"I'm bulletproof, nothing to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away
You shoot me down but I won't fall
I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium"Agad kong kinuha ang cellphone sa loob ng bag ko at dali-daling tiningnan kung sino ang tumatawag. Nagbabakasakali akong si Xander iyon.
Mabilis kong naibaba yun ng makita kong si Kuya Anton lang pala.
"Sino ba naman kasing may sabing tatawag siya? Pagkatapos niyong mag-away ay tatawagan ka niya?" sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Muling tumunog ang cellphone ko at sinagot ko na.
"Nasaan ka?" nag-aalalang tanong niya.
"Nasa bahay na ako kuya." mahinang sagot ko. Pagkatapos kasi naming mag-away ni Xander ay dumiretso na ako sa bahay. Sabado naman kasi at wala akong pasok. Mabuti na lang at di nakita ni Kuya Nash ang itsura ko pagka-uwi ko.
Napabuntong hininga siya na animo nakahinga ng maluwag "Kumain ka na ba?" Napatingin ako sa orasang nakasabit sa kwarto ko. Ala-una na pala, di man lang ako nakaramdam ng gutom.
"Hindi pa.." simpleng sagot ko.
"Anong gusto mo? Bibilhin ko."
"Kahit ano na lang Kuya."
"Sige, Bye." sabi niya then I ended the call. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Feeling ko ay may dalang isang napakabigat na bagay ang puso ko. Feeling ko pagod na pagod ako, kahit na wala naman akong ginawa kundi ang umiyak. Ano nga ba ang Connection ng mata sa puso?
Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama at napatingin sa kisame. "Bakit nga ba ako nagpahalik kay Vince?" pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala akong mahanap na sagot.
"Bakit naging ganito?" tanong ng isip ko habang nakapikit.
TOK! TOK! TOK! TOK! TOK! TOK!
Nagising ako sa malakas na katok sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko ang oras at Alasais na pala ng gabi. Limang oras akong nakatulog.
Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin, namamaga ang dalawang mata ko. Daig ko pa ang kinagat ng bubuyog nito. "Paano ko eexplain sa mga kuya ko? Bahala na nga!!" at saka ako nagmartsa papunta sa pintuan para buksan ito.
"Kakain.." hindi na natapos ni Kuya Andrew ang sasabihin niya ng makita ako at napalitan ang nakangiti niyang mukha sa pagtataka.
"Anong nagyari sa'yo? Sinong nagpa-iyak sa'yo??" salubong ang dalawang kilay niya habang tinatanong ako.
"Nasobrahan sa tulog." I lied. Alam kong hindi siya nainiwala sa rason ko. wala akong paki. kesa naman sabihin kong nag-away kami ni Xander kasi nalaman niyang nagpahalik ako sa bestfriend niya.
"Ikaw talaga.." sabay gulo sa buhok ko. "Kahit kailan ang takaw mo sa tulog.. Kakain na daw.. "dagdag pa niya at nauna na akong bumaba.
Hindi na ako nagtaka ng ang lahat ng mata mula kay Papa at sa tatlo kong kuya ay nasa akin pagkababa ko.
"Anong ulam?" pilit na ngiting tanong ko. Feeling ko tuloy galing akong China sa sobrang plastic ng ngiti ko ngayon.
Walang kumibo sa kanila kaya tiningnan ko sila isa-isa. "Anong nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanila.
"Kami ang dapat magtanong sa'yo, kung ano ang nangyari sa'yo at bakit namamaga ang mata mo?" diretsahang tanong ni Kuya NAsh.
"nasobrahan daw sa tulog" sagot ni Kuya Andrew habang tumatawa na nasa likuran ko,
"OO nga! Limang oras kaya akong natulog." I pouted.
"Okay.. Kumain ka na." simleng sagot ni Papa sa akin at agad naman akong umupo sa harap ni ni Kuya Anton na kunot noong nakatingin sa akin.
"O, Ba't putok yang labi mo?" tanong ko sa kanya ng mapansin kong may sugat sa gilid ng labi niya.
"Nasiko ng kateam mates ko kanina sa gymn." sagot niya. "O para sa'yo" Dagdag pa niya at ibinigay sa akin ang isang box ng ferrero na chocolate. Kunot noo ko naman siyang tiningnan.
"Nakakapagpagaan daw yan ng feelings.. Ewan ko kung bakit.." at nagsimula na naman siyang kumain kaya kumain na rin ako.
Gustuhin ko mang di kumain ay di ko magawa, dahil sigurado akong magdududa na sila Papa. Tahimik lang kami habang kumakain, ang weird tuloy. Kadalasan kasi sa tuwing maghahapunan kami at di namin maiwasang magbiruan.
"Tapos ka na?" naiangat ko ang paningin ko kay Kuya Anton nang tanongin siya ni Papa.
He just nod. "Magpapahinga na ako." at agad na siyangà umakyat sa kwarto niya.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na rin ako sa kwarto ko para magpahinga. Kahit na limang oras ang tulog ko kanina ay pagod na pagod pa rin ako.
Nag-open muna ako saglit nang laptop para aliwin saglit ang sarili ko.
Naglog-in ako sa facebook at di na ako nag-abalang tingnan ang newsfeeds ko.
"How do a broken hearts heal?" I typed pero agad ko din namang dinelete. and log out. Hindi man lang ako umabot ng 30 mins.
Nagising ako sa ingay ng cellphone na nasa ibabaw ng mesa. Alas dos na ng madaling araw. Sinong gago ang tatawag ng ganitong oras?
Biglang nagising ang diwa ko ng makita ko ang pangalan ni Xander. Agad ko naman itong sinagot.
"H-hello" nauutal na sagot ko. pero walang sumagot..
"X-xander, O-okay ka lang?'' tawag ko ulit sa kanya ng di pa rin siya nagsasalita.
"Damn!!" he cursed silently then he ended the call. at naiwan naman akon tulala habang nakatingin sa celllphone ko. unknowingly, umiiyak na pala ako.
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??