobra mo akong pinasaya" dugtong ko. Ningitian niya lang ako at saka bumaba sa kotse at pinagbuksan ako. "I'm glad at napasaya kita" I smiled at him at saka bumaba.

"Oh! Ba't namamaga yang mata mo? Inano ka ng gagong to?" bulyaw ni Kuya Anton

"Kuya! Stop it! Okay? Wala siyang ginawa sa akin." sabi ko.

"Wala?? Ba't namamaga yang mata mo?" tanong nya na halatang galit na galit na.

"Kaya namamaga ang mata ko kasi umiiyak a--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi agad namang pinutol ni Kuya Anton.

"See?? Walang ginawa? Pero umiyak ka? Sinong tanga ang maniniwala dyan?" sigaw nya.

"Anton, tumahimik ka muna. Patapusin mo muna." sabi ni Kuya Nash.

"Kuya naman kasi.. Patapusin mo muna ako. Okay? Nasurpresa ako sa mga ginawa nya. Kaya ako umiyak sa sobrang saya." pagpapaliwanag ko. Agad namang natameme si Kuya Anton at agad pumasok sa loob.

"Hayaan mo na yun! Nasa menopausal stage na kasi." pagbibiro ni Kuya Andrew.

"O siya bro!" baling nya kay Xander. " pasok ka muna sa loob"

"Huwag na po. Medyo late na rin kasi. May practice pa kami bukas." dahilan ni Alexander

"Kung makaPO ka naman! Haha. Bro na lang mas astig!" sabi ni kuya Andrew habang tumatawa.

"O siya! Mauna na kaming pumasok" paalam ni Kuya Nash " sumunod ka na lang Alexis" at tumango lang ako.

Hinawakan ko agad ang kamay niya at iniharap ko sya sa'kin saka ngumiti ng pagkalapad-lapad "Thank you sooo much Mahal ko"

"Anything for you Mahal ko." sagot nya.

"I love you" at niyakap sya. "Galingan mo sa practice bukas." dagdag ko.

"Manonuod ka ba?" tanong nya habang nakatingin sa akin. I just nod. "Papanuorin ko na rin si Kuya Anton" bigla syang ngumiti.

"Kita na lang tayo bukas. Sunduin kita"


"huwag na. Kita na lang tayo sa gymn." sabi ko at napatango na akang siya

"Bye, sweet dreams" sabay halik sa pisngi ko at naglakad na siya papunta sa kotse niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti.



Binaba niya ang winshield ng kotse niya and whispered "I love you Mahal ko." at pinaandar ang kotse.

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon