GAME 17: KISS

166 7 2
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Sobrang saya ko dahil kami na ni Alexander.

Sino ba namang babae ang magluluksa kung isang ALEXANDER CRUZ III ang boyfriend!

" Ganyan ba talaga pag nagkakalovelife ngumingiti ng mag-isa? Para kang baliw Lex! " tanong ng bruha kong bestfriend na nagpawala ng ngiti ko.

" Palibhasa bitter ka! Isa kang malaking KJ!" sabi ko sabay irap. Tapos tumawa lang ang loka!

"Ewan ko na lang sa'yo Angelo delos Reyes! Para kang baliw!" ano bang nakain ng babaeng to? At wagas kung makapang-asar.


"Kaya nga magkaibigan tayo di ba?" utas niya habang nakataas ang isang kilay at may pilyang mga ngiti sa kanyang labi.

"So ano na? Kailan ang kasal?" dagdag niya na muntikan ko ng maibuga sa harap niya yung iniinom kong juice. Andito kasi kami sa canteen naglulunch.

Sinabunutan ko nga! Nakakainis na ang mga banat ng bruhang to! Kahapon ko pa nga sinagot si Alexander kasal na ang nasa isip niya?


"Ano ba Lex! Mashaket na yung ulow kow!" reklamo niya.


"Gusto mong makalbo?!"


"eto naman! Di na mabiro. Nagbibiro lang ako Lex." madaling sagot niya.


"Ipaalala mo nga sa akin na huwag magbiro sa mga babaeng may boyfriend lalo na sa mga kagaya mo." at nagsimula na naman siyang tumawa.

Diyos ko po! Ba't may kaibigan akong katulad niya?

Susumbatan ko na sana tong magaling kong kaibigan nang may magsalita sa likuran ko....


"Miss, may nagpapabigay" sabay abot sa akin ng isang rosas. Inabot ko yung bulaklak at binasa ang nakasulat sa isang papel.

Since distance equals velocity times time, lets velocity and time approach infinity, because I want to go all the way with you.

Napangiti ako sa nabasa ko. Hindi ko akalaing ganito pala ka sweet ang gwapo kong boyfriend.

"Waaaahhh! Ikaw na ang may lovelife!" pang-aasar ni Gel sa akin.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko.


From: Mahal

kahapon lang tayo nagkita pero namimiss na agad kita. I love you Mahal. :* :* :*

"Alam mo? Hindi na ako magugulat kung bukas makalawa ay langgamin kayo! Shit teh! Ang tamis ng boyfriend mo!"



"Tumahimik ka nga Gel! Ang ingay mo." saway ko sa kanya.


"Miss, may nagpapabigay" sabi ng lalaki sabay abot ng teddy bear. Pwedeng time out muna? Naiihi ako sa kilig!


"Salamat" sabay kuha ko sa teddy bear na may hawak na nakatuping papel.

The square root of YOU to the power of ME is equal to LOG of 143 to the base of INFINITY. I LOVE YOU MAHAL.



"Nasaan na ba yang Alexander na yan! At nang maging boyfriend ko rin!" tiningnan ko nga ng masama.



"Magboyfriend ka na kasi Angelo!" sabi ko sa kanya na nagpakunot sa noo niya.


"Ayaw ko nga! Sakit lang yan sa bangs!" at padabog niyang sinubo yung carbonara niya.


"Bakit may bangs ka ba?? Subukan mo lang kasi!"


"Ikaw Alexis ha! Nagkaboyfriend ka lang! Ganyan ka na!" sabi niya habang naka pout.


PLAYING THE GAME ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon