"Akala ko ba maaga mong iuuwi tong bunso namin?"tanong agad ni Kuya Nash kay Alexander pagkababa namin sa kotse.
"Saan ba kayo nagpunta at ginabi kayo?" sabat ni Kuya Andrew.
"Hindi mo naman siguro pinabayaan tong prinsesa namin" dagdag ni Kuya Nico.
Andito silang apat sa labas ng gate namin. Heto ang mahirap pag nagkaroon ka ng mga bakulaw na kapatid.
"Masyadong OA lang kuya? Bakit pala kayo andito sa labas?" tanong ko.
"Hinihintay ka malamang!" sagot ni Kuya Anton na iba makatingin kay Alexander
"Hindi ikaw ang tinatanong ko Antonio." sabi ko sabay bilat sa kanya.
"Pumasok ka na nga Alexis. At kakausapin na muna namin si Alexander" utos ni kuya Nico sa akin.
Tiningnan ko Alexander ningitian niya lang ako.
"oo na!" pagsang-ayon ko sa kanya. "Huwag niyong aawayin si Alex. Kilala ko kayo!" at pumasok na ako sa loob.
Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng pagkain. Ginugutom ako. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko.
Naligo muna ako bago sumalpak sa kama at kinuha yung cellphone sa sling bag ko.
6 messages received. At galing lahat yun sa mga kuya ko.
Biglang nagvibrate ang cellphone ko.
"THANK YOU :D SEE YOU TOMORROW. SWEET DREAMS MY PRINCESS :* :*" bigla akong napangiti. Hindi ko na kailangang tanungin kong sino yung nagtext dahil iisang tao lang ang nagpapangiti at nagpapabilis ng pintig nang puso ko.
Kinabukasan maaga akong nagising. Hindi ko alam kung bakit. Sabado naman kaya walang pasok.
Bumaba na ako sa sala habang nakangiti. Ewan ko ba, feeling ko ang ganda ng umaga ko.
"Anong meron sa ngiting yan Alexis?" tanong ni Papa sa akin pagkababa kol
"Hmmmm? Wala.." masayang saad ko at tumabi sa kanya.
"Palibhasa kasi Pa may naligaw sa kanya! Este Nanliligaw pala Kaya abot tenga ang ngiti." sabi ni kuya Nash na kabababa lang.
"Nanliligaw ka diyan! Wala kaya!" sigaw ko.
"Huwag ka ng magdeny bunso. Di ba nagdate pa kayo kahapon?" kanchaw ni Kuya Andrew sa akin na galing kusina
"Alam mo kuya masama ang sumasabat sa usapan" sabi ko sabay irap. Ngumiti lang . Kainis!!
"May nagpapabigay" si Kuya Nico habang inaabot ang isang malaking box. Sa taas ng box ay may nakalagay na invitation.
Anak ng!! Ngayon na pala yung kaarawan ng kambal. Ang tanga! Ba't ko nakalimutan?
"Pupunta ka?" tanong ni Kuya Anton sa akin. Tumanggi lang ako bilang sagot ko.
"Huwag ka nang pumunta." mariing sabi niya
"Anton! Kindly stop it! Hayaan mo na lang yang kapatid mo" saway ni papa sa kanya.
"Hindi naman sa nakiki-alam ako. Ayaw ko lang masaktan ang kapatid ko. Mas mabuti pang iwasan na niya yung kambal na Cruz."
"Ano? Iwasan? Bakit kuya?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na talaga siya maintindihan.
"Just...... Just forget it. Kung gusto mong pumunta. Pumunta ka" he said calmly at umalis na.
Mabilis lumipas ang oras at heto ako ngayon nasa loob ng kotse ni Kuya Nash. Ihahatid niya daw ako doon sa lugar na pagdadarausan ng party.
"I'd never thought na may ikakaganda ka pa pala" He chuckled. Napasimangot ako dahil sa sinabi niya.
"I mean. Maganda ka na noon pa. Mas lalo kang gumanda ngayon. Hindi ako makapaniwala na magiging prinsesa ka." sabi niya habang nakatingin sa akin.
Kung sabagay sinong mag-aakalang ang isang dating siga kung manamit, na isang ugly duckling noon ay magiging isang swan.
Maraming nagbago sa akin. At sa pagbabagong yun dun ako nagsimulang magmahal. At hindi rin mawawala na kapag nagmahal ka ay masasaktan ka rin. Handa na ba akong masaktan alang-alang sa kanya?
"We're here my princess." sabi ni Kuya Nash nang makarating na kami sa venue. I just smiled at him. Ang bait talaga ng Kuya ko.
"Tawagan mo ako, pag-uuwi ka na. Tandaan hindi ka pwedeng umuwi mag-isa ng ganyan." bilin niya.
"Opo..." at bumaba na ako sa kotse niya.
Papalakad na ako patungong entrance ng may nakabangga akong isang magandang babae.
Blonde ang buhok, malaporselanang balat, mga matang puno ng poot at galit na tinitingnan ako. Ang tingin na hinding-hindi ko makakalimutan
"S-sam"mahinang tawag ko sa kanya.
"Pardon? Kilala ba kita?" mataray niyang tanong. Bakit hindi na niya ako kilala?
"H-huh? A-ano k-kasi." hindi niya ako pinatapos
"Whatever!! Umalis ka nga sa daanan ko! Huwag kang paharang-harang!" sabi niya with all the expression of the world.
Umisid ako ng konti para makadaan siya. Talagang malaki na ang pinagbago niya. Hindi na siya ang dating inosenteng Samantha Nicole na isang malambing at mabait na kaibigan
Hindi na siya yung dating bestfriend ko.
She changed a lot......
Nakakalungkot mang isipin na nagbago siya dahil sa akin.
Dahil sa isang hindi ko alam na dahilan.
Isang araw pinuntahan niya na lang ako sa bahay na punong-puno ng galit ang mga mata niya. I tried to ask her. what happened? Pero isang malakas na sampal lang ang nakuha ko. Ang labo di ba?
Hanggang ngayon palagi ko pa ring tinatanong ang sarili ko kung ANO ANG DAHILAN KUNG BAKIT SUKDULAN ANG GALIT NIYA SA AKIN? Kahit anong isip ko Wala akong maalala na inagaw sa kanya. Lagi kong binibigay Kung ano man Ang gusto niya na nasa akin.
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??