Thirty: Exam

79 4 0
                                        

Mabilis na lumipas ang araw at exam na namin sa P.E. Gaya nga ng sinabi ng Professor namin ay hindi ito isang written exam. Nakasuot ako ngayon ng P.E uniform at may pulang telang nakatali sa kanang braso ko palatandaan na nasa Physics Department ako. Dilaw naman sa Nursing at Blue sa Engineering.

Itinali ko na din yung buhok ko. Messy bun ang pagkakatali ko. Nagmukha tuloy akong tsinita dahil sa buhok ko at singkit na mata.

"Prinsepe mo o!" napatingin ako agad kay Gel na katabi kong nakaupo habang nakaturo yung nguso niya kay Alexander na kinakausap yung mga kabarkada niyang sina Clifford at Brent wala si Vince.

Bigla kong naalala yung huling magkasama kami  ni Xander nung naglaro kami ng basketball. When i asked him about kay Sam biglang nagbago yung mood niya. Hindi na din kami nakagala pa  nung araw na yun dahil biglang tumawag yung kakambal niya na may emergency daw sa bahay nila. at isa pa hindi ako nakapagpaalam kina Papa.

Ngayon lang ulit kami nagkita after nun pero kahit na hindi kami nagkikita this past few days ay magkatext naman kami.

Napatitig ako sa Mukha niya. May nagbago sa kanya. Nag-iba na yung style at kulay ng buhok niya mula kasi sa itim na kulay ng buhok niya ay naging Smokey Grey na ito, mas lalong bumagay sa kanya.

Napatingin si Xander sa gawi ko at ngumiti. Ilang sandali pa ay lumapit na siya sa akin.

"I miss you." malambing na pagkakasabi niya sabay hapit ng beywang ko na ikinapula din ng pisngi ko.

"You're blusshing babe." pang-aasar niya sa akin.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Masyado ng mainit ang mukha ko.

"You didn't miss me?" nakapout na sabi niya. 

"I miss you too." I smiled at him. Biglang lumapad ang ngiti sa labi niya ng sinabi ko yun at pinagsalikop ang aming mga kamay.

"Tamis niyo!" komento ni Gel ng makita niyang magkahawak ang kamay namin ni Xander.

Dumating na yun Professor namin at inannnounce yung unang maglalaro at kasali ako.

"Galingan mo babe." pagchi-cheer niya sa akin saka niya ako kiniss sa noo. Naghiyawan naman yung ibang estudyante na nandoon sa gym na nakita sa amin.

Nagsimula na kaming maglaro at mga nursing students ang kalaban namin. Referee naman yung Engineering students. 

Una kaming nakapuntos, hanggang sa nakalamang na kami ng sampu. 

Naghiyawan yung mga classmate ko ng makashoot ako ng three-points.

"Bespren ko yan! Woooooooh!" rinig kong sigaw ni Gel.

May narinig ako na sumigaw ng "I Love you!" agad ko din namang hinanap ang pinanggalingan ng sigaw at nakita ko ang isang Xander Cruz na nakaheart sign pa.

"I.Love.You.Too" I mouthed.

"Bantayan niyo yung naka bun ang buhok! Yung singkit!" sigaw ng isang Nursing student at sinunod nga nila yun. Dalawang tao na ang nagbabantay sa akin ngayon I just smirked.

Habang dinidribble ko ang bola ay nag-iisip ako ng paraan kung paano ko malulusotan ang dalawang ito. Bahagya akong umatras at agad na lumiko sa kaliwa and viola! nakalusot ako at mabilisang inilay-up ang bola..

Lalong lumakas ang hiyawan sa loob ng maipasok ko ang bola na saktong pagtunog ng buzzer. End of 1st quarter at lamang kami ng labing dalawang puntos

Inabot sa akin ni Xander ang tuwalya at tubig na hawak-hawak niya. 

"Thanks babe." sabi ko

"Galing naman ng babe ko." nakangiting sabi niya at tinabihan ako. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at uminit bigla ang mukha ko. 

Tumunog na yung buzzer at magsisimula na ang huling quarter. Hanggang dalawa lang daw kasi sabi ni coach para mas mapadali ang laro.

Ganun pa din ang laban, kami ang lamang sa score. Hanggang sa may tumulak sa akin ng sobrang lakas na naging dahilan kung bakit ako natumba at napasubsob sa lupa. 

Agad kong tiningnan ang tumulak sa akin at bigla akong nanlamig, nanigas ang aking buong katawan, biglang umatras ang aking dila at nakalimutan ko na atang lumunok pa.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano siya nakapasok dito?

Tiningnan ko ang suot niya naka P.E uniform din siya tulad ko. Huwag mong sabihin na nag-aaral din siya dito? Kailan pa?

"Long time no see, My dear Best Friend!" bati niya sa akin at diniinan ang salitang best friend. Mahahalata mo sa boses niya ang kaplastikan.

Agad naman akong nilapitan ni Xander para tulunang tumayo.

"How so sweet of you naman Xander. Di ka naman ganyan sa akin noon." note the sarcasm of her voice. 

Tiningnan ko si Xander na nagyon ay galit na galit na nakatingin kay Sam. So, magkakilala sila?

"Oh well! masyado ko ng naagaw ang spotlight na dapat ay sayo sa sobrang galing mo." maarteng pagkakasabi niya habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang dalawang kamay.

"I'm leaving for now. See ya' Love birds!" at mabilis siyang umalis. 

Tulala pa rin akong nakatingin sa papalayong si Sam. Ano bang gusto niya?

PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon