GAME 12: THE FEELINGS
"okay Sis. I got it! He's alright now.. Don't worry we will take care of him" si Alexandra mukhang kausap niya ang ate niya sa phone.
"And by the way sis,, before I forgot, don't tell mom about this. I am sure she will rush here pag nalaman niya. Alam mo naman yun masyadong OA." then she chuckled
"Okay sis. I love you too." then binalik na niya yung phone niya sa pouch.
Tumabi siya sa akin
''Sorry'' mahinang pagkakasabi ko
"its okay. And besides its not your fault Lex. Huwag kang mag-alala he will be okay'' then she smiled at me. Ngiting walang halong kaplastikan.
Mga ilang minuto ay lumabas na rin ang Doctor galing sa emergency room.
"Doc how's my twin?" tanong agad ni Alexandra sa Doctor
"stable na siya ngayon, pwede na siyang ilipat sa kwarto niya. Mabuti na lang at hindi siya napuruhan. Marahil kaya siya nawalan ng malay ay dahil sa dugo. Maybe he has a hemophobia'' paliwanag ng Doctor.aa
"Excuse me guys, I have to go" at umalis na yung Doctor
Inilipat na si Alexander sa kwarto niya. Gustong-gusto kung pumasok pero wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na "salamat" pero pinangungunahan ako ng takot at hiya.
Hahawakan ko na sana yung door knob ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang gwapong nilalang.a
"Hinahanap ka niya, He want to make sure that you are okay" at lumabas na siya sa kwarto.
Pumasok na ako sa loob at nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nanunod ng cartoons. Tiningnan niya lang ako na parang may hinihintay na sasabihin ko.
Umupo ako dun sa couch na malapit sa kama niya. Hindi pa rin ako kumikibo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.a
"Kumusta?" pasimula niya
baliw ba tong lalaking to? Siya na nga yung na confined ako pa ang kinukumusta niya.
"Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa'yo" dugtong niyaa
"Nung nakita kitang sinusundan ng mga lalaking yun naghinala na agad ako. Kaso mukhang wala man lang akong nagawa. Hindi ko man lang sila napabagsak." sabi niya habang tumatawa. Halata namang fake.
Hindi ko na napigilian ang sarili ko at niyakap ko na siya. Bigla siyang nanigas, maybe nabigla siya sa ginawa ko.
"You idiot! Anong akala mo sa sarili mo? isang pader? Paano kung napuruhan ka? Paano kung namatay ka? E di maraming malulungkot! Yung mga fans club mo magsasara! Hindi mo man lang naisip yung kakambal mo. Baka pagnawala ka marami na ang mangliligaw dun, sobrang ganda pa naman nun, at saka palaganapin mo muna yang lahi mo. Sayang din yung genes mo!" alam kong para na akong baliw sa mga pinagsasabi ko, e sa yun ang lumalabas sa bibig ko. "THANK YOU" dugtong ko
"Magpapasalamat ka lang pala ang haba haba pa ng litanya mo." alam kong sa mga oras na to nakangiti na tong mokong na to.
"aheeeeem" agad kaming napatingin sa may pintuan kong saan nanggaling yung boses. Dahil sa bigla ko ay agad akong napabitaw sa pagkakayakap kay Alexander.
Nakita ko sa Alexandra sa may pintuan with her creepy smile. Nasa likod niya si Vince and he just looked away.
.
Sheeet! Nakakahiya!
"hindi ba kayo marunong kumatok? " sigaw ni Alexander sa kanila at umayos ng upo.
"hindi na uso yan my twin.." si Alexandra sabay kindat sa amin. "mukhang nabitin namin ang momens niyo, and sorry for that." dugtong niya habang tinataas baba ang isang kilay niya.
"Wait, Alex your Blushing!" panunukso ni Alenxandra
"Hindi Ah!" we said in unison.
Napatingin kami sa isa't isa.. Is he really blushing? Ang cute niyang tingnan ^__^
"by the way Kuya, tumawag si Ate kanina sabi niya hindi ka na niya madadalaw total hindi ka naman daw napuruhan .. " then she chuckles. nakakatawa ba yung sinabi niya?
biglang napatingin si Alexandra sa gawi ko " at saka Lex, my sister wants to meet you..............SOON'' then she smile. para akong na estatwa sa sinabi niya. Ano ba ang nagawa ko at bakit ang bilis ng mga pangyayari? T.T
''my sister wants to meet you..............SOON''
''my sister wants to meet you..............SOON''
''my sister wants to meet you..............SOON'' yan ang palaging nag-e-echo sa utak ko. Ano ang gagawin ko? Sa kakaisip ko kung ano mga dapat kong gawin pagnagkita na kami ng Ate ng kambal ay hindi ko na namalayang may poste pala sa harap ko, and sadly to say na-untog ko..
"Yan kasi! tatanga-tanga! umilag ka naman!'' sabi ko sa posteng nasa harap ko habang hinimas-himas ang noo ko.
"anong nakain mo at pati poste kinakausap mo?'' Napatingin ako sa kung nasaan nanggaling yung boses.
"Na empacho yata ako, kaya pati utak ko nadamay''
he just poke my head "Wala na yatang laman yang tiyan mo kaya pati utak mo nagkukulang ng supply'' nagpout na lang ako dahil sa sinabi niya.
"mabuti pa, samahan mo na lang ako. kesa naman para kang baliw dito sa daan'' sabi niya sabay hila sa akin.
Mga ilang minuto ang nakalipas , 25 minutes to be exact, ay nakarating na rin kami sa pinagmamalaki niyang lugar kundi ang PARK.
"at ano naman ang gagawin natin dito?'' tanong ko agad
''magdi-date'' simpleng sagot niya.
Okay na speechless ako sa sagot niya
''Joke lang! ikaw naman di mabiro'' then he burts into laugh. Tiningnan ko nga ng masama. pero seriously ang gwapo niyang tingnan tuwing tumatawa. Yun bang pagnakita mo siyang ganyan ay nahahawa ka rin kaya napapangiti na rin ako
"hindi ko alam na tatanga-tang ka pala'' nawala agad yung ngiti sa labi ko at biglang napakunot yung noo ko. nang-iinsulto ba to?
''Is that a kind of a Joke? Dahil kung joke man yan bawiin mo na agad ng hindi kita masapak'' sabi ko habang tumatawa, pero mukhang seryoso siya sa pagkakasabing tanga ako.
"pero kahit tanga ka, hindi ko maiwasan ang mahulog sa'yo'' nawala agad yung tawa ko.
"I know may gusto sayo si Alexander. We promised pagdumating ulit yung panahon na magmamahal ulit kami sa isang babae ay parehas naming kakalimutan ang babaeng yun. But DAMN! Lex, I Can't.'' Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. OO mahal ko si Vince pero bilang isang kaibigan lang..
"Vince, you don't have to fight.'' nakita ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko.
"ayaw kong masira ang matagal niyo ng pagkakaibigan at...'' hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Mahal mo siya?'' napatingin ako bigla sa kanya. Alam kong masasaktan siya. Hindi ko sinagot ang tanong niya
"uwi na tayo'' pag-iiwas ko sa tanong niya
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga " So, that means a yes'' I just nod.
"Alam niya bang mahal mo siya?'' I shook my head
"hanggat hindi mo pa sinasabi sa kanya liligawan kita'' sersoyong sabi niya. "So all you have to do inorder to stop me is to tell him that you love him''.
BINABASA MO ANG
PLAYING THE GAME ALONE
RomanceNagsimula sa isang laro. Matatapos din ba sa isang laro??